SC #1

2259 Words

“Dasha, nasa baba na si Charlie,” sambit ni nanay Esther nang buksan niya ang pinto ng aking kuwarto. Tumango ako at ngumiti. “Okay po, Nanay. Tatapusin ko lang po ito.” Nagmadali na akong magtali ng aking buhok. Naka-ponytail iyon nang matapos ko na itong i-blower. Katatapos ko lang kasing maligo. Wala akong pasok ngayong araw ngunit hindi pa tapos ang isang buwan kong parusa sa pagiging grounded. Ganoon din si Lilith at naroon lang siya sa loob ng kaniyang kuwarto. Noong magsimula ang pagiging grounded ko, araw-araw pumupunta si Charlie rito para bumisita. Hindi naman siya pinagbawalan ni papa noong nagpaalam siya at madalas pa rin naman wala ang pamilya rito sa mansiyon. Nang matapos akong magtali ng buhok ay lumabas na ako sa aking kuwarto upang makababa na sa sala kung saan naghih

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD