Aubrey's POV Dumaan ang ilang araw na tahimik ang buhay ko. Wala akong Lucas na nakikita. Maaga kasi itong pumapasok sa opisina at gabi na umuuwi. As usual my daily routine is kain, tulog, tutulong sa gawaing bahay, sa ganon lang tumatakbo ang oras ko. Sa nagdaang araw ay madalas kong naiisip si Lucas. Ewan ko ba bakit parang gusto ko itong makita hindi ko maitanggi na nagkaroon na ako ng paghanga sa pangalawang anak ni Don Mariano at Donya Margarita sa unang pagkikita namin, pero lagi naman kinokontra ng isip ko. Kailangan ko talagang sanayin ang sarili ko na hindi mailang kapag kaharap ito, ayokong mahalata nito na crush ko siya. Madalas akong tawagan ni Davis or Tita Edna para kamustahin, nagbibigay din ito ng mga impormasyon tungkol kay Minerva at sa nangyayari sa mga business ni Dad

