Johnny's POV Pagkatapos kong makuha ang room number ni pareng Ryle agad ko syang pinuntahan. Inaasahan ko na nandito si Rea pero wala sya. Nilapitan ko si Ryle na mahimbing na natutulog sa kama. May mga kung ano anong aparato ang nakakabit sa kanya. Di ko napigilan ang mga luha ko. Tang*na ang tanga ko bakit di ko man lang nalaman na si Ryle pala ay si Siopao ang kapatid ng nag iisang babaeng mahal na mahal ko. Bigla kong naalala ang mga kwento nya sa'kin tungkol sa ate nya at kung paano gabi gabing umiiyak ang ate nya dahil sa ginawa ko. "Gabi gabi ko syang naririnig na umiiyak, alam ko sobrang nasaktan ang ate ko.. Bakit kailangan nyang masaktan ng sobra kung kagustuhan lang naman niya na mailigtas ang buhay ko? Bakit napaka-lupit ng buhay? Mabuting tao ang ate ko, pero bakit kailan

