Lulan si Candy ng taxi. Ang plano nya ay harapin na si Trevor. Limang buwan na ang lumipas buhat ng bigla nyang iwan si Trevor nang walang paalam. Masyado syang naguluhan at nabigla sa bilis ng mga pangyayari. Hindi pa sila pormal na nagkabalikan ay may nangyari na sa kanila. Natakot sya na baka wala na ang pagmamahal at pagnanasa na lamang ang natira. yon ang ayaw nyang mangyari, kaya minabuti nyang lumayo muna at pag-isipan ang mga bagay-bagay. Sa tuwing tatawagan nya ang pinsan ang gustong gusto nyang kumustahin ang dating nobyo, ngunit nag-aalangan naman siya dahil ayaw nyang marinig ang maaring isagot ni Toyang na ganoon pa rin ito at kung sinu-sino pa rin ang idini-date na mga babae, na baka binalewala lamang nito ang nangyari sa kanila. Kaya naman minamabuti na lamang nya na putul

