Chapter 1
Lakad-takbo ang ginagawa ni Cony, male-late na siya sa kanyang interview.
.
.
-Verdoja Group-
"Miss! May interview ako ngayon, for secretary position" ani niya sa babae sa front desk.
"Ah ganun ba? Sandali lang. Si Mr. Verdoja ang mag-iinterview sayo. Ang swerte mo girl!!!".- Front desk lady.
"Ha? Eeh sino ba yun?" - Cony.
"Ang may-ari ng kompanya na to. (Nagniningning pa ang mata) Personal niya iinterviewhin ang mag-aaply kasi pihikan sa sekretarya yun... At dahil ikaw lang din ang nag apply". -Front desk lady.
"Ha? Ako lang? Bakit ba nawalan siya ng sekretarya?". - Cony.
"Ah-eh....nagresign"
"Kaya pala" hindi na siya nagtanong pa. "Pwede na ba ako pumasok sa loob?". - Cony.
"Oo, good luck".
Nagpaalam na siya at kumatok sa pinto ng big boss.
.
.
"Come in" narinig niya ang boses ng lalaki mula sa loob.
.
Pumasok siya at naamoy ang panlalaking pabango sa buong kuwarto. Napadpad ang tingin niya sa lalaking nakaupo sa swivel chair. Umikot ito paharap sakanya. Muntik na siyang mapanganga ng makita ang lalaki...
Oh God!!! As in God talaga!! Mukang diyos sa Olympus na bumaba sa lupa.
Bumalik siya sa huwisyo ng marinig ang tinig ng binata.
"Ms. Fortez, are you with me" - Atlas
"Ah--I.. Yes Sir". - Cony
"Ayoko ng lumilipad ang utak pag kinakausap ko". - ay masungit. Pero keri lang.
"Yes Sir" -Cony
"Now, why do you want the secretary position?" -Atlas
--Naku patay. Ano ba ang sasabihin ko? Sa totoo kasi hindi niya alam bakit siya nandoon sa oras na iyon.--
"Uh--eh... Mahirap lang ho kami at may sakit ang nanay ko. Kailangan ko ng trabaho" Pinalungkot ko pa ang mukha ko.
" I see... This work demands time. Will you give me all of your time?" - Atlas.
"Ay, parang girlfriend lang Sir?" Tinignan siya nito ng masama.
"Joke lang" hehe. Ang gwapo talaga!
"I don't have time for jokes Ms. Fortez, do you want this job or not?" Sungit talaga.
"Uhm. Yes Sir! Masipag po ako at gagawin lahat ng trabaho ng isang sekretarya"
Nanahimik ito tila nag-iisip. Malaya niyang pagmasdan ang muka nito. He has deep set of eyes, arrogant nose and very very VERY sexy lips.
"Okay. Tanggap ka na. You may start today. Ipagtimpla mo ko ng kape"- Atlas.
Nagulat siya, tanggap na ako? Agad-agad?
"Teka. Kape? Bakit kita ipagtitimpla ng kape?"- Cony.
"Dahil yun ang utos ko" - Atlas.
"Wala ata sa job description ko ang pagiging tagatimpla ng kape mo, SIR" talagang diniin niya ang huli. Hello? Utusan daw ako, eh ni sarili ko nga di ko matimplahan ng kape.
"Are you questioning my orders? Don't make me repeat myself. Leave"
--napatanga na lang siya sa lalaki. Grabeeee!--
Wala siya nagawa kundi sumunod na lang dahil baka sesantehin pa siya nito. Hindi pwede!!!
.
.
Buong araw ay halos walang pahinga si Cony sa kaliwa't kanang utos ng kanyang big boss. Hindi na siya nagtataka kung bakit nag reresign ang mga sekretarya nya o kaya sinesesante. Hayok ito sa trabaho at parang laging mine-menopause. Ang guwapo pa naman.
Nakakuha siya ng tiyempo at umupo saglit. Hindi na talaga niya kaya, aba di siya informed na ngayon na siya maguumpisa!
"What are you doing?! Are you done with the papers?"
--Speaking of the Mighty...
"Nakaupo po Sir, try niyo din. Ang sarap sa pakiramdam" sabi niya habang tinatapik ang libreng espasyo.
"Am I paying you to sit there?! Go back to work!"
--Tinignan niya lang ito. At tumingin sa kanyang relo at nagsimulang maglakad palayo.
"And where the hell are you going?" -Atlas.
"Uuwi na Sir. 6 na oh. OT na nga ako eh. Byeeeeeeee!" At nagsimulang tumakbo. Iniwan niya itong mukang papatay ng tao.
.
"Hah! See you tomorrow Your Highness"