Zyra POV...
"Zyra anak, gising na."
Kinusot ko ang mata ko. Tumingin naman ako sa paligid ko. Hala! Gabi palang naman ah.
Ipipikit ko sana ulit yung mata ko nang maalala ko na hapon pala ako natulog. Shocks! Kasalanan to ni Carl eh.
Dali-dali akong tumayo at tinignan ang cellphone ko na nasa tabi lang ng higaan ko.
Ang daming f*******: notif.
Isa-isa ko naman itong binuksan.
Mehunny Mendoza feeling happy withAllen Garcia
Thanks for the dinner Len-len. I appreciate it. Goodnight.
Nakaramdam ako ng inis dahil sa post ni Mehunny. Kainis! Bakit ko ba sya inaccept nung nag-friend request sya? Ito tuloy ako naiinis sa kanya.
Hindi ko ni-like yung post nya. Hindi ko naman like bakit ko ili-like diba?
Sunod kong tinignan yung iba pang notifs.
Zohar Hendrix Gustavo sent you a friend request Accept / Delete
Pinindot ko naman yung accept botton. Tsaka ko inopen yung account ni Zohar.
Zohar Hendrix Gustavo
I want her but she wants someone.
Halos masuka ako sa post ni Zohar. Taray nung lalaking yun ha! may pagka-cheesy. hahaha. Tinignan ko naman yung comments.
Zandrick Chase Park: Dre, ang bakla ng post mo.
Zohar Hendrix Gustavo: F*ck off Chase!
Zandrick Chase Park: F*ck you din dre! ./.
Natawa naman ako sa kanila. Tinignan ko naman yung iba pang-comments.
Joyce D : OMG! Ako ba yang tinutukoy mo babe?
Lourine Chua: Baby, di naman tayo away ngayon ah. *pouting emoticon*
Alexandra Smith: I love you baby loyal lang ako sayo.
Yuck! Babaero pala tong si Zohar eh. Nainis naman tuloy ako kaya hindi na ako nagtuloy na magbasa ng mga comments.
Sunod kong binuksan ang messanger ko, tinignan kong una kung naka-open si Allen. Yes! Kung swineswerte nga naman!
Agad akong nag-type ng message para sa kanya.
Me: Love I miss you. Kamusta?
✔seen
typing...
Love: Okay naman Love, how about you? Bakit hindi ka nakasama kanina?
Napangiti naman ako, concern sya eh.
Me: Wala medyo masama pakiramdam ko kanina pero okay na ako ngayon:*
Pagkasend ko nun , kinuha ko muna yung cellphone ko at lumabas ng kwarto.
"Mama, mamaya na po pala ako kakain. Please po."
"Oh sya, sige gawin mo na yang ginagawa mo basta wag kang magpapalipas ng gutom."
"Yes po!"
bzzt.
Love: Good to hear that you're fine now. Don't stress your self to much Love.
Kinilig ako sa natanggap kong message kay Allen.
Me: Opo Love ko. Pahinga ka na baka pagod ka pa sa tutorial session nyo ni Mehunny.
Love: Na. ah. You're my stress releaver. By the way, wala na tayong pasok next week right? Balik sana ulit tayo sa mansion sa batanggas, miss ko na dun eh.
OMG! Batanggas kung saan naganap ang isa sa mga bagay na pinakanagutuhan kong nangyari sa buhay ko, kung saan sinabi ni Allen... not technically sinabi, pero na feel ko na noon na mahal nya ako. Denial King kasi ang loko.
Me: Omo! Talaga? Sige punta tayo ulit. Dalawa lang ba tayo?
Sana isama namin ang buong gang. Pati sana sila Bestfriend Lance at Ishi pati si ate Dara at kuya Zander miss ko na kasi sila. Tutal wala naman kaming pasok ng one week rin yun. Sayang naman, sana reunion.
Love: Ahmmnn.. Ikaw, may gusto ka bang isama?
Me:Yep! Gusto ko isama ang buong gang, tsaka miss ko na sila Bestfriend Lance at sila ate Dara at Kuya Zander pls...
Love: Sige, ikaw bahala. Goodnight.
Me: Goodnight din. I love you.
Love: I love you too Love.
Allen Garcia~ Log out
Huminga ako ng malalim.
"KYAHHHHH!!!! REUNION NA TOH!!!"- impit na sigaw ko habang nakatakip sa bibig ko yung unan ko.
Excited na talaga ako. Kahit papaano I know mawawala ang stress ko dun sa balasyon na yun.
Tumayo ako at pumunta na sa kusina.
"Oh anak bakit nakangiti ka nang ganyan."
Nginitian ko naman si Mama at niyakap.
"Makakasama ko na ulit sila Lance mama. Pwede po ba akong sumama sa Trip namin nila Allen? Please po."- malambing na sabi ko kay Mama. Kahit College na ako, marunong pa rin akong magpaalam sa magulang ko. Nakasanayan ko na eh. Tsaka importante rin na sa bawat pag-alis ko nagpapaalam ako kila Mama.
"Oo naman anak. Basta wag kang gagawa ng kolokohan dun. Nagtitiwala kami sayo. Sige pumunta ka na muna sa kwarto ng kapatid mo at tulungan mo syang gumawa ng Project."- tuwang-tuwa naman ako dahil pinayagan ako ni Mama. Yes! Sila Lance nalang at ang iba pa ang kulang!
Kinuha ko ang Cellpone ko at nagsend na sa kanila.
OMG. I feel it, feeling ko masaya talaga ang kakalabasan ng reunion naming lahat.
Hindi mawala ang ngiti sa labi ko.
Someone's POV...
"OMG! Invited ako, bait talaga ng batang to kahit kailan."- nakangiting bulong ko habang katabi ang aking pinsan na babae.
"Ano yan ate?"- masungit na tanong nya, sanay na ako sa kanya. Kahit noon pa na mas matanda ako at nalaman nya wala pa ring nagbago na pagtrato nya sa akin. Still ganun pa rin, feel nya naman magka-age kami, pero mukha kaming magka-age.
"Wala, ininvite kasi ako ng kaibigan ko sa isang reunion."
Tinignan nya naman ang laptop ko. Natigilan sya pero sa huli ay ngimisi sa harap ng laptop ko.
"Pwede akong sumama? Please ate... please..."- natigilan ako dahil ngayon lang nagmakaawa to sa akin kaya ngumiti ako sa kanya.
"Sure pwedeng-pwede. Mabait naman yung kaibigan ko."
"YES!"
Tinitigan ko syang mabuti. Ewan ko ba pero kinabahan ako sa ngisi ng pinsan ko.
*****************
A/N: "I want to dedicate every chapter to those ACTIVE readers. And I want to say THANK YOU to those ACTIVE voters love lots!" i mean it Crushers.