Johnny's POV
"Ang pagiging torpe, nakakamatay yan, bahala kang bumulagta.." pang aasar ni Burns.. Ang bilis ng oras, dalawang buwan na agad ang nakalipas.. Nandito kami ngayon sa bahay nina captain..
"Gago.." sagot ko.. Hanggang ngayon di ko pa din sinasabi sa kanila ang dahilan kung bakit, ayaw kong pormahan si Rea.. Bakit nga ba?
"Hayaan nyo na lang mamatay yan.." lumapit samin si Montereal..
"Wengya, nagsalita ang di torpe.." sagot ko..
"Pfftt sige lang, magsukatan kayo ng katorpehan.."-Gibson..
"Di ko type ang babaeng yun wag nga kayong mangarap.." sagot ni Montereal at iniwas ang tingin samin..
Pinakilala kasi samin ni coach ang manager namin, si Tina Bautista, isang buwan na namin syang nakakasama sa practice.. At sa isang buwan na yun, puro pagpapansin lang ang ginawa ni Montereal.. Lagi na lang nyang inaasar si Ms.Manager..
"Alam nyo kayong dalawa uminum na lang kayo ng cobra energy drink, baka sakaling lumakas din ang loob nyo.." sabi ni Miller..
"Lakas maka-energy drin ng gago.." sagot ko..
"Taena! hiyang hiya kami sa lakas ng loob mo Miller.. teka asan ba si Jana?" akmang tatayo si Montereal ng pigilan sya ni Miller..
"Tol naman, wala naman ganyanan.." nagtawanan kami..
"Wengya, mga kaibigan ba talaga namin kayong tatlo?" pangbubuska naman ni Turner..
"Who you?" sabay sabay na sagot namin nina Montereal at Miller..
Maya maya pa ay dumating si Jana, may dala syang sandwich kasunod nya si tita Sandra na may dala namang juice.. mama nila ni captain..
"Magmeryenda muna kayo mga gago" wengya manang mana kay captain ang kapatid nya..
"Salamat Jana.. pero bago namin kainin yan, may sasabihin daw si Miller.." umpisa ni Young..
Pinipigilan naming lahat na hindi matawa, halatang nagulat si Miller at di na mapakali..
Nag cross arm naman si Jana at tiningnan si Miller..
"Tang*namo ka Young, humanda ka sakin mamaya.." narinig kong bulong ni Miller bago sya humarap kay Jana..
"pfftt"
"h-hello J-jana, kamusta?" nauutal si Miller wengya..
"May sakit lang ang kinakamusta Miller.." sagot ni Jana..
Nagtawanan kami, langya namumula ang gago.. hahaha
Tinapik ko ang balikat ni Miller habang sige pa rin sa pagtawa.. Wengya, mas matindi pala ang taong ito sakin..
*Burp*
Napatingin kaming lahat kay Howard, at dun sa sandwich na nilapag ni Jana kanina lang..
"tungunu! Nasan na yung sandwich?" -Gibson
"Dami nyo pa kasing sinasabi, nainip tuloy yung sandwich" sagot ni Howard, sabay inum ng juice..
"Langya, di talaga namin alam kung bakit bigla kang nagkaganyan Howard pagkatapos ng graduation natin nung high school.." komento ko..
"Oo nga, ordinaryong tao ka lang nung high school, pero bakit ngayon, abnormal ka na?.." Fisher..
"Di ko nga din alam eh.." sabi ni Howard sabay kamot sa ulo..
Isang malaking katanungan saming lahat kung ano bang nangyari dito kay Howard.. Baka naman, naiwan sa Montereal Academy ang totoong sya?
"Jaguars.." napatingin kaming lahat kay captain, may sasabihin daw sya kaya nya kami pinapunta dito sa kanila. Sabado ngayon kaya walang pasok..
Ano naman kaya ang sasabihin nya?
Umayos kaming lahat ng pagkakaupo. Cool na naupo din si captain..
"Dean talked to me yesterday.." panimula ni captain..
Tahimik lang kaming lahat.. Di ko alam pero parang natatawa sya..
"Tungkol saan buddy?" tanong ni Montereal sabay dampot ng baso ng juice..
"Its about the school event this coming week and dean asking 3 representative from us.." sagot ni captain..
Nakikinig kaming lahat ng maayos..
"The purpose of this event is to raise a fund for the victim of typhoon.." sumandal si captain sa sofa na inuupuan nya at tiningnan kaming lahat..
"So who wants, to represent our team?" tanong ni captain samin..
Nagkatinginan kaming lahat, bakit pakiramdam ko kulang yung impormasyon na binigay ni captain..
"Dean said, the representative from our team will compete to the other, and will surely, exempted for midterm exam.."
"Yun naman pala eh, I volunteer as one of the representative.." sabi ni Young sabay taas ng kamay, basta exam iiwas yan..
"Ako din captain, I volunteer, medyo sumasakit ang utak ko sa pag rereview eh, kaya ipapahinga ko muna.."-Howard
"Langya, utak pa more.." -Turner..
Tumaas na din ako ng kamay..
"Captain ako din.." ayaw ko din kasing mag exam..
"Katamaran ng mga hayop.." pang aasar ni Burns..
"Ok lang maging tamad, atleast hindi pagod.."-Young
"Ulol.."- Burns
"Ok, Young, Howard and Spencer..be ready for the event.." di nakatakas sa paningin ko ang pag smirked ni captain.. Langya, mali yata ako ng desisyon..
"Buddy, ano bang meron sa event?" tanong ni Montereal..
"Barako Gay.." simpleng sagot ni captain..
"Wengya, captain pwede mag back out?" naalarma agad ako.. Barako gay? Seriously?
"You can't.." cool na sagot ni captain..
"pfftt bwahahahah! Aba maganda toh, hahaha" nag umpisa ng gumulong sa pagtawa ang jaguars.. Tiningnan ko naman si Howard at Young, namutla sila sa sinabi ni captain..
"Sa wakas makikita ko din si Young na naka-two piece hahaha.." Freeman..
"Galingan nyong tatlo ang pagrampa ha.. Itaas nyo ang bandila ng mga barakong bakla, hahahha"-Montereal
"Sungkitin nyo ang korona mga bakla.." nagbakla baklaan na ang mga gago..
Wengya gusto ko na lang lumubog at maglaho kesa sumali sa barako gay na yan..
"Captain magkano bang kailangan sa fund? Babayaran ko na.." asar na sabi ko..
"You can't do that.."-captain..
"Pfftt hahahaha nandito naman kami susuportahan namin kayo.."-Dela Cruz..
Binato ko ng sapatos ang jaguars langya, wagas makatawa, literal na gumulong na nga si Miller sa carpet eh..
"Wag kang excited Spenser, sa event ka maghubad hahaha"-Gibson..
"Taena nyo.." asar na sabi ko at dinampot ang sapatos ko..
"Paano na ang dignidad ko nito?" tulalang tanong ni howard..
"Tungunu! Utak nga wala ka, dignidad pa?" pang aasar ni Gibson.
"Nasaan ang hustisya?!" sigaw ni Howard..
"Nasa divisoria!!" sabay sabay na sigaw namin..
Walang duda, mga kaibigan ko talaga sila..
Ano ba tong napasukan kong ito?
----------------
Joel's POV
"Pfftt hahaha, ganyan ba maglakad ang barako?" sigaw ko, nandito kami ngayon sa gym, nanunuod ng practice, hindi ng basketball ha, kundi practice ng tatlong barakong bakla.. Bukas na ang laban nila..
"Ikaw kaya ang maglakad suot ito?" asar na sabi ni Spencer, nakasuot kasi sila ng high heels..
"Mga bebe, ayusin nyo naman ang pagrampa, ang mahal ng binayad ko sa inyo.." segunda naman ni Dela Cruz..
"Magsitahimik nga kayo mga gago, kanina pa kayo komento ng komento mga hayop kayo.." naasar na din si young.
"pfftt hahahaha, may period yata ang ating mga chicka babe.." tuloy pa rin kami sa pang aasar..
"Ok, focus.." napatingin kami kay Ms. Manager, sya kasi ang nagtuturo dun sa tatlo.
Nag umpisa ulit silang maglakad..
"Tantanantan tantantantanantan.." binibigyan namin ng beat ang tatlo, ginagaya namin yung tunog sa deal or no deal..
"Wag nyo na lang sila pansinin.. tandaan nyo lang, barako ang paglalakad kahit naka high heels pero bakla ang boses.." narinig naming sabi ni Ms.Manager..
KABLAAAAG!!
"Pffftt bwahahahaha.." naghampasan pa kami sa pagtawa ng magdagasa si Young at Howard..
"Mga tunay talaga kayong kaibigan mga hayop kayo.." sabi ni Howard habang tumatayo..
di kami magkamayaw sa pagtawa, langya ang epic ng pagkaka bagsak nung dalawa.. the best..
Tumayo ako sa harap ng jaguars..
"Oh pano mga brad? Alam nyo na ha?" sabi ko sabay labas ng pera..
"Kay Young ako, makinis ang balat, may laban.."- sabi Burns at naglabas din ng pera..
"Kay Spencer ako.."-Fisher at Montereal
"Kay Young din ako.."-turner
"Ako din kay Young.."-Miller
"Mga hayop kayo, bakit di kayo napusta sakin?" nakalapit na pala si Howard..
"Mahirap sumugal sayo Howard, may question and answer portion kasi dun sa event.."-Freeman
"Pfftt hahahaha.." nagtawanan kami..
"Sige kay Howard ako.." napatingin kami kay Gray..
"Di ka mabibigo papa Gray ipapanalo ko ang laban.." nagbakla baklaan si Howard at nagkagat labi pa ang gago..
Sabay kaming lumayo sa kanya..
----------------
Rea's POV
"Totoo?"
"Oo, kalat na kalat na ang balita, tatlo sa jaguars ang lalaban sa barako gay, para sa event bukas"
"KyaaaaaahhH! bakit ganun? Kinikilig pa din ako?"
"Di ko talaga papalampasin ang event bukas, magdodonate talaga ako ng malaking halaga"
Ilan lang yan sa mga usapan dito sa canteen.. Sino naman kaya sa jaguars?
Barako Gay? Aba, ayos, sideline ulit..
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at tumuntong sa upuan na inuupuan ko kanina..
"May I have your attention everyone!" sigaw ko.. Napatingin naman silang lahat sakin..
"Siguro naman ay alam nyo na ang balita na tatlo sa jaguars ang sasali sa barako Gay bukas?" umpisa ko.. Nakikinig lang sila.. I smiled..
"Kanino kayo pupusta?" tanong ko at naglabas ng pera..
"Kay Howard ako!" sigaw ng isang babae..
"Ako din kay Howard.."
"Kay Young ako.." sigaw naman nung isa..
Nagsilapit sila sakin at nag abot ng pera.. Agad naman akong kumuha ng ballpen at papel. ayos tiba tiba ako nito..
"Kay Johnny ako.." natigilan ako ng marinig ko yung sinabi nung isang babae.. Kasali si my labs?
"Rea ako, kay Young.." nagkagulo na ang mga tao dito sa canteen..
"Teka nga, di ba may iba pag contestant?" tanong ko..
"Oo, pero mas bet namin ang jaguars.." sagot ng isa..
"Aba ayos, pag natalo ang jaguars, ako ang mananalo sa pustahan.."
Nagpatuloy ang pagtaya ng iba..
-------------------
[Barako Gay Night]
Johnny's POV
Dumating na ang araw ng pagbitay samin.. Oo, yun ang pakiramdam ko, pakiramdam ko katapusan na ng buhay ko at hahatulan na ako.. Sa salang katamaran mag aral..
Nandito kami ngayon sa dressing room.. At di ko masikmurang makita ang sarili sa repleksyon ng salamin..
Niyugyog ko ng bahagya ang dibdib ko.. May dalawang lobo kasi na nakalagay na may lamang tubig sa dibdib ko..
"Bakit parang ang laki yata ng boobs ko?" tanong ko kay Ms.Manager..
Pero bago pa sya makasagot biglang nagpasukan ang jaguars..
"Pfftt bwahahaha ang ganda nyo naman.." nandito na naman sila para mang asar..
"Wag mo nga akong hawakan, bastos ka.." maarteng sabi ni Young ng hawakan sya ni Burns..
"Ang arte mo naman miss, para nagpapakilala lang eh.." sakay naman ni Burns sa kaartehan ng baklang si Young..
"Ano bang ginagawa ng panget na yan dito?" nag inarte na din ako..
"Labas tayo mamayang gabi janina ha.." akbay sakin ni Montereal..
"Sige ba, basta dadalhin mo ako sa langit eh.." sagot ko..
"tang*na nyo umayos kayo ha, nasusuka ako sa pinag gagawa nyo.." asar na sabi ni Gray..
Nagtawanan kami..
"Galingan nyo ha, mag enjoy na lang kayo mamaya at wag na masyadong isipin ang dignidad.."- sabi ni Rosmar sabay ayos ng boobs ni Young..
"Magsilabas na kayo jaguars, di kami matatapos dahil nyo, malapit ng mag umpisa.." narinig naming sabi ni Ms.Manager..
"Yes, ms.manager.." sagot ng jaguars sabay saludo..
"Goodluck mga bebe.." sabi pa ng jaguars bago tuluyang umalis..
"Oh Kayong tatlo san kayo pupunta?" napatingin kami kay ms.Manager palabas na din kasi kami ng dressing room..
"Jaguars din kasi kami ms.Manager, di ba pinapalabas mo kami.." seryosong sabi ni Howard..
"Ang katangahan nyo iwan nyo na lang dito sa dressing room ha.."
Nagtawanan kami..
-----------------
Rosmar's POV
Nakapwesto na kami, sa may unahang bahagi ng auditorium malapit sa stage para maawat agad namin ang tatlo kapag nagkalat na..
Tiningnan ko ang jaguars..
Si Montereal may hawak na video cam..
Si Dela Cruz naman may hawak na megaphone.. =__=
"A pleasant evening to everyone.." napatingin kami sa may stage.. Umupo kami ng maayos, mag uumpisa..
"A pleasant evening din.." sabi naman ni Dela Cruz gamit ang megaphone na hawak nya.. Ang gago talaga..
Napatingin tuloy sa pwesto namin ang iba..
"Kyaaaaahhh ang jaguars!"
Di na lang namin pinansin ang mga babae..
"Ito na po ang pinakahihintay natin, ang gabi ng mga barako.." sabi nung emcee.
"Blah blah blah.." di ko na masyadong inintindi ang iba pa nilang sinabi..
"And without any further ado, let us all welcome the 10 brave man who accept the challenge.. The Barako Gays.." anunsyo nung emcee..
Pumailanglang ang tugtog.. Kasabay nun ang paglabas ng mga candidate..
"Whoa! Ang sexy mo Keviiiiiin!!" sigaw ng mga babae..
Napuno na ng ingay ang buong auditorium..Puro nakapalda ang sampong lalaki na nasa stage ngayon..
"Langya, barakong barako mga maglakad ang mga gago." komento ko..
"Go mga bebe!" sigaw ni Dela Cruz sa megaphone..
"Ikembot mo, Spencer.." sigaw naman namin..
Puro tawanan at sigaw lang ang maririnig dito..
Humanay ang sampong candidate sa stage..
"And there you are, let us give a big hand for our tonights candidate.." sabi nung emcee..
"Let us now proceed forv introducing your self.."
Pang #3 si Young, #4 naman si Howard at #5 Spencer..
Pagkatapos magpakilala naunang dalawa, sumunod naman si Young..
"Magandang gabi po sa inyong lahat.." malandi na ang gago taena baklang bakla ang boses.."Ako nga pala si Kevin Young sa umaga, at Katrina naman sa gabi.."
Nagtawanan ang mga manunuod..
"Naniniwala ako sa kasabihang, di lahat ng itlog ay masustanya, may mga itlog na nagpapaligaya...maraming salamat po.."-Young
"Taenamo ka Young, itlog pa more?" hiyaw naming jaguars.. pero kinindatan lang kami ng gago, lalong nagkagulo ang mga manunuod dahil sa sinabi nya..
Tumahimik ulit ang lahat ng naglakad na si Howard papalapit sa microphone..
"Good evening everyone, Ako nga pala si Elvin Howard, ang hari ng katapangan sa Barako Gay lumalaban.. at ngayong gabi ako ang nawawalang si Elisa.. "
Nagtawanan na naman ang mga tao..Napapatakip na lang ako ng mukha taena..
"Bago ko lisanin ang entabladong ito, nais ko munang mag iwan ng mga kataga.. kung ang alphabet ay may vowels na 'a e i o u ' kami namang mga barako gay, may pa pe pi po pu.."
"Taena Howard, maghulos dili ka.." sigaw namin.. Nagtawanan na naman ang mga maunuod.. Pero di kami pinansin ni Howard..
"Pa- papa lang ang hanap namin.. Pe- pekpek lang ang wala sa amin.. pi- pitpitin man kami bakla pa rin.. mga kaibigan utang muna ang po at pu.. maraming salamat po.." muling naghiyawan ang mga tao dahil sa linya ni Howard..
"Wengya, san nakuha ng mga hayop na yun ang linya nila?" natatawang tanong ni Gray..
Sumunod naman si Spencer..
"Magandang gabi bayan.." panimula ni Spencer..
"Whoa! TV patrol na" sigaw ni Fisher..
"Gago.." sagot ni Spencer, nagtawanan ang mga tao.. Di ba sumasakit ang tyan ng mga tao dito? Kanina pa sila ah..
"Ako nga po pala si Johnny Spencer sa umaga, Janina naman sa gabi, at naniniwala sa kasabihang barakong bakla man ngayong gabi, ok lang sisikat din ang umaga at babalik sa tunay na pagkalalaki.." nagpalakpakan ang mga manunuod..
Di na kami nag komento.. Hanggang sa natapos ang pagpapakilala ng sampo..
Nagpakita din sila ng mga talent, si Kevin, sumayaw ng pearly shell, na di namin nasikmura kaya pinagbabato namin sya ng sapatos..
Si Howard naman, kumanta, pero umakyat si Miller sa stage at inagaw yung microphone at binalik sa host..
Napuno ng tawanan ang buong auditorium, halos kabagin na ang mga tao dito sa katatawa..
Si spencer naman tumula pero wala pang segundo tapos na..
Hanggang sa dumako na sa question and answer portion..
Tinawag na si Young..
"What can you say about the violence in our country?" tanong ng host kay Young..
"Thank you for the very beautiful question, may kasabihan po tayo na the more we speak, the more likely we make mistakes, so for me not to make mistake I will not answer your question.. thank you.." sabi ni Young sabay alis..
Naghiwayan ang mga tao.. Natatawa na lang kami..
Sumunod naman si Howard..
"If you were describe the color blue to a blind person, how would you do it?" tanong ng host..
"That's a very good question, keep it up.." sagot ni Howard sabay talikod at alis..
"Pffftt hahahaha wengya, panalo ang sagot ng mga hayop taena.." di na din kami magkamayaw sa pagtawa..
Magtayo na kaya kami ng comedy bar langya sigurado kikita kami..
Si Spencer naman, halatang natatawa din sya sa sagot nung dalawa..
"If you were given, any special power, what would it be?" tanong ng host kay Spencer..
"Power of attorney.." simpleng sagot ni Spencer..
"pfftt bwahahaha taena wala na akong masabi sa mga hayop na yan hahahaha.."
hanggang sa natapos ang event..
Wag nyo ng itanong kung nanalo yung tatlo, dahil mga wala naman kakwenta kwenta ang mga pinag gagawa nila.. Taga ibang department ang nanalo wengya..
Pero nag enjoy naman tayong lahat hindi ba?