Chapter 17

817 Words
Zyra POV...     "Huhubels... Zyra! Help me please... may alam ka bang pwedeng bumuntis sa akin?"   Binatukan ko si Carl dahil sa pinagsasabi nya.    "Ano bang nasa utak mo Bakla! Gusto mo nang machug-chug?!"    Kanina ko pa sinesermonan tong si Carl. Sabado ngayon at wala kaming klase kaya nandito lang ako sa bahay, mamaya kasi may group review naman kami nila Allen. Nagpumilit kasi ako na sumama sa kanya mamaya para sa pag-tutor niya kay Mehunny. Sa Starbucks pa naman tapos libre ni Mehunny kaya mas lalo akong nagpumilit.   At eto si Carl himihingi ng advice kasi yung mommy nya si Tita Carla gusto syang ipatapon sa America para daw maging straight, or so ibang term para maging isang TUNAY at GANAP na lalaki. At eto sya, naawa man ako, matagal ko na rin kasing gustong magong Straight to'ng si Carl.   "Zyra besh, please..."- inirapan ko lang sya. Nagpunas naman sya ng luha nya. "Magpakalalaki ka na kasi Carl. Matagal na naming sinasabi yan." Lumabi naman sya sa sinabi ko. Bumuntong hininga ako at tinignan sya ng diretso. "You need to be a real man Carl, ikaw nga ang taga-pagmana ng Sacatani Corp. diba? Alangan namang babakla-bakla ka as a boss dun? Isip rin naman Carl, at isa pa. Diba nung High school tayo sabi mo, gusto mo ri'ng magkaroon ng pamilya, sariling pamilya? Sa tingin ko nga tinutulungan ka ni Tita Carla para makamit yun eh."- inirapan nya naman ako pero nagpatuloy ako sa pagsasalita.  "Magkakapamilya ka kapag nakabuntis ka. Sa tingin mo may kakayahan kang magbuntis? Bakla ka Carl! Bakla! at hindi nabubuntis ang bakla!"- sigaw ko sa kanya.  Hinawakan nya ang dibdib nya at nagkunwaring nasaktan. "Ouchy besh , mas masakit pa ata yung pinagdiinan mo na Juding ako. Kaimbyera ka! kaloka!"  Inirapan ko naman sya. "Tumahimik ka Bakla, baka maihambalos ko tong arnis sa mukha mo."- sabi ko at itinaas kuno yung arnis sa tabi ng kama ko. Laging nasa tabi lang kasi ng kama ko tong arnis, self defence lang baka may umatake sa bahay namin. "Ang hard mo sa akin besh."- naka-pout na sabi ni Carl. Pero kalaunan nag-seryoso rin ang mukha nya. "Pusong babae talaga ako Besh... anong gagawin ko?" Naawa naman ako sa kanya kaya inakbayan ko sya. "Carl, kaya mo yan. Magiging proud kami sayo nila Mau kapag naging tunay na lalaki ka. Kasi akalain mo yun, from pagiging Bading to pagiging foging fafa na habulin ng aso este girls. Ano payag ka na bang gawin yun? Susuportahan ka naman namin nila Mau." Nag-pout sya pero sa kalaunan tumango rin sya kaya namilog ang mata ko. "Basta promise mo Zyra ha, bff pa rin tayo. Kahit mamimiss ko kayo. Tsaka if ever man na hindi ko kayang maging lalaki talaga tatanggapin nyo pa rin ako huh?" Tumango ako at niyakap ng mahigpit si Carl. "We love you besh. Balitaan mo kami kapag nag-transform ka na ha, para mahanapan kita ng magiging soon-to-be Mrs. Sacatani." Nandidiri naman akong tinignan ni Carl. "Ewww... wala pa nga eh." Pinisil ko na lang ang ilong nya at niyakap sya uli. ~•~ "Besh, thanks pala sa advice tommorow na yung flight ko. Wag mo akong ihatid, at wag mo ring sabihin kila Mau at Alyssa tong pag-alis ko. Kasi baka hilain nila ako palabas ng Eroplano, 'lam mo naman na... mahal na mahal ako ng dalawang bruha na yun." "KAPAL."- inirapan ko sya sa kayabangan nya.  "Tsk. Kahit wag ka ng bumalik dito. hahaha" Nakitawa naman sya sa akin. At nag-pout pero may kinuha muna sya sa bag nya. Box. "Besh, sayo na yan. Tinatago ko lang naman yan pag-sinusuot ko atsaka, bawal na ako nyan simula ngayon." Binuksan ko naman ito at agad na nag-ningning ang mata ko. Jewelries. "OMG! Thank you besh!"- sabi ko at niyakap sya sa sobrang tuwa. Bukod sa hilig ko na mag-collect ng books mahilig rin ako sa mga jewelries. "Ingatan mo yan besh, mahal yan. Di ko na binigyan yung dalawa kasi marami na sila nyan. Kaya ikaw na lang. Goodbye gift ko lang sayo." Pinalo ko naman sya ng mahina sa balikat nya. "Nagpapamiss ka naman agad sa akin eh." Hinawakan nya yung dalawa kong kamay. "Goodbye besh." Binitiwan nya ang kamay ko at sumakay na sa sasakyan nya. "Goodbye rin Besh..."   Pagkalayo ng sasakyan ni Carl ay sinara ko rin yung gate ng bahay. Tinignan ko yung oras. 2:05 p.m.  Napatagal rin pala yung pag-uusap namin ni Carl. Haist. Si Carl, parang nawalan tuloy ako ng gana ngayon na sumama sa group review namin. Kinuha ko na lang yung cellphone ko sa bulsa ko at nag-text kay Allen. To:Allen    Hindi muna ako sasama ngayon. Nxt time nalang. Ingat nlang sa pagpunta mo dun. I love you:3 Pagka-send ko nun ay tumakbo na ako papunta ulit sa kwarto ko. Haist. Mamimiss ko si Carl. Humiga ako dun, ramdam ko ang pagod sa katawan ko kaya mabilis lang akong nakatulog. ************** A/N: Crushers, if bored na kayo kakahintay ng ud, pls try to read Alyssa's story muna. Wala pa kasi ata masyadong nakabasa nun atsaka yung Colors of Love na rin. Salamat. =>The Unexpected Guy for me (Alyssa's story) => Colors of Love
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD