CHAPTER 22 Ang hideout nila ay isang malaking lumang bahay. Malayo ito sa kabahayan. Masukal na kagubatan ang paligid. Dinisenyo para maitago ang mga nangyayari sa loob ng bakuran nito. Wala man doon nakatira ay regular naman itong pinalilinisan ni Jaguar. Kumpleto lahat sa gamit ang bahay. Dito ginaganap ang mga meeting nilang patago. Dito rin nangyayari ang mga ilang illegal nilang transaction sa droga. Silang mga hitman ay bihira lang makapunta dito, sa mga iang parties lamang o kaya kung kailanganin ng bodyguards na magbabantay para sa proteksiyon ng kanilang mga kliyente. Ngunit dahil sa ilan na sa mga matataas na ranggo ang namatay at nagresign na ay lumiit na ng lumiit ang galamay ni Jaguar. Siya na lang yata ang naiwang may mataas na katungkulan sa lipunan. Nang i

