Dala ng matinding pagod sa pag-iyak ay hindi na napigilan ni Candy na makatulog sa byahe. Dahan-dahan nyang iminulat ang mga mata para muli na naman itong ipikit dala ng pag-pintig ng kanyang sentido. Marahil ay dahil iyon sa walang tigil nyang pagluha. Ang sunod nyang ginawa ay ang paghimas na kanyang tiyan. Bigla syang nakaramdam ng matinding uhaw at gutom. Naupo sya mula sa pagkakahiga sa kama... kama? Teka, paano sya nabuhat ni manang mula sa sasakyan? Halos malaglag ang kanyang panga nang mapagtanto nya na nakagapos ang magkabila nyang mga paa. Ang tali ay gawa sa malambot na seda pero matindi ang pagkakabuhol. “Tangna naman ng gumawa nito. Di ba nya nakita na buntis ako? Eh paano kung di ko napansin yong tali at natumba ko? Gago potek. Siguro yong driver ng taxi ang kumidnap sa amin

