Aubrey's POV Kinabukasan, maaga akong nagising. Inaayos ko agad ang mga dadalhin ko sa Resort. Naligo at nagbihis na rin ako, pinili kong suotin ang simpleng white t-shirt at denim short tinernuhan ko na lang ito ng white rubber shoes. Lumabas na ako para mag agahan. Naabutan ko si Nanay Mel, Nanay Sonya at Lea na abalang nag aayos sa kusina ng mga dadalhin ng mga amo namin. Dumaan ako sa likuran papunta kusina, mahirap na at baka makasalubong ko pa ang lovebirds. "Oh Aubrey, ready na ba yung mga dadalhin mo?" bungad sa akin ni Nanay Mel. "Opo, Nay. Kakain na lang po ako ng sandwich para di ako magutom sa byahe." sagot ko kay Nanay Mel. "Ingat ka sis Aubrey, ang ganda naman ng pormahan mo, fresh na fresh. Kaya in-love na in-love sa'yo si Sir Davis eh." ani Lea Hindi namin namalayan n

