Lucas' POV Ilang araw ang lumipas mula nang huli kong masilayan si Aubrey sa garden ng umagang matapos ang insidente na muntik ko na siyang mahalikan. Pinilit kong ibaling ang isip ko sa ibang bagay, maaga akong umaalis ng bahay at madalas naman ay late na uuwi galing sa trabaho para lang maiwasan ang babae. Isang beses ay sinamahan pa ako ni Francis, one of my bestfriend para mag-aliw sa bar. Hindi ko gusto ang nararamdaman ko kay Aubrey, ayoko na magkagulo si Mommy at Tita Edna dahil boyfriend ni Aubrey si Davis. Bakit ba naman kasi ito pa ang naunang nakilala ni Aubrey, sa totoo lang ramdam ko na gustong gusto ni Mommy si Aubrey, halos lahat naman ng tao sa mansion ay gusto si Aubrey. May taglay na karisma ang babaeng iyon, na kahit ngumiti lang ito ay tunay na mahuhumaling ka. "He

