bc

Oneiros of Alisha

book_age12+
5
FOLLOW
1K
READ
adventure
dark
independent
brave
self-improved
confident
tragedy
mystery
self discover
weak to strong
like
intro-logo
Blurb

Mag-isang anak lamang si Alisha at sa kasamaang palad ay parehong pumanaw na din ang kaniyang mga magulang. Nang sumapit ang kaarawan niya ay doon din nagsimula ang pagbabago sa buhay niya lalo na nung nakita at sinundan niya ang pusang puti na dati ay nakamasid lamang sakaniya.

Mas lalong nagbago ang lahat ng may matuklasan siyang lugar na alam niyang kahit kailan ay hindi pa siya nakakapunta ngunit tila pamilyar na ito sakaniya kaya't para sakaniya'y isa itong paglalakbay ngunit hanggang kailan nga ba siya maglalakbay? Kung sa bawat araw ay tila hindi matapos tapos ang isang napaka habang panaginip na tila ba nagiging isang bangungot na hinding hindi na siya makakawala kailan man. Pipiliin pa nga ba niyang magising? O hahayaan nalang niya ang sariling managinip nalang?.

chap-preview
Free preview
Ang pagtawa ng kwago
Alisha's Pov Nakatitig ako sa labas ng bintana mula sa aming kubong bahay habang umiinom ako ng barakong kape at ninanamnam ang sarap at bango ng halimuyak nito habang pinagmamasdan ang mga bituin sa langit. "Mag isa na lamang ako ngayon" sabi ko pa sa aking sarili habang nalalasahan ko ang pait sa aking mga labi. Ang aking ama ay hindi ko pa nasisilayan simula nung ako'y maipanganak , ang sabi naman ng aking ina'y namatay daw ito sakanyang pangangaso sa bundok at hindi na nakauwi tanging damit at iba pang gamit pangangaso na lang daw ang natagpuan na may bahid ng dugo gayundin ang mga parte daw ng katawan na nagkalat. May isang linggo na din ang nakaraan ng aming ilibing ang aking inay na namatay mula sa kaniyang sugat sa paa na pinagmulan ng impeksyon, huli na ng malaman kong nasugat ito sa may kalawang na yero,hindi na pinaalam sa akin ng inay at nagtiis nalang ito sa mga herbal na gamot. Napa buntong hininga na lamang ako, dahil hanggang sa huli ay puro pagtitipid parin ang iniisip ni inay. Marahil ay iniisip nanaman niya ang gastusin sa pagpapagamot maging ang pamasahe papuntang kabilang bayan at tunay ngang may kamahalan, ngunit alam ko namang magagwan ko sana iyon noon ng paraan. Tinignan ko ang relo mula sa dingding gamit ang liwanag ng lampara na malapit na din maubos ang laman na gas nito. Napangiti na lamang ako ng mapait ng makitang malapit ng sumapit ang alas dose ng madaling araw. "Sobrang lungkot naman ng aking pang labing- walong kaarawan nay at tay" sambit ko habang napaluha ng tahimik at nakatitig sa kawalan. Papasok na sana ako sa sa silid tulugan ng matapos ko ng ilagay sa lababo ang tasa ay bigla akong nakarinig ng huni ng ibon na tila ba tumatawa, bigla akong nakaramdam ng takot at kaba mas nakadagdag pa ng paninindig baliho ko ang pagtahol ng aso ng mga kapitbahay. Narinig ko nanaman ang pagtawa ng mga kwago, eto na ang pangalawang beses na narinig ko ito sapagkat ang unang beses ay ang gabi ng pagkamatay ni inay. Ang sabi ng matandang kapitbahay namin ay naghuhudyat daw na may mamatay, at unang naamoy ng mga kwago ang amoy ng kamatayan ang pagtawa nila ay nangangahulugang excited sila dito sapagkat ang ibong kwago ay kilala din bilang cannibalism. Biglang tumigil ang huni nito kasabay ng pagtigil ng pagtahol ng mga aso, kayat bigla akong nahimasmasan at agad na pumasok na sa silid kung saan kami parehong natutulog ni inay noong buhay pa siya. Ang kama ay gawa sa bolo kayat may mga parte itong masakit sa likod ngunit dahil sa mga pinag tagpi tagping straw na siyang ginawang banig ay nakatulong din ito upang mabawasan ang hindi pagiging komportable sa aking likod. Agad na akong nahiga at pinatay ang lampara upang makatipid kahit papaano sa gas nito hindi naman alintana ang dilim dahil may liwanag paring tumatagos mula sa labas dahil sa dami ng alitaptap sa puno ng santol. Bago pa ako dalawin ng antok ay biglang nakarinig nanaman ako ng huni ngunit hindi na iisang