Tila natahimik naman kaming lahat sa inasal ni Rome. Sanay naman akong sinisigawan nito. Pero ngayon ko lang ito nakita na nagalit sa mga kasambahay at driver nito. Nakikita ko ang pamumula ng mukha ni Rome na halatang pinipigilan pa ang emosyon. “Sir, pasensya ka na. Nagkatuwan lan—” “D*mn!” bigla naman pinutol ni Rome ang sasabihin sana ni Cherry. Muli natahimil kaming lahat. Ako naman ay napahawak pa sa sinapupunan ko. “Go outside, Jestoni. Clean the cars instead of flirting here!” Mariing utos ni Rome. “Cherry, make an orange juice for Milli.” Pagkasabi noon ay biglang tumalikod si Rome. Hindi pa kami nakakilos lahat. Maya-maya ay kumilos na si Jestoni at nagpaalam sa akin sumama naman dito si Rodney. Ako tuloy ang nahiya para sa driver. “Kayo kasi eh! Aga-aga naghaharutan.” Na

