Johnny's POV Matapos namin mag usap ni captain, agad akong tumakbo palabas ng bar ni Miller at diretsong sumakay ng kotse ko. Tangina Spencer ang laki mong gago, kailan ka ba matututo na di mo dapat hinahayaan ang babaeng mahal mo? Tama si captain, di ko dapat sya iniiwan ng basta basta. Flashback Captain calling... Bigla akong kinabahan ng makita sa screen kung sinong tumatawag. Nagdalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba o hindi, tiningnan ko ang jaguars at lahat sila nakangisi. Pinakyuhan ko silang lahat. Nagtawanan lang sila. Pero sa huli sinagot ko pa rin, lumayo ako ng konti sa jaguars dahil masyadong nangingibabaw ang kaingayan nila at pang-aasar sa 'kin. "Hello captain" sagot ko. [I heard you were in trouble, so how was it?] cool na tanong nya. Mukhang nakapag sumbo

