Warning! Irah Marie’s POV Ilang sandali akong nakatingin sa nakasaradong pinto. Napakislot na lang ako nang marinig ang mahinang iyak ni Rowan. Agad ko itong dinaluhan at binuhat. Matapos ay nagmamadali akong nagpunta ng pinto at ni-lock ang seradura. Panigurado na hindi makakapasok si Rome kahit may susi ito dahil sinigurado ko na nakadouble lock pa. Hindi pa rin nawawala ang kaba sa dibdib ko pero inintindi ko muna ang pag-iyak ni Rowan. Inasikaso ko ito at pinatulog na. Hindi naman ako nahirapan dahil agad rin itong nakatulog. Matapos na asikasuhin ang bata ay nagbihis na ako nang nighties na pantulog. Kanina na nagpunta ako dito sa kwarto ni Rowan ay sinigurado ko na may damit akong pantulog na dinala para hindi na ako maglalakad pabalik sa kwarto ko sa maid’s quarter na nakapa

