51 MONIKA Naalimpungatan ako nang maramdaman ang kamay ni Darius sa aking tiyan. I slowly look towards his direction but he is already silently sleeping. Tumingin naman ako sa wall clock at napag-alamang alas kuwatro na pala ng umaga. Anong oras na ba noong nakauwi si Darius kaninang madaling araw? Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga at ginawa ang aking makakaya para hindi ko magising ang natutulog na si Darius sa aking tabi. A smile crept my lips upon seeing him sleeping peacefully beside me. I caressed his cheeks and kissed his forehead afterwards. Matapos ko iyong gawin ay bumaba na ako sa kama para kumain dahil kumukulo na ang aking tiyan sa gutom. Parang gusto ko ng mansanas at ice cream. Nakabili kaya si Darius kanina? Sana nakabili siya dahil gutom na talaga ako.

