CHAPTER 4

1579 Words
Kevin's POV Dalawang linggo na ang nakalipas simula ng mag umpisa ang klase.. Nandito kami sa gym, ngayong araw ang umpisa ng practice namin.. "Hoy Spencer, nakangiti ka na naman dyan di mo pa aminin na kinikilig kang hayop ka.." sigaw ko.. "Oh piso hanap ka ng kausap mo gago!" sigaw din nya.. Tinawanan ko lang sya.. "Wag mong asarin si Spencer bata, alam mo namang pahard to get ang peg ng taong yan.."-Burns.. Nabalitaan kasi namin, na may crush kay Spencer, si Snyder tapos itong si Spencer na gago, tinatanggi na di nya type si Rea, eh halatang halata naman na mas patay na patay sya.. "Assemble jaguars!" mabilis kaming kumilos ng marinig ang sigaw ni coach Roger.. "Yo! Coach.." bati namin ng makalapit kami sa kanya.. "Jaguars, Welcome to Montereal University, I saw your games when you were in High School, and I am looking forward for your games for this university" he said.. "Makakaasa ka coach.." sagot naming lahat.. Kung gaano namin kamahal ang isat isa bilang magkakaibigan, ganun din namin kamahal ang basketball.. Bumalik na kami sa practice, every morning magkakaron kami ng practice, para mamaintain ang physical condition namin sa game.. "Wohohoho! ganado ang gago!" - sigaw ni Montereal kay Spencer.. "Pano di gaganahan, crush din ng crush nya, whoa! Isako na yan.." panggagatong naman ni Miller.. Pero parang walang naririnig si Spencer dahil di pa tin nawawala ang mga ngiti nya.. Pinagpatuloy namin ang practice.. ----------------------- Rea's POV Anong problema ng panahon? At ako lang nilalamig. Nandito ako ngayon sa library, at pakiramdam ko may nakatutok sakin na limang aircon at lahat yun nakatodo sa lamig.. "Grabe, mas lalong silang gumwapo.." "Sinabi mo pa, lalo na dahil nasa court sila.." "ang hot nila tingnan, sayang, pinagbawal ng captain nila manuod ang mga estudyante during practice.." "Kaya nga eh, pero crush ko talaga yung captain nila, di nagsasalita at ang angas ng dating..omeged.." Narinig kong bulungan ng ilang mga estudyante na maagang nakatambay dito sa library.. Ang jaguars siguro ang tinutukoy nila.. Nabalitaan ko din na ngayon ang umpisa ng practice nila.. Bigla ko na naman naalala si Johnny.. At ang muling pagtulong nya sakin week ago.. Flashback Nag aayos ako ng mga librong ginamit ng ilang mga estudyante.. KABLAAAAG!! Nagulat ako sa biglang pagbagsak ng mga librong maayos na nakapatas sa book shelves kanina lang.. "Oooopps! Sorry, nadulas yung kamay ko.." napatingin ako sa tatlong babae, sila yung 2nd year students sa Accounting Department.. "Buti kamay mo lang yung nadulas.." sagot ko, at inumpisahang pulutin ang mga nagkalat na libro.. Muli ko yung inayos sa pagkaka salansan.. Pero di pa ako nakakatalikod ng muli na naman yung magpatakan.. "Ayos ang trip nyo ah, bakit di nyo na lang kaya itumba ang lahat ng book shelves dito sa library"  sabi ko dun sa tatlo, halata naman na nang aasar lang sila.. "Gusto mo ikaw ang itumba namin?" nanghahamon na sabi nila.. "Ay wag na, busy ako eh, wala akong oras.." sagot ko.. At parang naasar sila sa sinabi ko.. Ginulo nila yung mga librong inaayos ko kanina at iniwan akong napapabuntong hininga.. Bakit ba, ang laki ng galit ng mga babaeng yun sakin?.. Eh kung sampalin ko kaya sila ng libro ng magkalaman naman ang utak nila at hindi puro pambubwisit sa kapwa ang alam nila.. Inumpisahan kong ayusin ang mga libro, at laking gulat ko ng paglingon ko ay nandito na si Johnny at tahimik na pinupulot ang mga libro at binabalik sa book shelves.. "Johnny, kailangan mo ba ng balde?" napatingin sya sakin pero di sya sumagot.. "Nag uumapaw kasi ang pagiging matulungin mo eh.." pagpapatuloy ko.. Tumalikod sya sakin kaya di ko nakita ang reaction nya, pinagpatuloy nya ang pag aayos at di na nya ako tinapunan ng tingin.. Tumulong na din ako dahil yun naman ang trabaho ko.. Di ko maiwasan na di sya tingnan, bakit ba lagi na lang nya ako tinutulungan? Siguro crush nya din ako.. Napangiti ako sa tinatakbo ng isip ko.. "Saya naman ng araw ko.." muli syang napatingin sakin.. "Dahil kasama kita.." Napailing lang sya.. "Sana araw araw nilang guluhin ang mga libro dito sa library.." nakangiting sabi ko.. "You're crazy.." he said at iniwan na akong mag isa.. Langya, minsan na nga lang sya umimik yun pa sinabi.. Ngayon ko lang napansin na naayos na pala nya lahat ng libro.. I smiled.. End of Flshback Binilisan ko na ang trabaho ko dito sa library dahil may klase pa ako.. "Hello Rea.." napalingon ako sa tumawag sakin.. "Uy Tina, ikaw pala.. Ano kamusta?" isa sya sa mga kasamahan kong scholar dito sa M.U "Ayos naman, salamat dun sa binigay mong sideline ha, kumita ako ng konti.." nakangiting sabi nya.. "Ano ka ba, wala yun.. Saan ka nga pala, ini-assign ni dean?" tanong ko.. "Sabi nya, baka daw sa basketball team nya ako ilagay, pero kakausapin pa daw nya si coach Roger.." "Ah ganun ba.." sagot ko na lang, medyo sumasakit na kasi ang ulo ko, di ko feel makipagdaldalan ngayon dahil lamig na lamig pa rin ako.. "Ok ka lang ba?" tanong ni Tina.. "Ok lang ako.." nginitian ko sya.. "Sigurado ka? Parang namumutla ka.. Wag mong sabihin sakin na, binenta mo ang dugo mo.." "Parang magandang idea yan, masubukan nga, magkano na ba bentahan ng dugo ngayon?" biro ko.. "Baliw, ok ka lang ba talaga?" tanong ulit nya.. "Teka, nag almusal ka ba?" "Ok lang talaga ako, Oo, nag magic flakes ako kanina, nagbabaka sakaling makita ko si john Lloyd Cruz.." "Puro ka kalokohan...Nauunawaan kita sa larangan ng pagtitipid.." nakangiting sabi nya.."Sige na mauna na ako sayo, may klase pa ako eh.." "Sige, pupunta na din ako sa klase ko maya maya.." at nagpaalam na sya sakin.. Matapos ang ilang minuto ay tumuloy na din ako sa klase ko.. Pagkapasok ko pa lang sa classroom ay naglapitan agad ang mga kaklase ko.. "Rea yung sakin?" "Sakin din Rea.." "Ako din Rea.." Agad kong pinamigay ang mga handouts nila dahil lalong sumasakit ang ulo ko dahil sa ingay nila.. Pagkatapos kong ipamigay ay naupo na ako sa upuan ko.. Maya maya pa ay dumating na din si prof, at kasabay nya si Johnny my crush.. ------------------- Johnny's POV Nakasabay ko si prof sa hallway, habang papunta ako sa klase ko.. Pagkapasok namin ng room agad na nag upuan ang mga kaklase ko.. Agad din hinanap ng mga mata ko ang babaeng baliw na si Rea.. Napakunot ang noo ko ng mapansing namumula ang pisngi nya at medyo namumutla ang labi nya.. Ano bang pinag gagawa ng bababeng ito, sa buhay nya? Naupo ako sa hulihang bahagi ng classroom.. Nag umpisa ang klase.. Seryosong nakikinig ako sa discussion.. "I appreciate your willingness to learn Ms.Snyder, pero kanina ko pa napapansin na nahihirapan ka na sa pagpipigil ng antok.." napatingin kaming lahat kay Rea dahil nilapitan sya ni prof.. "Hehehe, sorry prof, hirap na nga po akong magpigil ng antok, mas mahirap pa ito kesa sa pagsasagot ng trigonometry.." sagot ni Rea.. "Langya mas nahirapan pa sya magpigil ng antok kesa sa trigo?" narinig kong komento ng isa sa mga kaklase namin.. Hinipo ni prof si Rea.. Napakunot muli ang noo ko.. "Ang taas ng lagnat mo ah, bakit di ka agad nagsabi? You're free to go to the school clinic and take a rest.." sabi ni prof at tumingin sya sa paligid.. Tinaas ko ang kamay ko para sana magpaalam papuntang banyo.. "Yes! Mr. Spencer, kindly bring Ms.Snyder to the clinic" sabi ni Prof.. Wengya, tinatawag pa naman ako ng kalikasan.. Tumayo ako, ganun din si Rea.. hinintay ko sya sa labas ng room.. Nang makalabas sya, kinuha ko yung gamit nya at ako na nagdala.. Aaminin ko, unang kita ko pa lang sa kanya crush ko na sya, kaya lang she's too good to be true.. Naglakad na kami papunta sa clinic.. "Alam mo ba kung ano ang pinaka the best na feeling sa buong mundo?" tiningnan ko sya.. Ayan na naman sya sa mga banat nya, dalawang linggo na ang nakakalipas simula ng malaman ko na ,may crush din sya sakin.. Pinigilan ko talaga ang sarili ko na magtatalon sa saya ng malaman ko yun, dahil pinaalala ko sa sarili ko na di sya bagay sa isang tulad ko.. Masyado syang inosente.. "Ano?" tanong ko, inaamin ko, sobra akong kinikilig sa mga banat nya.. "Ang maka-feeling ka.." she said.. Wengya, napakahirap pigilan ng mga ngiti ko lalo na sa harap nya pero pinigilan ko pa rin ang sarili ko.. Ang init ng smile mo, parang apoy, cause you always melt my heart whenever you smile.. Gusto kong sabihin sa kanya yan kaya lang di pwede.. Nawala ang kilig na nararamdaman ko ng mapatingin ako sa mga mata nya, halatang may iniinda syang sakit sa katawan.. Sinukbit ko sa balikat ko ang bag nya at walang paalam na binuhat sya.. Napapatingin samin ang ilang estudyante.. Pero wala akong pakialam dun, all I want to do is to bring her to the clinic to make her feeling more better.. "Johnny, bilang kabayaran sa walang paalam mong pagbuhat sakin, tatawagin na kitang 'my labs', at sa ayaw at sa gusto mo, mapapasakin ka.." deklara nya, bago sya nawalan ng malay.. Nagpanic ako, kaya tinakbo ko na sya agad.. Ang taas ng lagnat nya.. Agad naman syang inasikaso nung nurse.. Payapa na syang natutulog ngayon, bumaba na ng konti ang lagnat nya.. Pinagmamasdan ko sya.. Gusto ko syang protektahan, at gagawin ko yun sa paraang di nya alam..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD