Chapter 1
Mabilis na tinungga ni Mikayla ang natitirang Whiskey sa wine glass bago sinagot ang tawag ng Mommy niya na nakakailang ring na simula kaninang umaga. Kasama niya ngayon si Sheinna, ang modelo niyang best friend. Kagabi pa siya ipinagtatabuyan ng babae dahil ayaw daw nitong madamay sa katigasan kuno ng ulo niya.
"Where the heck are you Mikayla?"
Sa tono ng pananalita ng Mommy niya, she knew it! She was mad again. Palagi nalang itong galit sa kaniya dahil sa pagmamatigas niya sa kagustuhan ng mga ito. Muli na naman kasi silang nagtalo ng Daddy niya kaya umalis siya ng bahay at nagpalipas ng gabi sa bahay ng kaibigan.
"Mommy kung kukulitin nyo lang din ako please lang awat muna! I'm tired and I want some space." naiirita niyang sagot sa kabilang linya.
"Your dad wants to talk to you. Go home now!"
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya at hindi na hinintay na may sasabihin pa muli ang Ina. Kaagad niyang pinatay ang cellphone at muling nagsalin ng alak sa baso.
"Wow! Amazing daughter." palatak ng kaibigan niya at sinabayan iyon ng palakpak. "Anong masama kung ikaw ang magma-manage ng business nyo sa Thailand? Who knows, your special someone was there."
"Tigilan mo ko." naiinis niyang wika. "Lagi nalang sila yung nasusunod. Nagsasawa na ko for God sake!"
"Well, that's the result of being a heiress. Don't worry friend, you're not alone!
Kinutusan niya ito. Sheinna were always there for her sa bawat pagkakataon na kailangan niya. Umaakto itong kaibigan at kapatid tuwing nagtatalo sila ng parents niya or may personal na problema na dumarating sa buhay niya. But of all times, problema sa pamilya ang palaging nirereklamo niya sa buhay.
Somebody called her as being a heartless princess. Minsan pa nga, demonyita, evil queen o kung anu-ano pa na pwedeng itawag sa masamang nilalang. Well, she had nothing to do with it. Tinatawanan niya lamang iyon dahil wala naman siyang pakialam sa iisipin ng mga taong walang nai-aambag sa buhay niya. One thing she just want is to live her life peacefully. Pero sa mga oras na ito, hindi mangyayari iyon hanggat hindi niya sinusunod ang kagustuhan ng parents niya.
Pumikit si Mikayla at hinilot ang ulong nagsisimula nang mahilo. Sino ba kasi ang magulang na gustong nasa malayo ang anak? Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan siyang naroon sa Thailand except for business purposes but why her? Marami namang empleyadong mapag-kakatiwalaan ang Daddy niya na hindi kailangan ang kaniyang presensya.
Mikayla doesn't know what her parents want for her anymore. Lahat ng galaw niya ay monitored ng mga ito. Kulang na lang pati paggamit ng banyo ay alam ng mga magulang.
"The right thing you can do is to go home and talked to them calmly. Huwag kasi daanin sa init ng ulo ang pakikipag-usap my friend. Just voice out what you feel. Tiyak na maiintindihan ka nila."
"You think so? Tingin mo kay Daddy makakausap ng mahinahon?"
"Tito will understand. And kilala kita, daig mo pa ang nagtitinda ng taho sa lakas ng boses mo. So, kalma lang okay? Wala ka pang boyfriend kulubot na iyang noo mo."
Inirapan niya ang kaibigan. Tumayo at kinuha niya ang pouch at humalik sa pisngi nito.
"Gusto mo ba ipahatid nalang kita kay Manong Johnny?" tukoy nito sa personal driver.
"No need. I can manage. Hindi naman ako lasing eh."
"Okay. Call me when you're home. Huwag makipag-sigawan kay Tito."
"I will try. Bye."
Isang tango lang ang itinugon ni Sheinna sa kaniya.
Bahala na nga! By hook or by crook! Hindi siya papayag na pumunta ng Thailand! Kahit anong ipagawa ng Ama ay gagawin niya huwag lamang ang umalis ng bansa.
She need to stay. Kapag umalis siya, habang buhay siyang magiging puppet ng mga magulang. At ayaw niyang mangyari iyon dahil gusto niyang mabuhay ayon sa kagustuhan niya.
Pinasibad ni Mikayla ng mabilis ang kotse dahil sa nahihilo siya. Alas dyes na ng gabi at marahil ay naghihintay parin ang Ama sa kaniya. Kailangan niya itong makausap hanggat may natitira pang espiritu ng alak sa kaniyang katawan. Baka bukas ay hindi naman sila mapang-abot at ayaw din naman niyang makipag-deal sa Ama sa loob ng opisina.
"f**k!" malutong niyang mura nang sumalpok ang kaniyang minamanehong kotse sa sasakyan na nasa harapan. Bigla kasing tumigil iyon kaya hindi siya kaagad nakapag-preno.
Inis na bumaba siya at kinatok ang driver niyon.
"Get out!" aniya. Hindi niya pinansin ang kotseng bumubusina sa likuran nila.
Who cares? Mas mainit ang ulo niya kaya maghintay ito kung kailan niya paaandarin ang kotse.
"What's your problem?" halatang iritado na wika ng lalaki nang bumaba ito sa sasakyan.
Naamoy niya ang alak na sumisingaw rito.
"Bakit?" ulit nito habang pumipikit-pikit pa ang mga mata.
Naglakad siya pabalik sa sariling sasakyan at nameywang na tumingin sa lasing na lalaki.
"Look what you have done!" aniya at iminuwestra ang bahagyang nayupi na sasakyan. "Bakit ka tumigil eh hindi naman red light?"
Nag-init lalo ang ulo niya nang hindi siya nito sinagot bagkus binuksan nito ang pinto ng sasakyan nito at agad sumakay roon bago pinaharurot ng mabilis ang kotse.
Napatanga siya. Hindi niya inaasahan na gagawin nito iyon. Tinakasan siya ng Loko.
"Lintek!" aniya at sa inis ay sinipa ang gulong ng sasakyan. "Tang*na mo mamatay ka na sana!" sigaw niya kahit hindi na niya tanaw ang sasakyan. Kahit plate number niyon ay nawala sa isip niyang memoryahin.
Naisabunot ni Mikayla ang mga buhok gamit ang daliri. Sa tanang buhay niya ngayon lamang siya naisahan ng tarantadong demonyo sa kalsada.
At dahil sa inis hindi tumalima si Mikayla kahit sunod-sunod na busina ang uma-alingawngaw sa likuran niya. Yung ibang kotse nag-overtake pero hindi ang kotse na sumunod sa kaniya.
"Isa pa tong g*g*! Tingnan natin kung magmama-tigas ka diyan! Bwesit!!" tukoy niya sa driver ng kotse na tinapunan niya lang ng nakakamatay na tingin. Hindi siya tuminag sa kinatatayuan. Nameywang lang siya habang nakatingin sa sakay niyon kahit wala siyang makitang tao sa loob.
Bumusina ulit ang sasakyan!
Muli, tiningnan niya lang at hindi parin siya pumasok sa loob ng kaniyang kotse.
Noon lumabas ang driver ng sasakyan. Galit na galit ito habang mabilis ang mga hakbang na lumapit sa kaniya.
"What the hell are you doing?" tanong nito sa matigas na tinig.
Nawala ang tapang na kanina lang ay ipinagmamalaki niya. Nabahag ang kaniyang buntot nang lumapit ito at napatanga siya sa mala-action star nitong katawan at gwapong Mukha. Kulang ang salitang gwapo dahil super duper fantastic ang taglay nitong ka-gwapuhan. Mula sa nang-aakit nitong mata, matangos na ilong at labing tila kaysarap hagkan.
Oh my god! Mikayla you're crazy!
Nawala na siya sa tamang katinuan. At para makaiwas sa nakaambang kahihiyan, kaagad siyang tumalikod dito at sumakay sa kaniyang kotse. Naiwang salubong ang kilay ng lalaki nang tingnan niya ito mula sa side mirror bago pinaandar ang sasakyan.
Nagulat siya sa sariling ginawa. Siya? Si Mikayla Dominguez na tinaguriang Ice-Queen biglang nag-walk-out? Well, that was the first. Para siyang isang magnanakaw na muntik nang mahuli dahil sa bilis ng kaba ng dibdib.
"Letse! Ano ba ang drama mo Mikayla?" tanong niya sa sarili nang mapagtanto na malaking kaduwagan ang ginawa niya. Sana nakuha man lang niya ang pangalan ng lalaki kung kalabisan ang numero nito.
"Gaga mo Mikay! Hindi ka na teenager para mahiya." parang tanga niyang litanya sa sarili.
Huli na para balikan ito.
Napahingang malalim si Mikayla nang marating ang subdivision. Nawala na Ang bilis ng t***k ng puso niya at napalitan nang tapang. Duda siya sa sinabi ng kaibigan, walang mangyayaring heart to heart talk ngayon dahil hindi pa man siya nakaka-park ng sasakyan ay naroon na nakaambang ang Mayordoma nilang si Manang Bekka. Isa lamang ang ibig sabihin niyon, inaantay na ng Ama ang kaniyang pagdating.
"Nasa library yung Daddy mo Señorita." anang matanda nang makalabas siya ng sasakyan. Napansin nito ang yupi ng unahan ng kotse niya na kaagad naman niyang pinigilan ang sasabihin sana nito.
"First thing in the morning ipadala niyo kaagad kay Manong Jun ang sasakyan sa talyer. Huwag niyong hahayaan na makita iyan ni Daddy." aniya at inabot ang susi ng sasakyan sa matanda.
Tumalima naman kaagad ang mayordoma sa utos niya. May mga ibinilin pa siya rito bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.
"Where have you been?" salubong ng Mommy niya nang abutan niya ito sa sala. Humalik siya sa pisngi ng Ina.
"Galing ka na naman ba sa club?" tanong nitong muli at bahagyang inilayo ang sarili sa kaniya. "Amoy alak ka. Maligo ka! Huwag kang makikipag-usap sa Daddy mo nang ganiyan!"
Napailing na lang si Mikayla.
Ang club na tinutukoy nito ay ang itinayo niyang The Fearless Warriors na kinabibilangan ng mga babaeng walang inuurungan. Matatagpuan ang club na iyon sa Tagaytay na ilang metro lamang ang layo sa Bulkang Taal.
Ang club ay ipinatayo niya para sa sarili. Sa ngayon, iilan pa lamang ang member niyon dahil hindi niya naman isinasa-publiko. Karamihan sa member ng club ay mga kakilala ni Sheinna sa Showbusiness. Sa kanilang dalawa, mas ito ang pinaka-makapal ang mukha. Mas marami din itong kakilala na sikat at tinitingalang mga kababaihan sa labas at loob ng Pilipinas.
"Kailan mo ba ititigil ang kalokohan mo na iyan? Ibenta mo na ang club kung ayaw mong malaman ng Daddy mo ang pinag-gagawa mong iyan!"
"Huwag niyong pakialaman ang Club! It's my business!"
Ibinagsak niya ang sarili sa sofa. Hinilot ang sentido at pumikit.
"Ano ba Mikayla! Maligo ka na dahil hating-gabi na! Mag-uusap pa kayo ng Daddy mo!"
"Kung tungkol na naman iyan sa gusto niyo, I swear Mommy, mapapagod lang kayo! Hindi ako aalis dito. Never!"
"Para sayo itong pagpunta mo roon. Kapag nawala kami ng Daddy mo ikaw nalang mag-aasikso ng Negosyo."
"It's too early to say that Mom! Huwag niyo akong daanin sa ganiyan!"
Tumayo siya para puntahan ang Ama na kinukulong palagi ang sarili sa loob ng library. Dinaig pa nito ang devoted professor sa dami ng libro doon na hindi niya alam kung binabasa man nito iyon. Mukhang araw-araw kasi may bago itong dinadala pagkagaling sa kompanya. Minsan nga amoy libro na ang Daddy niya.
"Come in." tugon nito mula sa loob nang katukin niya ang pintuan. Nasa likuran niya ang Mommy niya na hindi niya namalayan ang pagsunod.
Nasorpresa ka pa ba Mikayla? Number 1 basher mo iyang Nanay mo di ba? For sure kawawa ka na naman sa eksena.
"Good evening Daddy. Gusto niyo raw akong makausap?" ngumiti siya ng peke sa ama.
Tumikhim naman ang matadang Dominguez at pagkatapos ay maingat na kinuha ang salamin sa mata. Ibinaba din nito ang librong hawak bago tumayo at dumeretso sa sofang naroon. Sumunod siya rito.
"Saan ka galing? Kanina pa kita hinihintay dito."
Yumuko lang si Mikayla at nag-lungkot-lungkutan.
"Sorry Dad, may banggaan kanina kaya hindi ako nakauwi kaagad."
Nangunot ang noo ng matanda. Nakita niya ang pag-inspeksyon ng mga mata nito sa kabuuan niya.
Napangiti siya. "Don't worry Daddy, I'm perfectly fine."
"How about the one you hit?" biglang sabad ng Mommy Kayla niya.
Tiningnan niya ito ng masama. "It's not my fault!
Minsan kapag nag-iisa si Mikayla, maraming beses nang sumagi sa kaniyang isipan ang katunangan kung talagang Nanay niya ito. Ibang-iba kasi ito sa mga Inang may malasakit at pagpapahalaga sa anak. Sa ugali ng kinikilalang ina, mukha siyang anak sa labas at stepmother niya ito.Hindi nga siya minamaltrato, sobra lang mangialam ang Nanay niya to the point na gusto na niyang maghanap ng ibang Mommy.
"Kapag nalaman ni Tita na nagpa-DNA Test ka sigurado akong itatapon ka nila sa Earth. Nasa mukha na nang Mommy mo ang ebidensiya iniisip mo parin na illegitimate child ka?"
Naalala niyang wika ni Sheinna noong pareho silang nasa Highschool. Pumuslit kasi siya noon para magpa-DNA Test at toothbrush ng Mommy niya ang kinuhang gamit nito na ilang araw din nitong hinanap. Mabuti nalang at nakahanap siya noon ng paraan para pagtakpan ang ginawang kabaliwan kuno para sa kaibigan.
Hindi niya alam kung natuwa ba siya sa resulta noon na totoo siyang anak nito. Basta ang alam niya, sagad sa buto ang pangingialam nito sa buhay niya.
"Are you drunk?" tanong ng kaniyang Ama. Hindi na siya nakasagot dahil inunahan na siya ng Mommy niya.
"As usual Minardo!"
Napatango nalang si Mikayla.
"Ano ba ang plano mo sa buhay mo ha Mikayla?" tanong ng Ama. "Maliban sa Isa sa mga shareholders ng kompanya, ano pa ba ang mga bagay na pinag-gagawa mo? You just come in and out sa opisina ni hindi ka man lang nahihiya sa iisipin ng mga empleyado natin?"
Here we go again!
"You know I'm working. Umaalis ako sa opisina kapag tapos ko na lahat ng dapat kong gawin. And dad, kailan pa naging big-deal sayo ang iisipin ng ibang tao sakin?"
"Tingnan mo nga iyang ugali ng anak mo Minardo! Dapat lang talaga na ipadala natin siya sa ibang bansa."
Hinarap niya ang Ina. "So, ikaw ang nag-suggest kay Daddy? You want to throw me out?"
"Yes. And because you did nothing but a mess here. Palagi mo kaming binibigyan ng sakit ng ulo. You're not young anymore Mikayla! Please act like a matured woman."
"Ano ba ang pinagsasabi niyo?"
Tumikhim ang kaniyang Ama. "Laman kana naman ng tabloid. Akala mo ba hindi ko malalaman iyon?"
"Ano naman ang issue Daddy?"
"Sakin wala! Pero kay Mr. Benitez na ama ng babaeng pinahiya mo sa harap ng maraming tao, malaki hija. He's a politician. Hindi mo dapat binabangga ang mga katulad nila."
Celine Benitez. Ang walanghiyang babae na nag-akusa sa kaniya na mang-aagaw?
"I think there's a misunderstanding Dad. Hindi ko ginawa iyon nang walang valid reason."
"At ano naman ang rason mo?" ang Mommy niya iyon.
"She accused me for stealing her boyfriend! Ako ang una niyang pinahiya."
"At pinatulan mo naman?"
Pikon na pikon na siya sa Ina.
"Bakit hindi? I never do that. Hindi ako mang-aagaw. Ni hindi ko nga nakausap yung lalaking iyon!"
