“I was just trying to grab your attention… You’re too engrossed in the movie,” paliwanag niya sa akin. Hindi pa rin mawala ang inis na nararamdaman ko dahil sa ginawa niya. Kahit pa sabihin niyang sinusubukan niya lang naman na kunin ang atensyon ko, marami pa namang ibang puwedeng gawin bukod doon, ah? Puwede namang kausapin niya na lang ako. Nilingon ko si Charlie at tinignan nang maiigi ang kaniyang mukha, tinitignan kung wala ba talagang masakit sa kaniya. “Sigurado ka bang okay ka lang?” Inabot ng aking kanang kamay ang kaniyang pisngi. Kahit na naiinis ako, hindi ko pa rin maiwasan ang mag-alala para sa kaniya. Paano kung totoo pala na masakit ang dibdib niya? Nangako ako sa kaniya na gagawin ko ang lahat para alagaan siya ngunit paano ko iyon gagawin kung magbibiro siya nang gan

