Aubrey POV Alas nuwebe na ng magising ako kinabukasan, sobrang sakit ng ulo ko nang dahil sa puyat. Paano ba naman ay alas-tres nang madaling araw ay hindi pa rin ako dalawin ng antok. Bumangon ako pero isinandal ang likod ko sa headboard. Pumikit at inalala ang mga nangyari kahapon. "Oo nga pala nahuli kami ni Lea sa awkward na sitwasyon, kailangan kong mag paliwanag du’n, baka i-chismis niya ako sa mga tao dito sa mansion." Tuluyan na akong bumangon at nagpunta sa CR para maligo at magbihis. Simpleng pink dress na hanggang tuhod ang isunuot ko, humarap ako sa salamin at sinuklay ang basa ko pang buhok. "Paano kung magkita kami ni Lucas? Paano ako haharap dito, hayy ano ba namang buhay to bigla tuloy nadagdagan ng problema ko." parang sira kausap ko ang sarili sa salamin. Pero kaila

