Aubrey's POV Narito ako ngayon sa maid’s quarter. Walang tigil ang buhos ng luha ko. Nang nahimatay ako kanina ay agad daw akong nasalo ni Lucas. Buti na lang at hindi ako tumilapon sa sahig na puno ng bubog mula sa nabasag ko na tasa. Dinala nila agad ako sa guestroom. Agad akong nagising at hindi na natuloy ang pagtawag ng Doctor sana dahil sa pagkawala ko ng malay. Hindi na raw ako nalapitan ni Lucas dahil nakabantay si Anna dito. Nagparinig pa nga raw ito na nagpanggap lang daw akong nahimatay para sirain ang pag-uusap tungkol sa kasal nila ni Lucas na gaganapin two months from now. Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi nang marinig ko ang ilang katok sa pinto at pumasok si Nanay Mel. Agad itong umupo sa kama. Hapon na at hindi na rin ako nakapag tanghalian ng maayos dahil sa kaiisi

