59 DARIUS "Just send my greetings to Monika, Darius." Sinagot ko ng marahang tango si Kuya Dwayne bago ako sumakay sa aking kotse. He waved his right hand as I started the engine. Tahimik ko namang binagtas ang daan pauwi sa bahay namin. Pasado alas-nuwebe na ng gabi kaya sigurado akong tulog na si Monika sa mga oras na ito. She likes sleeping a lot ever since she got pregnant. Mabuti na lamang talaga at hindi na siya nagc-crave ng pagkain sa madaling araw. Her first trimester is such a pain in the ass. Mabilis akong nakarating sa bahay kahit na mabagal o katamtaman naman ang pagpapatakbo ko ng sasakyan. Nang makababa ako sa aking kotse ay awtomatikong kumunot ang aking noo nang makitang patay ang ilaw sa living room. Hindi naman kami nagpapatay ng ilaw tuwing gabi, ah? Tumingin nam

