"BANGUNGOT"
Ako si lyla, kakauwi ko lamang galing paaralan, nakakapagod ang buong maghapon marahil siguro sa dami nang mga ginawang activities kanina. Pagkadating ko, naglinis muna ako ng bahay at nagluto para naman pagdating ni mama (lory) ay wala na syang gagawin kundi ang mamahinga na lamang galing trabaho.
Mahigit isang oras na ang nakalipas, tiningnan ko ang orasan "6:00 na pala ng gabi" bulong ko sa sarili ko. Habang hinihintay ko si mama ay binuksan ko muna ang tv para malibang ako sa pag hihintay sa kanya. "Inaantok na ako, ang tagal naman ni mama" sabi ko sa sarili ko.
At hindi ko na namalayang naka tulog pala ako sa upuan namin.
Naalimpungatan ako pero ang pagtataka ko ay bakit hindi ako makagalaw, iniikot ko ang aking paningin sa paligid nakita kong buhay parin ang tv at... may naaninag akong tao sa bandang may pintuan. Iniisip ko na baka si mama na yun, sinusubukan ko syang tawagin pero walang boses na lumalabas sa bibig ko.
Sinusubukan ko parin na tawagin sya pero wala talagang boses na lumalabas mula sa bibig ko at nag sisimulang bumibigat ang aking pakiramdam na tila'y may nakadagan saakin. Sinubukan kong tingnan si mama na baka napapansin nya ako ngunit laking gulat ko na bigla itong lumingon saakin at ngumiti nang nakakakilabot. "Hindi si mama ang babaeng iyon" Sigaw ng isip ko na halos hindi na ako makahinga dahil hilakbot na nararamdaman ko. Dahil sa takot ko ay wala na akong nagawa kundi pumikit at magdasal ng magdasal. Paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko na hindi ako natatakot dahil hindi nya ako papabayaan.
Makalipas ang ilang minuto ay unti unti ko nang binuksan ang aking mga mata, at laking pasasalamat ko ay wala na ang babaeng nasa bandang pintuan ng aming bahay. At maya maya pa ay biglang bumukas ang pinto at inuluwa si mama. At laking pasasalamat ko na si mama na nga ang dumating. Nawala na rin ang kaba ko at naging panatag na ang kalooban ko.