13 "Saan ka pupunta? Wala kang schedule na trabaho ngayon, ah?" Kinuha ko ang purse ko mula sa vanity table bago ako humarap kay Kia para sumagot sa tanong niya. "I have a date with Zhione." Agad namang nagtagpo ang kilay niya at takanh tumingin sa akin. I shot a brow up because of her reaction. "Alam ba ni Sir Darius 'yan?" tanong niya. "Dapat niya bang malaman ang personal life ko?" "Sabi ko nga hindi. Oh siya sige na, makipagdate ka na doon kay Zhione," pagsuko niya. Mahina naman akong tumawa at nagkibit balikat. "Gagamitin ko ang kotse, ha?" "Basta huwag mong ipapahuli sa pulis," biro niya. Napailing na lamang ako at lumabas na ng condo. Agad din naman akong nakaalis doon dahil kakaunti ang naka-park na kotse sa parking lot. "Damn," bulong ko nang mastuck ako sa gitna ng t