ibon kundi madaming ibon at hindi din kagaya kanina na saglitan lamang ang huni nito kundi tumagal pa ng ilang minuto na tila ba may kasiyahan at pagdiriwang ang bawat pagtawa ng kwago kayat napaisip pa ako, sino nanaman kaya ang susunod na mamatay na naamoy ng mga ito? Nagising ako sa mga tilaok ng mga manok ng kapitbahay kaya't agad akong bumangon mula sa aking pagkakahiga kaya't ang sinag ng araw naman ang bumungad sa aking mukha na nagmumula sa bintana. Agad akong pumuntang kusina at sinindihan ang kalan gamit ang kahoy at agad na nagsaing ng bigas, napabuntong hininga na lamang ako ng makitang konti na lamang ang bigas. Kailangan ko nanamang maghanap ng magpapalaba para may maibili akong bigas na nakakain sa susunod pang araw. Lumabas na ako sa bahay ng matapos kong maisaing ang bigas, at agad ko namang kinuha ang walis upang magwalis ng mga tuyong dahon na nagkalat sa bakuran. Pagkatapos ay kumuha na ako ng talbos ng kamote at kamatis mula sa maliit na hardin naming gulayan. Saktong naluto na ang kanin pagkapasok ko kaya't agad kong inalis ito sa kalan at nilagay sa gilid nito. Agad kong sinunod na isaing ang kape habang binabad ko naman sa tubig ang talbos ng kamote na siyang isununod ko namang iniluto ng kumulo na ang kape. Hinanda ko na ang lahat at nagsimula na din akong kumain nang matapos ako sa pagkain ay agad kong niligpit ang mga nagamit kong pinggan at baso. Nang biglang narinig ko ang sigaw at hinagpis sa kapitbahay. Sabi ko na nga ba't totoo ang sinabi ng matanda, malakas na talaga ang pang amoy ng mga kwago pagdating sa kamatayan ng mga hayop maging sa mga tao. Agad akong lumabas ng bahay upang tignan at makibalita kung anong nangyayare. Ngunit pagdating ko sa kanilang bakuran ay nakakapag takang ang dami na agad ang taong nakapalibot dito maging ang mga taga ayos ng tolda at kukuha sa bangkay. "Ate Rosie anong nagyare? Tanong ko kay ate Rosie na anak ni Aling Sita nang makasalubong ko ito papasok sa kanilang bakuran, halata ang labis na pagiging balisa nito at pamumugto ng mga mata. Ngunit imbes na sagutin ako nito ay tila ba hindi niya ako nakita o narinig manlang ata agad itong umalis sa aking harapan. Naiintindihan ko naman ito kaya't hindi ko nalang binigyang pansin "Manong kanor ano po bang nangyare? Tanong ko na lamang kay manong kanor na isang tanod sa aming baranggay "Patay na si Sita pati din ang anak ni Rosie na si Daisy, naku kawawang bata limang taon palang ay binawian na agad ng buhay" sagot nito sakin Kung ganoon nga ay sobrang naiintindihan nga ni Alisha ang kawawang babae na si Rosie dahil dalawang mahal niya sa buhay ang nawala sakanya "Eh manong ano naman po ba ang kinamatay ng dalawa? Sunod kong tanong "Si Sita ay nabangungot daw pero nakaka pagtakang may sugat ito sa iba't ibang parte ng kaniyang katawan habang si Daisy naman ay nakainom daw ng pesticide" may sasabihin pa sana si manong kanor nang biglang dumating sa harao namin ang asawa niyang si aling Marites "Alisha halika" agad na sabi niya sa akin at hinila ako paalis sa bakuran ng bahay nila aling Sita. Lumunok pa ito at tumingin sanpaligid bago tumitig sa aking mga mata at pabulong at may diin niyang sinabi sa aking " May nakita akong larawan na guhit kamay ni Daisy, buti kamo at nakita ko itong mabuti bago pa kunin sa kamay ko iyon ni Rosie" "Ano po ba iyong nakita niyo? Tanong ko naman sakaniya "Gamit ang krayola na pinang guhit ay malinaw kong naintindihan.Bale ang larawan ay may babaeng kulay itim na buhok at kulay asul na mata na alam kong ang inay mo ang tinutukoy habang isang babaeng mas matangkad sakaniya ang nakaharap na may hawak na patalim ang nakakakilabot doon ay naksasulat sa baba nung babae ang pangalang mama" pabulong na sabi nito sa akin habang ang ekspresyon na mukha pakikitaan ng takot na may ibang makarinig sa mga sinabi niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

His Obsession

read
104.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook