bc

As The Wind Whispers

book_age12+
3
FOLLOW
1K
READ
escape while being pregnant
goodgirl
independent
decisive
drama
sweet
bxg
childhood crush
friendship
like
intro-logo
Blurb

As the eldest child, Venice wants to leave a great impression to her parents. She discarded everything, even the one that she loved, just to be the perfect daughter her mother wanted her to be. When Calliope, her bestfriend asked her to at least treat her self, she met new friends. They helped Venice to cope up to the pressure she has for years. As time goes by, Venice is slowly realizing that she's falling for her friend and this time, she was ready to fight for him but faith has something else for her. The happiness, laughter, and smiles in her life slowly turned into sadness, regrets, and pain.

chap-preview
Free preview
Prologue
"Venice! Gising na! It's already 2pm!" sigaw ni Cali sa'kin habang ginigising ako. "Five minutes," walang pakialam na sabi ko sa kaniya ngunit nagising naman ang diwa ko nang narealize ko sinabi niyang 2pm. "Ano?! 2pm na?! Alas tres ang kasal!" Dali dali akong pumunta sa CR at naligo na.  Napuyat siguro ako kakaisip kagabi sa sobrang excited ko pero hindi ko naman akalain na malelate ako. Pagkatapos kong maligo ay nagmamadali na akong nagtoothbrush at nagskincare. Paglabas ko ng CR ay nakita ko si Cali na nakaupo sa kama na tumatawa. "Kung nakita mo lang ang mukha mo, matatawa ka rin," patuloy niya sa pagtawa. Sinamaan ko siya ng tingin at tiningnan ang oras sa aking cellphone. Alas otso pa ng umaga. Hinampas ko si Cali ng unan dahil tumatawa parin siya. "Tama na, naiihi na ako." Inirapan ko si Cali nang pumunta siya sa CR. Nagbihis muna ako ng damit, naka white t-shirt at jagger pants muna ako. Alangan namang magsuot ako ng gown sa resto. Paglabas ni Cali sa CR, inaya niya na akong kumain ng breakfast. Pinalo ko na siya one last time dahil sa prank niya. "Aray, sorry na nga eh. Kailangan mo na ding magising 'no para makapaghanda ka pa." Pagpapaliwanag niya. "Whatever." Tipid na sagot ko sa kaniya. Alas nuebe pa sana ako gigising kung hindi ako ginising ni Cali, kailangan ko ng beauty rest. Joke, maganda na pala ako kahit walang beauty rest. Bumaba na kami sa resto para kumuha na ng pagkain sa buffet. Kumuha ako ng bacon at ham tapos kakaunting rice. Kumuha na rin si Cali ng sarili niyang pagkain. Pumunta na kami sa mesa para kumain na. Habang kumakain, nakita ko si mama na ngumingiti sa'kin kaya kinawayan ko siya. Lumapit naman siya agad sa'min. "Venice, you're awake. Akala ko ba you want me to wake you up at nine. Ilang beses mo pa nga pinalala sa'kin dahil gusto mo ng beauty rest." Sabi ni mama sa'kin at tinapik ang likod ko. "Haha, alam ko na, gumising ka ng maaga kasi excited ka. Ako nga rin e, halos 'di na ako makatulog kagabi kakaisip." "Er— Ginising po kasi ako ni Cali kaya po ako nagising." Sinamaan ko ng tingin si Cali at nagpeace sign naman siya. Tumawa naman si mama. "I see, you two are really inseparable. Anyways, I still have a lot of things to do. Enjoy your meal, baby." Mom kissed my forehead and left. "Hoy, 'bat mo naman 'yun sinabi sa mama mo. Nakakahiya kay tita." Ngumuso si Cali ngunit inirapan ko siya. "Kapal ng mukha mong mahiya kay mama pero hindi sa'kin," pikon na sabi ko sa kaniya at tumawa naman siya. Pagkatapos naming kumain ay umakyat na kami sa hotel room ko. Ewan ko ba bakit dikit ng dikit sa'kin si Cali, may sariling kuwarto naman siya. Humiga ako sa kama ko at sumunod naman si Cali. "After all this time, I can't believe na darating ang lahat sa punto na ito. This is sad but you're happy." Biglang sabi ni Cali na nakatitig sa kisame. "Wow, napalakas ata hampas ko sa'yo kanina," sabi ko sa kaniya. Napakadramatic naman 'nun pero tama siya. Madami na ang nangyari pero parang kahapon pa lamang ang lahat ng iyon. Well, I'm happy and he's happy, this is the time where everyone moves to the next step of their lives. "I can't believe today is the wedding day," Cali sighed. Halata ding pinipigilan niya na hindi umiyak. "Stop being so emotional, Cali. You'll find yours soon too." Sabi ko sa kaniya na may halong tukso. "Wait, I think you already found yours. Ano na ang nangyari sa inyo ni-" "Shut up! I'm just happy for you..." She faced me and the tears in her eyes fell down to her cheeks. "Super happy." "Ako nga dapat umiyak, e. Kung iiyak ka, iiyak din ako. Pupula na mga mata natin mamaya sa kasal." Sabi ko sa kaniya, pinipigilan din ang sarili sa pagiyak. Tumawa naman si Cali para gumaan ang atmospera at pinunasan na ang mga luha niya. "Kanina tawa ka ng tawa tapos ngayon umiiyak ka na, baka mamaya ngingiti ka nalang ng walang dahilan," sabi ko sa kaniya para tumigil na siya sa pag-iyak at para maiba na ang usapan. Bigla akong niyakap ni Cali kaya niyakap ko na din siya pabalik. Unti-unting tumulo ang mga luha ko. 