“Bagay pala sayo, beks, yung unat na unat na buhok eh. After nito, doon tayo sa katapat na mall mamimili ng isusuot mo,” excited na sabi ni Toyang. Paano ba naman ay may balak ang loka na magpabili na rin kay Candy ng bagong pantalon. Di pa nakuntento sa libreng pa-salon. “Kaya lang, beks, di kaya naiinip na yung si Trevor o kaya napagod na kasusuyo sayo? Halos kulang-kulang dalawang buwan ka nang di pinupuntahan eh. Tinetext ka pa rin ba?” “Minsan. Nangungumusta,” walang gana nyang sagot. Kahit siya kasi ay nagtataka na rin. Kung kailan naman handa na sya sa second chance, tsaka naman tila napagod na si Trevor sa kanya. Kasalukuyan siyang nasa department store kasama si Toyang. Sinamantala na rin nya at nagtungo siya sa infant's section upang bumili ng baby dress dahil kinuha syang

