Chapter 3

1603 Words
“Baklaaaaa, gising! May Greek God kang bisita,” namulatan nya ang pinsan na nagpapapaypay sa sarili. “Napaano ka?” pupungas-pungas na sabi nya rito. “Bumangon ka na bilis, now na! Mag-ayos ka at may naghihintay sayo sa baba.” Ganun na lamang ang kabog ng kanyang dibdib.  “Parang alam ko na kung sino,” sabi nya sa sarili. Dali-dali syang bumangon. “Maghihilamos lang ako. Parang OA naman kasi kung maliligo pa ko. Tama ganun nga. Teka, bakit ba ko natataranta?” Gaya ng naisip, naghilamos sya... hilamos na tila naligo na rin. Nagsipilyo at nagpalit ng damit, T-shirt at shorts. Pagkababa nya ay ganun na lamang ang pagkadismaya nya nang ang maabutan ay si Carding, ang delivery boy ng purified water. Ngiting-ngiti ito habang pababa sya ng hagdan. Nilingon nya ang pinsan na nakangisi rin sa kanya. Pinukol nya ito ng matalim na tingin. “Good morning, ganda,” bati sa kanya ni Carding. “Nariyan na yung tubig nyo. Dalas-dalasan nyo naman ang pag-inom ng tubig at nang maubos agad ang laman ng galon para naman makasilay lagi ako sayo, Candy,” kasabay ng maluwag na ngiti. Taray ng ngipin, may bakal. Pilit na ngiti ang kanyang isinagot. “Sya sige, bayad naman na ata kayo. Hatid ko na kayo sa gate,” pasimpleng taboy nya kay Carding. Di naman na ito tumutol. Pagbukas na pagbukas ni Candy ng gate ay ang makalaglag pangang mukha ni Trevor ang sumalubong sa kanya, plus ang napakabango nitong amoy... amoy kare-kare? “Hi,” bati nito. s**t na malagkit. Nakahakot agad ito ng atensyon sa paligid. Ang mga aso ay sabay-sabay nagsi-tahol at ang mga magwawalis ay napahinto sa mga ginagawa, nagtanggal ng sombrero na akala mo’y nakakita ng santo. The heck. “Ang bango mo... este, anu yang dala mo? Ang bango.” Di nya na namalayan ang pag-alis nina Carding at tanging batok na lamang ng lalaki ang kanyang nalingon. Putragis na batok yan, nanlilimahid. Sana lang tigyawat lang ang nasa batok nya at hindi pigsa. Eeeww. Itinaas ni Trevor ang hawak na plastic. “Kare-kare. Dito ko sana balak mananghalian.” Sinundan nito ng tingin ang tanaw ng dalaga. “Boyfriend mo o manliligaw?” Nahihimigan nya ito ng pang-aasar. Wow ha, lakas mo men. “Baliw. Boyfriend agad? Di ba pwedeng nagdedeliver lang ng tubig? Hayun at may dalang galon, oh. Tara na nga, pasok na tayo sa loob bago pa magbago isip ko,” sabay paikot ng mata, ngunit napapikit naman sa kilig pagtalikod. Pagpasok nila sa bahay ay binato nya ng mapang-asar na tingin na may kasamang dila ang pinsang natulala na sa lakas ng appeal ni Trevor. “Ah, Trevor, si Toyang, pinsan ko.”  “Sya pala yung sumusundo sayo every time na naka-checkin ka sa hotel,” ani Trevor. “Ha? Nakita mo syang sinusundo ako? Ibig sabihin hindi ka umaalis hangga’t di ako nakakauwi?”  Namula na naman ang binata. “Ha, eh, of course. Sayang kaya yung refundable deposit pagka-checkout mo.” Nakahanap ng dahilan si pogi.  “Ahhh, oo nga naman,” di mapinta ang mukha ng dalaga kung nakumbinsi ba ito o hindi. “Anyway, sya ang kasama ko dito sa bahay. Wala na kasi akong parents. Toyang, si Trevor. Sya lang naman si mystery guy na laging naghahatid sakin sa hotel.” “Hi!” sabat ni Toyang na atat nang makausap ang binata. “Sabi ni Candy magnanakaw ka raw?” Bumakas ang gulat sa mukha nilang dalawa ni Trevor at sabay pa silang nagkatinginan. “Magnanakaw ng halik. Ahahaha.” Ngali-ngali nyang ibuhos ang kare-kare kay Toyang. Nakitawa na rin si Trevor. Nang isinasalin na nya ang kare-kare ay biglang lumapit si Trevor sa kanyang likuran. Sobrang lapit. “Magnanakaw pala ng halik ha,” bulong nito sa kanyang tainga na nagpataas ng balahibo sa leeg at braso nya. Wala sa sarili na napaharap sya dito. Shit. Wrong move ang pagharap nya.  Fuck. Anung ginawa ko?  Di nakaligtas kay Trevor ang pambabaeng amoy ni Candy. Sweet. Bahala na. Hinawakan nya ang batok ng babae at hinalikan sa bibig nang walang pag-aalinlangan. Sa una ay halata ang pagkagulat nito, ngunit maya-maya pa ay tumugon na rin ito. Mabilis na uminit ang kanilang halikan... mapusok, mariin. Agad nilibot ng mapangahas nyang dila ang bibig nito, dahilan upang mapaungol ang dalaga. Ngunit panandalian lang pala. Di maiwasan ni Trevor ang madismaya nang pahintuin sya ni Candy. “Stop... stop,” bulong nito. “Bakit?” “Mali 'to, Trevor. Di natin dapat ginagawa 'to. Kagabi pa lang tayo pormal na nagkakilala. Ni hindi mo pa nga alam ang dahilan o ang kwento kung bakit lagi akong naglalasing. Pakiramdam ko’y pinagtataksilan ko sya... si Angelo.” Kasabay niyon ang pangingilid ng luha sa mga mata ni Candy. Di malaman ni Trevor kung bakit bigla syang nakaramdam ng pagka-banas sa Angelo na yun, kung sino man yon. “Then tell me. Enlighten me. Makikinig ako. Pero wag mong asahan na ihihingi ko ng tawad ang ginawa kong paghalik sayo, dahil kung mabibigyan pa ko ng pagkakataon ay gagawin at gagawin ko ulit yon. My God, Candy, hindi mo alam kung paanong pagtitimpi ang ginagawa ko sa gabi-gabing paghatid ko sayo sa kwarto ng hotel, sa tuwing ihihiga kita sa kama. I like you, Candy, so much. I liked you since the first time I saw you,” mahabang litanya ni Trevor. Halu-halong emosyon ang naramdaman ni Candy, ngunit pinilit pa rin nyang umusal ng salita. “Wag muna ngayon, please. Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa.”  Dahan-dahang dumistansya si Trevor sa kanya. Ngunit bago tuluyang lumayo ay pinahid muna nito ang mga butil ng luha sa kanyang pisngi. “Sshhh... it’s okay. I understand. Wag ka nang umiyak. Babalik na lang siguro ako sa ibang araw. Kumain ka nang marami at sana’y magustuhan mo ang niluto ko.”  Pagkasara ng pinto ay siya namang pagbaba ni Toyang sa hagdan. “Anyare dun? Akala ko ba dito kakain yun?” sabay baling nito sa kanya. “Hoy, bakla, anung ginawa sayo ng gagong yon ha? Bakit ka umiiyak?! Teka nga, baka di pa nakakalayo ang lokong yon.” Akma nitong hahabulin si Trevor nang pigilan nya. “Hi-hinalikan nya ulit ako... pe-pero nagustuhan ko,” mahina nyang usal habang sinasalat ang nangangapal na labi. “Nakupo, tinamaan ng malandi!” si Toyang, sabay tampal sa sariling noo. >>>> Napabalikwas ng bangon si Trevor sa sunud-sunod na tunog ng doorbell sa kanyang condominium. Sino naman kayang damuho ang pupunta sa kanya nang alas-tres ng madaling araw. Sinilip nya sa peephole ng pinto. “Sabi na eh.” Walang iba kundi ang nakababata nyang kapatid na si Tyron. “Ano na naman bang nagawa mo at napasagsag ka na naman ng ganitong oras?” inis na sabi nya sa kapatid na muntik na nyang mapagkamalang si Bangki sa kapayatan. Kung pagtatabihin sila ay mapagkakamalan na mas ma-edad ito sa kanya, pero kung tutuusin ay mas bata ito sa kanya ng limang taon. “Ka-kailangan ko ng pera. Pahiramin mo mu-muna ko. Kung hi-hindi ay papatayin nila ko,” mabilis at nauutal na salita nito. Nandidilat ang mga mata, di makali at lingon nang lingon sa pinto. Halatang may kinatatakutan ito. “Sino? Sino ang papatay sayo? Ano na naman ba ang ginawa mo? Wala ka ba talagang kadala-dala? Nakaaksidente ka na’t lahat di ka pa rin natatauhan?!” Pati siya ay napapatingin na rin sa nililingon ng kapatid, kinakabahan na baka bigla na lang may pumasok na kung sino. Mabuti na lang at maayos ang seguridad sa condo na tinutuluyan nya. “Lintik naman oh! Pera ang kailangan ko, hindi sermon mo! Ano, mapapahiram mo ba ko o hindi?!” tila ito pa ang nauubusan ng pasensya. “No. I refuse to help you destroy yourself,” sagot nya sa matigas na tono. “Bullshit! Magsama-sama kayo, pare-pareho kayong walang kwenta!” halos pasigaw na bulalas ni Tyron at padabog na umalis sabay bagsak ng pinto. Gustuhin man niyang sundan ang kapatid ay di nya ginawa. Wala siyang balak na kunsintihin ang pagdro-droga nito. Nakatakas nga ito sa isang aksidente na kinasangkutan nito, hindi niya alam kung makakaligtas pa ito the second time around. Paulit ulit nya rin itong kinumbinsi na sumuko at panagutan ang nangyari, ngunit para lamang syang nagsalita sa bingi. Pabagsak na naupo si Trevor sa silya. Nang ipikit ang mga mata ay mukha ni Candy ang sumungaw sa kanyang isipan. May kung ano sa dalaga na nagpapa-aliwalas sa kanyang pakiramdam. Kung siya ang tatanungin ay lagpas na sa “like lang” ang level ng pagtingin nya rito. Kung pisikal lang ang pag-uusapan ay 200% para sa kanya ang dalaga. May taglay itong kakaibang ganda, maamo at napaka-aliwalas ng hitsura nito. Kahit pa ata nasabing stressed ay hindi iyon kabawasan sa ganda ng mukha nito. Pagdating naman sa katawan ay nakuha nito ang tipo ng gustong-gusto nyang klase ng hubog ng isang babae. Hindi sobrang payat at di rin naman katabaan. May makinis na balat at malaman na dibdib at pang-upo. Dahil sa naisip ay nakaramdam sya ng kakaibang init sa katawan. Naramdaman nya rin ang paninikip ng kanyang pantalon. Agad siyang napahilamos sa kanyang mukha. Nakaramdam sya ng hiya sa babaeng sumasagi sa kanyang isipan. Nahihiya sya dahil wala itong kaide-ideya na pinagnanasahan niya ito sa gabi-gabing nakakasama nya ito. Ngunit alam niya sa sarili na hindi pagnanasa ang mangingibabaw once na magkakakilala sila nang husto ni Candy. Dahil aminin man niya o hindi, sa kaibuturan ng puso nya ay may puwang na roon ang dalaga. Pero bibigyan nya ng panahon ang babae na makapag-isip. Alam nyang may malalim na dahilan kaya ito nagkakaganon. Ganoon na rin para sa sarili niya. Kailangan niyang matiyak kung totoong pagmamahal na nga ang kanyang nararamdanaman para dito.  Naiisip nya palang kung gaano katagal ang panahong sinasabi nya ay nanlulumo na sya sa ideyang matagal na di masisilayan ang dalaga. “My sweet Candy. I’ll wait for you to be ready... even if it means to wait forever.” Itutuloy... Please Like and Follow <3  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD