Alisha's Pov
Pagkatapos magkwento ni Aling Marites ay umalis na ako sa harap niya at nagpunta sa iba pang mga kakilalala upang magtanong.
Hindi ako naniniwala sa mga sinabi ni aling Marites dahil na din sa alam kong mahilig itong gumawa ng kwento.
Maayos na nakapag paalam sa akin ang inay bago pa ito namayapa kaya ayokong magtanim ng galit kanino man.
Alam ko din sa aking sarili na hindi iyon magagawa ni Ate Rosie kung may katotohanan man sa sinabi ni aling marites patungkol sa guhit ng bata.Sapagkat simula noong bata ako'y ginabayan din niya ako sa aking paglaki.
Nalaman ko din na totoong may sugat nga sa katawan si Aling Sita pero sugat lamang sa mga hita na di umano'y galing sa mga d**o na nakakasugat, at ang naging dahilan ng biglaan niyang pagkamatay ay dahil sa pagkabigla nito sa nangyari sa kaniyang apo na naging sanhi ng pag atake nito sa puso.
Si Daisy naman ay naitakbo pa sa hospital, hindi pa siya patay kundi nawalan lamang ito ng malay napagkamalan itong patay na ngunit naramdaman pa ang mahina nitong pulsohan kaya't umaasa pang magiging maayos din ito.
Naisipan ko nalang na maligo muna para makatulong ako mamaya kila Ate Rosie sa pag aayos sa kanilang bakuran para sa lamay ni Aling Sita.
Tapos na akong magsuot ng damit at makapag suklay ng buhok nung napansin kong may nakamasid sa aking pusa mula sa labas ng bintana.
Ang pusa ay kulay puti at magkaiba ang kulay ang mata nito kulay blue ang sa kanan at dilaw naman sa kaliwa at sa leeg nito ah may kwintas na nakasabit na hugis bilog na kulay green kaya naman napaka gandang titigan ang kabuoan ng pusa.
Agad akong lumabas ng bahay at pinuntahan ang pusa. Mahilig talaga ako sa mga hayop pero hindi ako kailanman pinayagan ni inay na mag alaga dahil dagdag lamang daw ito sa pakakainin kaya naman nakukuntento na lamang ako sa pagtitig at paghaplos ng mga alaga ni ate Rosie.
Nang mahawakan ko ang pusa ay napangiti ako, sobrang maamo ang pusa at mabalbon,napaka lambot din ng balahibo nito at halatang mamahalin.
"Ang cute mo naman, naku malamang hinahanap kana sainyo" sambit ko kahit alam kong hindi naman ito sasagot sa akin.
Bigla itong lumapit sa akin at kinoskos ang ulo maging ang katawan habang ako'y nakaupo kaya't mas lalo akong napangiti dahil napaka amo nito sa akin.
Bubuhatin ko sana ito para magtanong sa mga taong na kila ate Rosie ngunit ayaw nitong magpabuhat sa akin ngunit nakakapag takang naglakad ito ng medyo may kalayuan mula sa akin at tinitignan ako nito pabalik na tila ba inaantay akong sundan ito.
Kaya naman agad ko itong sinundan na siya din namang nagsimula ulit ang paglalakad nito. Ngunit nakakapagtakang imbes na sa palabas ng bakuran siya maglalakad ay sa likod ng kubong bahay namin ang patungo nito at tila ba kabisado nito abg lugar.
"Muning saan ka pupunta? Wala ng mga bahay diyan" usal ko kahit alam ko namang hindi ako nito maiintindihan at lalong hindi kikibuan.
Pero dahil na din sa kuryusidad ay sinundan ko ito sa paglalakad hanggang sa naabutan ko din ito. Nagtataka akong tumingin sa pusa nung tumigil ito sa paglalakad at nakatitig sa butas na naglalaman ng mga basag na bote at salamin na ginawa naming basurahan.
Nagulat ako ng bigla itong tumalon doon, kaya naman nag aala kong sinilip ang butas kung saan siya tumalon. Baka magkasugat sugat ang paa nito dahil sa mga bubong.
Ngunit sa aking paglapit sa butas ay bigla akong may naramdang pagtulak mula sa likod kaya naman napasigaw ako,ngunit sa pagbagsak ko'y tila ba napakalalim na butas ito dahil ilang minuto pay hindi ko pa nararamdamang may naapakan ng bubog ang mga paa ko imbes ay para akong nag sslide lamang sa isang palaruan.
Madilim ang paligid ngunit may mga maliliit na kumikinang na tila mga dyamanteng nagsilbing ilaw pababa. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba at takot sa bigla kong naranasan.
Ang paghinga ko'y lumalim din na tila ba nauubusan ako ng hininga napapikit na lamang ako ng bigla kong naramdaman ang pagkahulog ng aking pwetan kaya naman agad din akong napamulat.
Napanganga at napatitig na lamang ako sa nasilayan ng mga mata ko, dahilsobrang nakakamangha ang lugar.
Nasa labas palang ako ng isang kastilyo ay tanaw na agad ang kalakihan ng lugar. Nagising ako mula sa aking pagka mangha ng biglang nag meow' ang sinusundan kong pusa na tila ba kanina pa ako hinihintay sa gate.
Lumapit ako agad sa pusa nang biglang bumukas ang napakalaking gate. Pumasok kaming sabay ng pusa at bigla akong namangha ng makita ko ang napakaraming tao na nakasuot ng mga damit na tila ba may okasyon bigla naman akong nanliit at napatingin sa suot ko.
Masyadong kapansin pansin ang pagkakaiba ko sa kanila sapagkat ang suot ko ay isa lamang tshirt at short na napagliitan lamang ni Ate Rosie kaya naman binigay sa akin.
May mga taong napapatitig sa akin marahil ay napansin din nila ang damit ko, ngunit ang mga kalalakihan ay halatang nakasuot ng mga kolorete sa mukha dahil na din sa makapal na itim sa mga mata nito at mga mapupulang pisngi.
Habang ang mga babae naman ay napakatulis ng kanilang mga kuko na tila ba ilang taon ding hindi binawasan habang ang iba sa kanila ay nakahawak din ng mga pamaypay.
Napayuko na lamang ako,mukhang mali ang desisyon kong sundan pa ang pusa sa pagpasok sa kastilyo.Wala naman akong ibang sisihin kundi sarili ko kaya naman hindi ko nalang pinansin ang mga titig nila sa akin at derederetso kong sinundan ang pusang puti na tila ba malayo pa ang dapat na pupuntahan namin.
Sobrang nakapanliliit ang mga titig ng iba,ramdam ko ito at kita sa gilid ng mga mata ko habang ang iba pa ay nagbubulungan.
Nang biglang napatigil ako dahil na din napatigil ang pusang nasa harapan ko. May lalaking naka tayo sa harap nito at tinawag niyang Leo ang pusa.Sa likod ng lalaki ay may sasakyang carousel.
"Prince Leo, siya po ba ang panauhin na hinihintay sa palasyo? Tanong nito sa pusa
Nagulat ako ng biglang tumingin ang pusa sa akin tsaka sa tumingin pabalik sa lalake na mukhang taga maneho ng carousel dahil na din sa kasuotan nito.
Agad na sumakay ang pusa sa loob at ako naman ay parang natuod lamang sa kinatatayuan ko dahil sa hiya.
"Sumakay na po kayo"sabi nito sa akin habang may tipid na ngiti sa kaniyang mga labi kaya naman napalagay din ang loob ko at tinulungan niya akong makaakyat paloob, at agad naman akong naupo sa tabi ng pusa na tinawag niyang Prince Leo, kung ganoon ay Prince Leo na din ang itatawag ko.