CHAPTER 23 Bumukas ang pintuan. “Bossing, andito na si Jaguar. Binaril na niya sa ulo si Ancheta.” Si Pingris iyon. Biglang sa isang iglap ay nasa pintuan na si Jaguar. “Tang-ina anong ginagawa mo!” singhal ni Jaguar nang makitang nakakalag na ang tali sa paa ni Clint. Kailangan niyang makaisip agad ng magandang idadahilan. Hindi siya dapat pagdudahan. “Nakiusap na mag CR sir kaya kinakalagan ko muna. Tutukan ko naman ng b***l hanggang sa banyo e.” sagot ni Errol. Hindi siya nagpakita ng pangangatal. Diretso ang kanyang sagot. Walang mababanaag na pagkabalisa at takot sa kanyang mukha. “Hayaan mong diyan siya umihi o tumae sa kinauupuan niya.” “Masusunod po.” Sagot niya. Lumuwang kanyang kanyang paghinga. “Itali mo uli ang kanyang mga paa bago ko harapin dahil tuso yang putang-i

