"Hey friend, instant celebrity ka na ah! Dinaig mo pa ako sa kasikatan."
Tawang-tawa na wika ni Sheinna sa kabilang linya nang sagutin niya ang tawag nito.
"Where are you?" tanong ng kaibigan.
"Grounded ako. Ayaw ako palabasin ni Dad dahil baka daw gumawa ako ng kahiya-hiya sa kaniya."
"Really? By the way, may news anchor na nakikiusap sakin para ma-feature ako sa isang business magazine. Well, mukhang hindi talaga ako yung sadya niya dahil nagtanong ang Gaga kung kaibigan daw kita."
Nakuyom niya ang mga palad. Isang linggo na siyang hindi nakakalabas ng bahay dahil sa kumakalat na walang katotohanan tungkol sa kaniya.
"Don't worry. I said no to her. Ayaw din ng Manager ko dahil iniisip ka niya. You know her, ayaw din niyang nadadawit ang pangalan ko sa ganiyang issue."
"That's good. May balita ka ba kay Celine Benitez?"
"From what I've heard, nasa Baguio daw ang babaeng iyon! Anong plano mo niyan?"
"Where in Baguio?"
"Itatanong ko sa source ko. By the way, need help? Gusto mo puntahan kita diyan?"
"Will you?"
"Well, kaya mo pa bang tumalon sa bintana just like before? Same time."
"Deal. Mag-bakasyon muna tayo sa Baguio. Isara mo muna ang Club."
Napangiti si Mikayla sa naisip.
"Sure Babe. 1:00 AM sharp."
Matapos niyang patayin ang cellphone ay mabilis siyang kumilos para ayusin ang damit na dadalhin. Hindi siya pwedeng tumahimik at walang gagawin gayong sirang-sira na ang kaniyang pangalan dahil sa babaeng nagkalat ng isang kasinungalingan.
Sumapit ang oras nang pagkikita nila ng kaibigan na si Sheinna, dobleng ingat sa pagkilos ang ginawa ni Mikayla para hindi magising ang mga tao sa loob ng bahay. Nasa pangalawang palapag ang kwarto niya at hindi naman gaano kataas mula sa ibaba ang bintana ng kaniyang silid, hindi na siya highschool student para tumalon pa kagaya ng suhestiyon ng kaibigan. Bagkus ginawa niyang lubid ang mga kumot at Kurtina na kinuha niya mula sa stock room kanina at pinagdugtong-dugtong ang mga iyon.
She did that before. Noong mga panahon na ayaw siyang payagan ng ina sa pagpaparty. And just like the old times, si Sheinna lang ang karamay niya sa mga bagay na kailanman ay hindi niya akalaing pauunlakan nito.
Isang mahinang tunog ang nagpabalik sa kaniya sa kasalukuyan. Nagmadali siya sa pagkilos nang makita ang pangalan ng kaibigan sa screen ng cellphone niya, hudyat iyon na nasa labas na ito ng bahay nila.
"Move faster. Ayokong lamukin dito."
Napailing na lamang siya sa mensahe na pinadala nito.
Una niyang itinali sa ginawang lubid ang travelling bag at maingat na ibinaba iyon at pagkatapos ay sumampa siya sa bintana at nagpadausdos pababa sa likod bahay. Walang katapat na silid ang kwarto niya mula sa ground floor kaya sigurado siyang walang makakakita sa gagawin niya kahit may gising pa sa loob ng mansiyon.
Marahan siyang napamura nang mapagtanto na naiwan niya ang spare key ng gate nila. Masiyadong mataas ang bakud para akyatin niya.
"Do you have a pin?" tanong niya sa kaibigan sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe dito.
"Wala. C'mon you forgot? Tanga naman!"
Look something in your car.
"No need. Try mo tong susi ng gate sa Bahay ko. It looks the same key."
Hindi mailaw sa gate kaya doon niya na lamang pinaabot kay Sheinna ang susi nito. Mabuti nalang nabuksan iyon kung hindi ay wala siyang choice kundi ang umakyat muli sa kaniyang kwarto.
"May pagkain kang dala?" bungad niya sa kaibigang naghihintay sa labas ng bahay.
"Yes but not so many. We can drop and buy something in convenience store along the way. Malayo ang bagyo, ayoko ding magutom sa daan."
Nakahinga ng maluwag si Mikayla nang pinasibad ni Sheinna ang kotse nito palayo sa Bahay nila. Hindi tama ang ginawa niya pero mas lalong hindi tama ang pagkukulong ng kaniyang Ama sa kaniya gayong wala naman siyang ginagawang masama.
"You sure about this?" maya-mayang tanong ni Sheinna sa kaniya.
"Ginawa na natin dati to di ba?"
"Iba ang dati sa ngayon friend." madiin na wika ni Sheinna sa kaniya.
"Don't worry. You can go back as soon as possible. Pwede mo naman ako ihatid sa terminal ng bus eh."
"Kinokonsensya mo ba ako?"
"Nokokonsensya ka naman ba?"
Napangiti sila pareho.
"Your battle is my battle. There's no point of turning back! I need a vacation too. Actually, nagpaalam na ako kay Ms. Thine."
Ang Ms. Thine na tinutukoy nito ay ang five years manager nito sa pagmomodelo. She's like a mother and sometimes a friend to Sheinna. Mabait ang Ginang at madalas niya din itong nakakausap sa bahay ng kaibigan. She like the way of taking care of her friend in Showbusiness. Kahit may katigasan kasi ang ulo ni Sheinna ay nagagawa parin nitong pasunurin ang kaibigan niya.
"You can take a nap. Gigisingin kita mamaya kapag nasa labas na tayo ng Manila. Ikaw naman ang mag-drive."
"Okay. How about the foods?"
"I'll take care of that."
Hindi alam ni Mikayla kung ilang oras siyang nakatulog sa biyahe. Basta nagising na lamang siya sa mahinang pagtapik ng kaibigan sa kaniyang pisngi.
"Sorry bessy dear, inaantok na talaga ako eh." wika nito na sinundan ng paghihikab. Bigla naman siyang nakaramdam ng hiya sa kaibigan. Hindi dapat kasi ito nadadamay sa pinag-gagawa niya pero heto nga at sinangkot niya ito sa kalokohan kung matatawag na kalokohan ang pag-alis niya sa bahay nang walang paalam. At malayo na din ang narating nila kaya wala na talagang atrasan ito.
"Kumain ka na ba?"
Umiling si Sheinna. "Ikaw muna. Mahirap kumain nang nagda-drive."
Kinuha niya mula sa backseat ang plastic na nakalagay roon at tiningnan kung ano ang laman. Napangiti siya sa nakita. Her favorite jolly spaghetti with cokefloat.
"Thank you babe." aniya sabay halik sa pisngi ng kaibigan.
"Anything for you. I know that's your favorite."
Nilantakan niya ang pagkain at sinubuan ito ng paborito nitong hamburger.
Matapos niyang kumain ay nagpalit sila ng pwesto ni Sheinna. Nakalabas na sila ng Manila kaya wala na sigurong checkpoint silang madadaanan.
It was 4:30 in the morning. Kulang man ang tulog niya ang mahalaga nakaidlip siya. Hindi kasi siya natulog kagabi dahil baka hindi siya magising pagsapit ng ala una. Tulog mantika pa naman siya.
Tiningnan ni Mikayla si Sheinna na mahimbing nang natutulog sa passenger seat. Maganda ang kaibigan niya. May mala-anghel itong mukha na walang dudang maraming lalaki ang nagkakagusto rito. She was a great catch. Maganda na ay mabait pa. Hindi nga niya akalain na masali siya sa circle of friends nito dahil bali-balita noon sa kanilang campus na isa siyang devil rich brat kid. Wala siyang kaibigan ni isa. Wala rin siyang manliligaw noon dahil mahirap siyang lapitan. Takot ang mga ito sa kaniya dahil puporma palang ang mga ito hinaharang na ng driver s***h bodyguard niya. Sino ba naman ang binatilyong maglalakas loob sa isang anak mayaman na dinaig pa ang dealer ng droga dahil may sariling bodyguard?
Napabuntong-hininga si Mikayla. Maraming dahilan kung bakit takot siyang magtiwala sa ibang tao. She was thirty at wala pa siyang nakarelasyon ni isa. Sabagay, bata palang siya itinatak na ng kaniyang Ama sa isip niya na hindi siya pwedeng mag-nobyo base sa kagustuhan niya lang. Kailangan ng approval ng mga ito sa kung sinumang lalaki na papasukin niya sa buhay niya.
Lalo pa ngayon Mikayla. Sino ang matinong lalaki na papatol sa katulad mo?
Mabigat ang dahilan niya kung bakit wala siyang planong makipag-relasyon o maghanap ng lalaking maka-relasyon. It's been a long years, pero hindi niya parin nakakalimutan ang dinanas niya sa Amerika. Kahit siguro ilibing siya nang buhay mananatili parin ang ala-alang pilit niyang pinapatay ngunit ayaw mawala sa buo niyang sistema.
Pero engaged ka na Mikayla.
So what? Isa sa mga dahilan kaya siya umalis ng Bahay ay para bigyan ng pagkakataon na mag-isip ang lalaki na iyon na huwag ituloy ang plano ng kaniyang Ama. Sapat na siguro ang tatlong buwan na pananahimik niya para
maiparating dito na hindi siya sang-ayon sa gusto ng Daddy niya kahit pa pumayag na siya sa engagement na ito lang ang may gusto.
Sa ngayon, wala siyang ibang gustong gawin kundi ang malinis ang pangalan. Harapin si Celine at inudnod ang mukha nito sa putik. She's a b***h for all the bitches! Nagkamali ito nang binangga dahil hindi siya yung tipo ng tao na tatahimik sa isang tabi at walang gagawin.
Ang kapal ng mukha nitong sirain ang pangalan niya. Wala siyang matandaan na nilandi niya ang nobyo nito! Ni hindi niya nga alam ang pangalan ng pinagmamalaki nitong kasintahan eh. Isang beses lang silang nagkabanggaan ni Celine sa isang Party Club. Lango na siya noon sa alak at hindi maiwasan na may nasasagi na siya sa dance floor at Isa nga doon si Celine. Humingi siya ng paumanhin pero hindi nito tinanggap iyon. At dahil nga pareho silang nakainom, nagkainitan sila sa bandang huli. Hindi niya akalain na hihilahin siya nito sa buhok at pinaikot-ikot sa dance floor. Nang mawalan ng balanse ang babae ay siya naman ang humila sa buhok nito at ginaya ang ginawa nito sa kaniya. Pero hindi sapat iyon sa kaniya kaya malakas niya itong itinulak dahilan nang pagka-salpak nito sa sahig, inupuan niya pa ito sa tiyan at pinagsasampal. The rest, hindi na niya alam dahil may umawat na sa kaniya. Hindi niya kilala kung sino iyon at salamat na rin dito dahil baka nasa kulungan siya ngayon.
Kinaumagahan ay nagising na lamang si Mikayla sa isang hotel. Mag-isa na siya. Walang Celine. At walang boyfriend ni Celine siyang kasama katulad nang ipinagkakalat nito sa Media. Na inabutan kuno sila ni Celine sa isang motel nang nagtatalik.
That brat!
Sa lahat ng pwedeng ipagkalat nito ay ang isang bagay pa na kailanman ay hindi niya magagawa. S*x? Nakakatawa!
Dahil doon na-trending ang pangalan niya at nadawit ang kaniyang Ama. Hot search siya sa Internet at nagkalat ang video nila ni Celine na edited pa dahil ang paghila niya kay Celine at pagsampal sa babae ang ipinakita lamang sa Video.
Sino ang hindi magagalit?
At ngayon naman ginigipit siya ng Daddy niya. Ni hindi man lang ito nag-imbestiga kung ano ang totoong nangyari. Gusto pa siya nitong ibenta sa kung sinumang lalaki na iyon!
Gasgas na ang rason ng kaniyang Ama. Alam niya iyon dahil matagal na siyang ginagawang negosyo ng mga magulang. Bakit hindi niya maiisip ang bagay na iyon? Noong nasa Grade School siya, binayaran ng kaniyang Mommy ang Principal para gawin siyang Valedictorian. Noon pa man marami na siyang kaaway nang hindi niya alam. Nung nasa High School siya, inulit na naman ng Mommy niya ang kahihiyan na mag-isa niyang hinaharap tuwing papasok ng eskwelahan. Wala siyang nagawa kundi tumahimik nalang kahit may naririnig na siyang masasakit na salita mula sa mga kaklase. She's been alone all the time, hanggang sa lapitan siya ni Sheinna at masayang nakipag-kaibigan sa kaniya.
