Johhny's POV
Naglalakad ako ngayon, kapapasok ko pa lang sa gate ng Montereal University..
"Haaaaaaay kaantok" di ko napigilan ang di mapahikab dahil talagang inaantok pa ako.. First day of school ngayon, at medyo tinatamad pa akong pumasok..
Biglang may umakbay sakin..
"Sabi ko naman sayo, tigillan mo na ang pagpapantasya sakin, yan tuloy napupuyat ka.." siniko ko si Gibson..
"Ulol" sagot ko at binilisan ang paglalakad..
"Langya, may extra napkin ako dito, baka matagusan ka ha!.." sigaw pa ng gago.. Lakas talaga mang asar nun..
Sinipat ko ang relo ko, maaga pa naman kaya matutulog muna ako, mamaya pa ang umpisa ng klase ko 8:30 am, 7 pa lang..
Naisipan kong pumunta ng library. Pumuwesto ako sa may pinaka-dulo.. At dahil di pa naman nag uumpisa ang klase, mangilan ngilan pa lang ang nandito, mga old students siguro.. Naupo ako, at pinatong ang dalawang braso sa mesa.. saka komportableng inihilig ang ulo sa mga braso ko.. Ayos, malakas ang aircon. Pinikit ko na ang mga mata ko.. Unti unti na akong hinihila ng antok.
"Gwapo nya noh?"
"Oo, di ba isa sya dun sa 13 boys nung enrollment day?"
"Oo nga no?"
"Kyaaaah, ang cute nya talaga.."
Nagising ako dahil sa bulungan na naririnig ko.. Tiningnan ko ang paligid ko.. Napakunot ang noo ko at inaalala kung nasan ako..
Bigla akong napatayo ng marealized ko na may klase pa nga pala ako.. Tiningnan ko ang wrist watch ko. Wengya 9:00 am?
Agad kong dinampot ang bag ko, at patakbong lumabas ng library. Takte, napasarap ako dun ah..
Teka, san ba ang sunod kong klase? Tumigil ako sa pagtakbo at binuklat ang bag, kinuha ko ang schedule ko..
Napatakbo ulit ako dahil 9 ang umpisa ng sunod kong klase at nasa third floor pa yun.. Hingal na hingal na ako bago ako nakarating..
Tiningnan ko muna ang number sa may pinto para makasigurado na dito nga yung sunod kong klase.. Mahirap ng mapahiya aba!
Binuksan ko ang pinto at nakahinga ako ng maluwag ng makitang wala pang prof.
"waaaaahhH! Di ba sya yung isa sa mga varsity?"
"Oo, sya nga"
"OMG kaklase natin syaaaa!!"
Naupo ako sa may bandang hulihan at di pinansin ang bulungan ng ilan..
Dumating ang prof. At tumahimik na ang lahat.
Tulad ng inaasahan, at ang walang kamatayang 'introducing yourself'
"Hi I'm blah blah blah"
Nakikinig ako pero wala sa nagpapakilala ang atensyon ko.. Ang boring, ganito din siguro ang nangyari sa first class ko.
Business Course ang kinuha ko ganun din ang lahat ng jaguars, dahil lahat kami ay magmamana ng business ng kanya kanyang pamilya..
"Hello! I'm Rea Snyder, 17 years old taking up Business Management.. You can call me Rea,"
Napatingin ako sa babaeng nasa unahan ngayon, ang ganda ng ngiti nya halatang halata ang kainosentehan at kasimplehan..
"Kung kailangan nyo ng tutor or best buddy sa mga homework nyo at project, tawagan nyo lang ako.."
Di ko na naintindihan ang iba pa nyang sinabi dahil nakatitig lang ako sa bawat kilos nya at bawat buka ng bibig nya.. Narinig ko pa na nagtawanan ang mga tao dito sa loob, kaya nabalik ako sa huwisyo..
My turn, tumayo ako at nagpunta sa una..
"Hi! I'm Johnny Spencer.." pagkasabi ko nun bumalik na ako sa upuan ko..
Nawala na ng tuluyan ang atensyon ko sa mga natirang nagpapakilala.. Di ko mapigilan ang sarili ko na mapasulyap dun sa babae na nangangalang Rea..
Nakangiti na naman sya. Bigla kong iniwas ang tingin ko ng mapalingon sya sa gawi ko..
Damn! tingin pa more Spencer..
Ano bang meron sa babaeng yun? Maganda lang sya ngumiti, yun na yun..
Nag umpisa ang klase pero di ako makapag focus.
Tiningnan ko ulit sya.. Tang*na matatapos ang buong klase na sa kanya ako nakatingin. Pinilig ko ang ulo ko.
Hanggang sa natapos ang klase, salamat sa kanya wala akong naintindihan ngayong araw..
Tumayo na ako.. Pero bago ako lumabas ay sinulyapan ko ulit sya, kaya lang wala na sya dun sa inuupuan nya, nauna na yatang lumabas.. Napapailing na lumabas na din ako ng room..
Tiningnan ko ulit ang schedule ko. Breaktime ko pala.
Naglakad na ako papunta sa canteen..
Nasa may labas pa lang ako ay maririnig na ang ilang bulungan ng mga estudyante..
"Tama ang desisyon ko na dito mag enroll"
"Ang dami nila.."
"Ayan pa ang isa.."
Pagpasok ko sa loob, lahat ng estudyante nakatingin sa may pinakadulo, tiningnan ko din kung san sila nakatingin, wengya, nandito pala lahat ng jaguars..
"Yo! Spencer!" sigaw ni Dela Cruz at kinawayan ako.. Di ko sya pinansin at umorder muna ng makakain, gutom na ako eh..
"San ka sumuot kaninang first class?" tanong agad ni Montereal ng makalapit ako sa table nila..
"Sa lib----"
"hep hep, wag ka ng magpaliwanag, dahil nasagot na kami ng mga mata mo.." putol ni Young sa sasabihin ko.. Napakunot ang noo ko..
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.. At tiningnan silang lahat..
"Nasagot na kami ng muta mo, natulog ka na naman gago ka.."-Young
Kinapa ko ang mata ko sa pag aalalang may muta nga ako..
Binato ko ng tinidor si Young ng wala naman akong makapa..
"Sira ulo ka.." sabi ko at nagtawanan sila..
Sinimulan ko naman ang pagkain..
"Ano kamusta ang klase mo? Nakakita ka na ba ng bibiktimahin?" tanong ni Burns.. Bigla na naman pumasok sa isip ko, yung kaklase ko sa isang subject.. Si Rea. Sa lahat ng pangalan na narinig ko kanina, yung sa kanya lang yung tumambay sa utak ko..
"Silent means Yes.." tumango naman lahat ng jaguars at ng tingnan ko sila, nakatingin din silang lahat sakin.. Ano na naman bang problema ng mga ito?
"Problema nyo?" tanong ko..
"Umamin ka nga samin Johnny Boy.. May tinatago ka ba samin?"- Miller..
Di ko sila pinansin at binalik ang atensyon sa pagkain.. Ano namang itatago ko sa kanila?
"Huhuhu pinagtataksilan na tayo ni Johnny boy.." nagdrama na naman si Burns at Young..
"captain kailan ang start ng practice?" tanong ko kay captain at di pinansin ang dalawa..
"2 weeks from now.." sagot ni captain..
"Wengya ang tagal pa.." komento naman ni Turner..
"Kung gusto mo Turner, umpisahan mo na ngayon.." biro ko..
Tiningnan ako ng masama ni Turner..
Tinawanan ko lang sya.
"Howard, di ka mabubusog kung tititigan mo lang yang pagkain mo.." sabi ni Freeman, napatingin naman ako kay Howard. Nakatingin lang sya sa pagkain at parang may pilit na inaalala..
"Para talagang may mali.."-Howard..
"Kelan ba may tumama sayo" komento ko pero di nya ako pinansin..
Inumpisahan na nya ang pagkain, may pagka weirdo talaga..
BRAAAAAAG!! KABLAAAG!!
Napalingon kaming lahat sa tunog ng nabasag na pinggan at pagbagsak ng katawan..
"Tatanga tanga kasi eh!" sabi nung old student dun sa babaeng nakabagsak..
"Ikaw nga itong bumangga sakin eh." sagot nung babae.. "Di naman ako takure, pero bakit mo ako pinag iinitan?" dagdag pa nya at tumayo. Naalarma ang buong sistema ko ng makilala kung sino ang babae. Si Rea..
"Wala lang, naalibadbaran kasi ako sayo.." sabi nung old student na babae at tiningnan si Rea, mula ulo hanggang paa, dumarami na ang nakikitsismis..
"Insecure ka? Natatalbugan ba kita?" palaban na sagot ni Rea..
"Pfftt ayos sumagot si Spider ah"-Howard
"Tungunu Snyder yun Howard hindi spider bobo.."-Gibson..
Napatingin ako sa jaguars, kilala nila si Rea?..
"Oh bakit ganyan ka makatingin Spencer? Wala kaming pera, kaya wag ka ng magbalak na utangan kami.." di ko pinansin ang sinabi ni Fisher at binalik ang tingin kay Rea..
Halatang galit na galit na yung old student, di ko na napigilan ang sarili ko kaya naman tumayo na ako at lumapit sa kanila..
"Hoy Spencer, referee ka na ngayon?" narinig ko pang sabi ni Young..
"Ako maiinsecure sayo? Sino ka ba? Eh isa ka lang naman basura na napadpad dito.." sabi pa nung babae, habang papalapit ako sa kanila..
"Ako basura? Wag kang mag alala ikaw naman plastik.." sagot ni Rea..
Akmang sasampalin sya nung babae, di ako nag atubili iharang ang sarili ko..
SLAAAAAAAP!!
Dumapo sa mukha ko yung palad nung babae, napasingahap naman ang mga estudyanteng nakiki-chismis..
Tiningnan ko yung old student.. Halatang nagulat sya..
"J-Johnny"
Tiningnan ko sya ng masama, kaya ayun nagtatakbo paalis.
"pfftt wengya, Spencer ganda ng pasok mo ha.. Kapag nakipag sapakan ako, harangan mo din ako ha.." sabi ni Burns, nakalapit na pala silang lahat sa pwesto namin..
