Malakas ang ihip ng hangin na humahaplos sa mukha ni Candy. Kasalukuyan siyang nasa harap ng puntod ni Angelo. “Mga limang tambling na lang Angelo, makakamit na rin natin ang hustisya para sayo. Nakikita mo ba ko mula dyan sa langit? Alam mo na siguro na in-lab na ang lola mo. Siguro ang lapad ng ngiti mo noh? Hmpf! Magselos ka naman kahit kaunti, kaasar ka rin eh noh. Pero Gelo, sana nga masaya ka ngayon para sakin. Mahal na mahal ko talaga si Trevor. At ikaw, lagi kang may puwang dito sa puso ko,” sambit nya sa hangin habang hawak ang kaliwang dibdib at mariing nakapikit ang mga mata. Di namalayan ni Candy ang isang butil ng luha na kumawala sa kanyang mata. Limang araw na ang lumipas nang malaman nila ang plate number kasabay ang pangalan ng may-ari ng pulang kotseng nakasagasa kay An

