Johnny's POV Flowers! check Chocolates! check Human size teddy bear! check Inamoy ko ang sarili ko. Check! Sinipat ko ang mukha ko sa salamin na nandito sa kotse ko. Check. Huminga muna ako ng malalim, nandito ako sa harap ng bakeshop ni mylabs. Langya grabe ang kaba ko para akong teenager na aamin ng nararamdaman sa crush ko. Nung huling punta ko dito nilampasan lang ako ni mylabs wag naman sanang maulit yun. Ilang gabi ko ding dinamdam ang bagay na yon langya. Bago pa man ako tamaan ng kaduwagan ay bumaba na ako ng kotse dala ang mga pinamili ko para sa kanya. Pagbukas ko pa lang ng glass door napatingin na agad ang ilang customers na nandito kasama na ang ilang mga estudyante na tumatambay dito. Di nakaligtas sa pandinig ko ang ilang impit na tili nila na para bang sa kanil

