54 DARIUS "Cara, hang in there, all right? H-Hang in there," I pleaded, still holding her hand. "Sir, hindi po kayo puwedeng pumasok sa loob," pigil sa akin ng nurse nang akmang sasama ako para pumasok sa loob ng emergency room. "Miss, asawa ko ang babaeng iyon. I need to be with her!" "Pero sir, hindi po talaga puwede. Maghintay na lamang po kayo dito sa labas," giit niya. "But our baby. . ." "We will try our best to save your wife and your child, Sir. Kumalma ho muna kayo dahil baka pati kayo ay maconfine rin dito sa hospital." Malakas akong bumuntong hininga at walang nagawa kung hindi sumuko. Naglakad ako papunta sa upuan sa tapat ng emergency room at pagod na umupo roon. Sumandal ako sa pader habang nakatitig pa rin sa pintuan ng emergency room. Akala ko ang sunod na pagpu