At ngayon ay ang pagpapa-kasal niya?
Sa katunayan ay hindi naman problema sa kaniya ang tanggapin ang inaalok ng Ama. Mahirap para sa kaniya ang pasukin ang Marriage issues pero wala siyang choice kundi ang umuo rito dahil ayaw niyang umalis ng bansa. Never again! Mamamatay muna siya bago siya nito mapapayag na umalis ng Pilipinas!
"Tycoon Destroyers Club?"
Tumingin si Mikayla sa kaibigan upang alamin dito ang lugar na pinuntahan nila. Hindi pa sila nakakapasok dahil inaalam pa ng guard ang identity nila. Wala siyang ideya sa naturang lugar dahil ngayon lang naman siya nakapunta sa bahaging iyon ng Baguio.
"Hintayin nalang natin si Denbert. He's a member of this club." sagot nito sa kaniya. "Exclusive ang club na ito sa mga maswerteng kalahi ni Adan. Don't worry, mababait naman daw ang kalalakihan rito. And knowing you, I'm sure walang magtatangkang pilitin ang isang Mikayla, right? So, suit yourself. Maraming male species na nakakalat rito. And I know, hindi iyon problema sayo."
Napatingin siya sa malaking gate at napako ang kaniyang paningin sa nakaburdang letra sa taas niyon. Welcome to Tycoon Destroyers Club! Pangalan palang ng club mukha nang nakakagimbal. Idagdag pa ang katunog nito sa bagyong nakakapinsala.
"A weird and unique name. Mukhang mapanganib ang founder ng club na ito ah!"
Napatawa na rin si Sheinna dahil katulad niya, mukhang iyon din ang nasa isip nito.
"Well, ang witty niya dahil sa naisip niyang pangalan."
"I think so." aniya.
Ilang minuto ang hinintay nila nang papasukin sila ng gwardiya.
Napa-wow sila pareho ni Sheinna nang tuluyang makapasok ang sasakyan nito. Isa, Dalawa o tatlo na mukhang malacañang palace ang style na pumagitna sa malawak na lawa na napapalibutan nang matataas na pine tree. Tingin palang ay mukha nang sinadya iyon dahil maayos ang pagkaka-sunod at pare-pareho ang laki maging ang mga punong nagmukhang pader dahil sa maayos na pag kakasalansan ng mga ito.
The place was so fantastic. Parang makikita lamang ang mga iyon sa isang fantasy movie dahil sa ganda at nakakamanghang tanawin. Ang lawa ay hindi ordinaryo, kulay asul iyon at nagmumukhang dagat na imposibleng dagat iyon dahil nasa mataas na lugar sila ng Baguio. Alam ni Mikayla na ilan lamang iyon sa parte ng club ang nakikita ng kaniyang mga mata dahil may mga highway siyang napansin sa kung saan-saan.
"I think, were having a good day here. Tingin mo friend?"
Napa-thumbs-up siya sa kaibigan.
"I have to thank Denbert for this." sabi na lamang niya na hindi nag-aksayang lingunin ang natatawang kaibigan.
"Speaking of him."
Natanaw nila ang lalaking palapit sa kanilang direksyon na sa hula niya ay iyon ang Denbert na tinutukoy ni Sheinna dahil kumaway ito sa kaibigan niya habang lulan ng isang puting Authentic Ebike.
Nakangiting sinalubong sila nito at pinakilala siya ni Sheinna bago sila pinasakay sa dala nitong 3 wheels electric bike. Kinuha ng isang naka-unipormeng lalaki ang kotse ng kaibigan na hindi man lang nagtanong kung saan iyon dadalhin.
"Sorry to disturb your vacation Den. May emergency lang kasi itong friend ko at wala naman akong maisip na pwedeng lapitan aside from you. Naalala ko kasi noong nasabi mo sakin na may alam kang escaping place in Baguio. So, here we are. Dito muna kami magre-relax kung okay lang sayo."
Denbert is a good looking man. Sa kwento ni Sheinna, Modelo din ang lalaki katulad ng kaibigan niya. Nakilala ito ng babae sa isang advertisement photoshoot at nagkapalagayan ng loob ang dalawa. Hindi ito nanliligaw kay Sheinna dahil hindi naman nito nakitaan nang huli ng pagkagusto nang higit pa sa kaibigan.
Sadyang pala-kaibigan lang daw talaga si Denbert katulad ng kaibigan niya. Kaya naman hindi nakapag-tataka na malapit ito sa isa't-isa gayong ilang buwan pa lang ang pagiging magkaibigan ng mga ito.
"No worries Shein. Sabi ko naman sayo anytime you can asked a favor from me. Hindi ko lang inaasahan na wala kang ibang malapitan bukod sakin. Parang hindi ako makapaniwala roon." pagbibiro ng lalaki sa kaibigan niya. "By the way, Mikayla right?"
"Yes." aniya.
"You look familiar. I don't remember where and when but I'm sure I've seen you before."
Nagkatinginan sila ni Sheinna.
"Baka kamukha niya lang Den."
"Hmm.. maybe. Well, I'm glad to meet you. Tama si Shein sa pagkaka-describe niya sayo, you were beautiful like a jade."
Tumingin siya sa kaibigan at pinandilatan ito ng mga mata. Nag-peace-sign naman ito at ngumiti nang nakakaloko.
"Hindi niya naman siguro ako benenta sayo no?" prangka niyang tanong na ikinaubo ng lalaki. Hindi marahil nito inaasahan na masasabi niya ang bagay na iyon. "Sorry ha? Ganito talaga ako eh. Baka ma-offend kita at palayasin mo kami dito sa club niyo."
Tumawa ito. "I like you for being frank. Sorry to disappoint you but you're not my type. Masiyado kang mataas para sakin. Tingin mo palang, nakaka-intimidate na."
"Oh.. thank you for the compliment. I'm glad dahil wala tayong magiging problema."
Napailing na lang ito nang nakangiti.
"By the way, sino ang founder ng club na ito?"
Tama si Mikayla. Malawak ang club at napaka-ganda. Nadaanan nila ang malaking Sport Complex at golfing place ng Club. Maging ang nag-gagandahang bahay na kasinlaki ng mansiyon nila ay hindi nakalagpas sa kaniya. Tingin niya, paraiso ang lugar na napuntahan niya. A paradise that no one can ruined the scenery. Kahit siguro daanin iyon ng bagyo ay hindi masisira dahil sa mga punong nakapalibot sa bawat sulok ng lugar.
"Allen and Zack. They are the most powerful among us. Mahirap silang hagilapin dahil hindi sila madalas rito. Once a month or twice lamang sila bumibisita sa Club kaya kung gusto niyo siyang ma-meet, maghihintay kayo ng ilang araw lalo pa at kagagaling lang ni Allen rito. Maybe next week, si Zack naman ang bibisita rito. Baka makilala niyo siya kung magtatagal kayo dito sa Club."
"Why tycoon destroyer? If you don't mind."
"Well, kung ano ang naiisip niyo iyon na yun! Mapanganib ang mga myembro ng Club except myself." anito na sinundan ng tawa ang sinabi.
"So, a playboy perhaps? Most of you?" tanong niya. "That's why destroyer kasi mahilig sa laro ang founder niyo? O baka naman, member ng isang syndicate ang pinuno nito."
"Sshhhh.. don't say bad words my dear. Magwawala si Allen kapag makarating sa kaniya ang sinabi mong iyan."
"So, this Allen guy is the boss? Not Zack?"
"Yes. Si Allen talaga ang may-ari ng Club. Si Zack naman ang namamahala sa mga myembro. Actually, kung hindi pumayag si Zack na papasukin kayo rito ay wala akong magagawa. May townhouse naman ako somewhere pero hindi kasing-ganda ng lugar dito sa Club."
"How about those house? Is that a palace?"
"That's Allen home. Yung sa right side, members pad yan! On the left, it's for members visitors. Yung mga bahay na nadadaanan natin, that's a lodging house. Mamili nalang kayo kung saan niyo gustong mag-stay."
Nalula siya sa mga previlege na nakuha ng myembro ng Club. Hindi lang mayaman ang may-ari niyon, bilyonaryo is the right word for him. Walang-wala sa kalingkingan ng club nito ang Fearless Warriors na ipinatayo niya sa Tagaytay.
Speaking of her club, iilan pa lamang ang myembro niyon at hindi na siya magtataka kung bakit.