Aubrey's POV Mag-iisang buwan na ang nakalipas nang tuluyang umalis si Lucas sa mansion ng mga Del Fiero. Walang araw na hindi ko siya hinanap... lalo na ang mga halik ng lalaki. Nasaktan ako. Pakiramdam ko balewala lang ang pagkababaeng inalay ko para sa lalaking mahal ko. Matapos akong makuha ay bigla na lang iiwan. Pero inintindi ko si Lucas kahit papaano, hindi naman kasi nito alam ang buong istorya kaya napilitan din itong umalis. Hindi ko naiwasang mainis kay Davis... kung hindi ako nito pinilit halikan ay hindi makikita ni Lucas ang eksenang iyon. Simula nang ginawa ni Davis ang paghalik sa akin ay naging malamig na ang pakikitungo ko sa kanya dito. Ayoko nang lumalim ang pagtingin nito sa akin dahil sa bandang huli ay alam kong pagkakaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay. K