"Yo! Spider, ok ka lang?" tanong ni Howard..
Tiningnan ko din si Rea, at titig na titig sya sakin..
"Ang pakikipag away nilulugar.." sabi ko, ..
"May kamukha ka.." napakunot ang noo ko sa sinabi nya..
Pero bago pa ako makapag tanong ay nagsalita na sya..
"Kamukha mo yung future boyfriend ko.."
Natulala ako sa sinabi nya..
"Pffttt hahahaha wengya, ayos yun ah.."- Burns..
Nag apiran naman si Miller at Turner..
"Bago yan Miss Snyder.."-Miller
"Alam na this hahaha" nagtawanan pa ang ibang jaguars.. Naramdaman ko ang pagtapik ni Gray sa balikat ko..
--------------------
Rea's POV
Nakatitig ako sa lalaking nasa harap ko ngayon..
Sya yung lalaking natutulog sa library kanina..
Flashback
Nag aayos ako ng mga upuan at libro dito sa library, isa ito sa gawain ko bilang scholar ng Montereal University..
Kokonti pa lang ang mga estudyante dito, nasa may parteng dulo na ako ng library ng mapansin ko ang isang lalaki na payapang natutulog..
Naupo ako sa tabi nya dahil medyo pagod na din ako, kanina pa ako naglilinis..
Napangiti ako ng marinig ang paghilik nya..
Tatayo na sana ako ng hawakan nya ang kamay ko..
"Stay" he said, pero nakapikit pa rin.. Nananaginip ba sya?
May kung anong dumaloy sa kamay ko, dahil sa init ng kamay nya..
Pagtingin ko sa paligid, nakatingin na din pala ang ilang mga estudyante sakin, kaya naman hinila ko na ang kamay ko..
Ang sama ng tingin sakin nung isang old students..
End of Flshback
"Ang pakikipag away, nilulugar.." natauhan ako sa sinabi nya..
"May kamukha kar" sagot ko.. Napakunot ang noo nya..
"Kamukha mo yung future boyfriend ko.." Natulala sya sa sinabi ko..
"Pffttt hahahaha wengya, ayos yun ah.."-
Nag apiran naman yung dalawang kasama nya..
"Bago yan Miss Snyder.."
"Alam na this hahaha" nagtawanan pa ang ibang jaguars..
**
Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad, nang maramdaman ko na may sumusunod sakin.. Paglingon ko, walang iba kundi si Johnny Bravo, este Spencer pala..
"Yieeeeee sinusundan mo ako noh?" tanong ko pero nilampasan nya lang ako.. Suplado, mas ok kapag tulog sya..
Tumuloy na ako sa classroom ng next subject ko..
Pagpasok ko sa loob, nandun na din sya, nakaupo sa may dulo, may nakasalpak na headphone sa tenga nya..
Lahat ng kaklase naming babae sa kanya nakatingin..
Nagkibit balikat ba lang ako..
Nag umpisa ang klase.. At sobrang saya ko ng magbigay ng assignment si prof. Ayos tiba tiba ako nito..
At tulad ng inaasahan nagsilapitan sakin ang mga kaklase ko matapos ang klase.. Napatingin ako sa upuan ni Johnny kaya lang wala na sya dun..
"Rea ako din, eto sakin..." kanya kanya sila ng bigay sakin ng papel nila..
"Handouts? Ayaw nyo?" tanong ko sa kanila..
"Ay ako pahinging handouts.." sagot ng iba.. Sabi ko na eh, may taglay na K ang mga estudyante dito..
"Sige bukas.." sgaot ko.. At nagpaalam na sila.. Lumabas na din ako ng classroom.. Uwian na.. Naglalakad na ako palabas ng campus..
At dahil masipag ako maglakad, lalakarin ko lang hanggang sa apartment na tinutuluyan ko.. Nasa may tabing kalsada na ako ng maagaw ng isang lalaki ang atensyon ko..
Kumakain sya ng fistball kasama ang dalawang batang lalaki na madungis..
"Kuya Johnny, salamat ulit sa meryenda ha.."
"Oo nga kuya Johnny, ang swerte siguro ng girlfriend nyo.."
"Swerte talaga sya.."
Parang may humipo sa puso ko..
"Sige na, mag siuwi na kayo, wag na kayong pakalat kalat sa kalsada dahil delikado.." sabi ni Johnny dun sa dalawang bata..
Agad naman nagpaalam yung dalawa..
Di pa dun nagtatapos ang lahat, dahil tinulungan naman nya matandang babae na tatawid sa kalsada.. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya, dahil di ako nagpasalamat sa kanya, ng tulungan nya ako kanina..
Pagkauwi ko, di nawala sa isip ko ang mga nakita ko.. May lalaki pa palang tulad nya.. Akala ko kasi puro kayabangan na lang ang alam ng mga lalaki ngayon..
Bigla kong naisip ang pinaka mahalagang tao sa buhay ko..
Sabi nya, humanap daw ako ng lalaking may mabuting puso..
Di naman siguro, masamang magka-crush di ba?