“Oh, beks, anong problema mo? Napapansin ko lagi kang nganga. Teka, nasaan ba si Trevor? Parang di ko na napagkikikita yun ah. Break na ba kayo?” pang-uusisa ni Toyang kay Candy. “Yun nga eh. Naiinis na ko sa kanya, bakla, parang LDR na rin ang drama namin. Laging sa text at tawag na lang kami nagkakausap.” “Uso ang Skype, beks,” sabay ngisi nito nang nakakaloko. Kung nakakapatay lamang ang titig, malamang ay kanina pa ito bumulagta. Pambanas ang mukha eh. Alam na ngang may pinagdaraan eh, nang-aasar pa. “Eh kailan ba kayo maghihiwalay?” Binalingan nya ang pinsan na animo’y tinubuan ng dalawang ulo, nagtataka kung saan ba patungo ang usapan nilang dalawa. “Anu ba namang tanong yan ha, Toyang? Bakit ba atat na atat kang maghiwalay kami ni Trevor?” “Dahil aakitin ko sya hanggang mapa