'Di ko alam kung anong gagawin ko kung magkakahiwalay kami ni Cali o kung hindi ko siya nakilalala. Pinunasan ko kaagad ang aking luha at humarap na kay Cali. "Ewan ko sayo," bigla niyang sabi. "Ha? 'Bat parang ako pa 'yung may kasalanan. Parang tanga." Tinawanan ko siya dahil hindi parin humihinto ang mga luha niya. "Napakaiyakin mo." Pagkatapos naming mag-usap, naging mabilis ang takbo ng oras kaya naghahanda na kami para sa kasal. Inaayosan na kami ng buhok ng mga hairstylist at minakeup-an na din kami ng mga makeup artist. Tinali at kinulot ang aking buhok at nilagyan ng puting flower crown, nilagyan din ako ng light makeup dahil ayoko sa makapal na makeup, baka masisira lang mamaya.  Si Cali naman ay nakalugay lamang at kinulot ito ng kaunti. Nilagyan na din siya ng makeup sa mukha ng mga makeup artist. Pagkatapos naming maayusan ay bumisita si mama at papa. "Hi baby, you look so great!" My mother kissed me on my cheeks. "And you too, Cali!" Nginitian ko si mama at niyakap ko siya. Niyakap ko din si papa na nakatingin lang sa aming dalawa. "I love you both." "I love you too, dear." Sabi ni papa at hinalikan ako sa noo. Halatang pinipigilan ni mama ang luha niya kaya 'di na siya nagsalita. "Take care, Venice." Ito nalang ang nasabi ni mama sa'kin at hinigpitan ang yakap sa'kin. "Always, mama," sabi ko kay mama para mapanatag ang loob niya. "O siya, magpahinga ka na muna. Mamaya suotin mo na ang gown mo, a. Sigurado akong bagay na bagay sa'yo." Sabi ni papa sa'kin at tumango naman ako. Maya maya ay pinasuot na sa amin ang aming mga gown upang makapunta na kami sa simbahan ng maaga. Hindi naman gaanong malayo ang hotel sa simbahan kaya hindi na namin kailangan problemahin ang traffic o kung ano ano pa. Sinuot ko na ang gown at kasya na kasya ito sa'kin. Hindi gaanong maluwang at hindi rin masikip. Finally at nasuot ko na rin ito. Ilang gabi akong hindi makatulog sa sobrang excited ko kakaisip kung anong magiging itsura ko kung suot ko ang gown na ito. Nang bumaba na kami ni Cali, maraming mga bisita ang bumati at ngumiti sa'kin. Nagselfie kami ng ilang mga bisita at ng ibang mga kaibigan ko. Nang nakita ko si mama, nagpicture din kami kasama ng kapatid ko. Maya maya ay pumunta na kami sa simbahan. Nandoon na ang lahat ng bisita. My family, his family, our friends, and some colleagues of our parents. As the music started. Everyone started to walk to the aisle and sat down to their seats. When it was finally my turn, I breathed heavily and smiled at my parents. They smiled back with teary eyes. I walked down through the aisle with mixed emotions. I don't know what to feel. I'm happy, excited, sad, and nervous. I was holding back my tear since I don't want my makeup to be ruined. When the priests started the mass, everyone was listening. But I can't, 'di ko alam kung sa sobrang saya, sa sobrang kaba, sa sobrang lungkot o sa sobrang excited ko ito. 'Di ako makapagconcentrate. Pagkatapos ng ilang mensahe ng pari ay oras na para sa exchanging of wedding vows. When he started to talk, my tears betrayed me. I can't stop myself from crying. Kahit anong punas ko, hindi ito tumitigil. Nawoworry tuloy ako sa makeup ko. "...I am happy to be with you here by my side, my sun. I promise to love you at your worst and your best. I will love you until the day I die." This was the end of his vow and because of his message, a lot started to cry. After exchanging vows, the priest started to announce the most pleasant thing every couple wanted to hear. "I may now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Runaway Bride (Womanizer Series 3)

read
124.0K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

Rewrite The Stars

read
101.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook