Halos dalawang linggo na ang lumipas, kung bakit tila may kahungkagang nararamdaman si Candy. “Si Trevor... di kaya namimiss ko na sya?” Kinagabihan ay nagbakasakali si Candy na pumunta sa club. Medyo nagpagabi siya nang kaunti. Hindi nga sya nagkamali. Naroon ang lalaki at umiinom ng alak sa counter. Lalapitan na sana nya ito nang may tumabi ritong isang napakagandang babae. Tila may mabigat na bagay na dumagan sa kanyang dibdib, lalo na nang bulungan nito si Trevor sa tainga at ngumisi nang malandi. Tila sinemento ang kanyang mga paa sabay ng pagbilis ng sasal ng kanyang dibdib nang pagtayo ng lalaki ay napabaling sa kanyang kinatatayuan. Nagtama ang kanilang mga mata. Dali-daling kinalas ni Trevor ang pagkakapit ng babae sa kanyang braso na parang isang nobyo na nahuli sa akto. Agad si

