“Ano nang plano mo sa aming dalawa ni Toyang ha, Trevor? Mamili ka na sa amin kung sino ang pakakasalan mo habang maaga pa, dahil apat na buwan na lang eh lalabas na ang mga bata sa sinapupunan namin,” basag ni Candy sa katahimikan habang nasa hapag kainan sila. Inamin nya na rin sa dalawa na si Trevor nga ang ama ng kanyang dinadala. Napabaling ang tingin nya kay Toyang nang bigla itong bumulanghit ng tawa. Ganoon din si Trevor na yumuyugyog ang balikat dahil sa pagpipigil na humalakhak. “To... yang pag... ikaw kina... haha... bagan na naman!” halos di matapos ang salita ni Trevor dahil sa kakatawa. “Bakla, anong tinira mo ha? Rugby o katol?” pang-aasarar ni Toyang sa kanya. Pati tuloy si Manang ay napapangiti na rin. “Ano bang nakakatawa ha?” “Ikaw! Adik ka eh! Kaya pala pang pelikul

