Joel's POV "Yo! Jaguars!" napalingon kaming lahat sa bagong dating. Nandito kami ngayon sa bar ni Miller. "Yo! Spencer!" bati din namin. Napatingin kami sa babaeng kaakbay nya. "Bagong babae? Pang-ilan mo na yan sa loob ng isang linggo?" seryosong tanong ni Montereal. Dalawang linggo na ang nakalipas simula ng umalis si Rea, halos isang linggong nagkulong lang si Spencer sa unit nya, winasak pa nga namin ang pinto ng kwarto nya dahil ayaw nyang lumabas at kumain, natakot din kami sa posibleng gawin nya sa loob ng kwarto niya, kaya naman di namin sya iniwan. Hanggang isang araw nagising na lang kaming lahat na nakatawa na ulit sya. Pero bilang kaibigan, alam namin na ang tawang yun ay hindi kasiyahan kundi lungkot na nakabalot sa puso nya. Naging babaero ang gago, isang linggo na sy