"Enough. Nangyari na iyon. Tingin mo ba paniniwalaan ka ng media sa sinasabi mo?"
Siguro nga hindi. She knew it! Alam niyang sinadya ng mga ito na idawit ang kaniyang pangalan sa apelyedo ng mga Benitez na iyon!
"Kung iyon ang dahilan kaya niyo ako itatapon sa Thailand, it's a big NO! Hindi ako aalis ng Pilipinas Daddy."
"Maraming kleyente ang nawala satin Mikayla. At lahat ng iyon ay may connection kay Benitez. Sana nag-isip ka muna bago inuna yung pride mo."
Letse ka Celine! Ang dami kong naisip na dahilan kung bakit, ikaw at ang Daddy mo lang pala! Humanda kang babae ka!
"Wala akong ginawang masama sa kaniya Daddy. Kaya please lang, huwag niyo kong pipilitin na umalis ng bansa."
"Aalis ka o magpa-pakasal ka? Choose one."
Biglang nagsalubong ang mga kilay ni Mikayla. Matiim niyang tinitigan ang Ama.
"I'm serious." sabi nito na tila nahulaan ang nasa isip niya.
"Why?"
"Hindi ka na bata. Bago pa mapulot sa kangkungan ang Negosyo natin, magpakasal ka."
"But why?" muli niyang tanong. Naguguluhan siya sa pinupunto nito. "Anong connect ng kasal sa negosyo? Don't tell me, ibebenta mo ako para sa negosyo niyo?"
"Stop asking why. Just Yes or No. Kailangan ko ng sagot ngayon din!"
"Daddy!!"
"I'm warning you! Sa ayaw at sa gusto mo mamimili ka."
She gaze at her Mom. Walang emosyon siyang nabasa sa mukha nito.
How sad.. but not surprising.
"Choose."
Itinuon niyang muli ang tingin sa Ama.
Walang magbabago kung magpa-pakasal siya. At kung umalis siya ng bansa, she can't imagine how her life would be. Mahirap maging dayuhan. Naranasan na niya iyon nang mag-aral siya sa Amerika, at ang dahilan kung bakit may ugali siyang demonyo na hindi maaaring malaman ng mga magulang. Ayaw na niyang bumalik sa dati. Never again!
"I'm okay with the marriage. But who's the unlucky one?"
Kumislap bigla ang mata ng kaniyang Ama. Nakita niya ang mabilis na ngiti nito nang piliin niya ang pangalawa.
Smile Daddy. Madali lang naman makipag-divorce!
"You will meet him but not now. Hindi niya pa alam ang tungkol sa Marriage nyo."
Noon siya biglang nag-atubili. Hindi ba parang siya ang lumabas na nag-propose sa soon-to-be husband niya? Mukhang hindi magandang pakinggan iyon sa isang Mikayla Dominguez. Tama lang siguro ang pumayag siya pero ang iisiping siya ang pagmumulan ng komplikadong sitwasyon na iyon ay hindi yata siya sang-ayon.
"You trap me into this, don't you?"
Hindi malabo na manipulahin ng Daddy niya ang usaping kasal dahil bata pa lamang siya, may lalaki nang inilaan ito sa kaniya. At mukhang tama ang hinala niya.
"Business again."
Walang iba Mikayla. Bakit mo pa tinatanong? Kapag Negosyo nila ang pinag-uusapan, walang pakandungan ang Daddy niya sa pagdedesisyon. May masaktan man ito o wala, ang mahalaga ay maisagawa nito ang bagay na may pakinabang rito.
"Makakatulong iyon para mawala ang issue niyo ng anak ni Mr. Benitez, hija." maya-mayang paglilinaw nito sa iniisip niya.
Hindi siya kumbinsido.
"Anong plano mo Daddy? May dapat ba akong malaman?"
Hindi ito kumibo.
"Mom. You talk." baling niya sa tumahimik niyang Ina. "Kanina ang dami mong sinasabi ah. You tell me. Bakit bigla kayong napipi?"
"It's not the right time to talk about it. And you said yes already." salitang nagmula sa Daddy niya.
"Paano ako mapapanatag kung parang may malalim na dahilan ang bigla kong pagpapa-kasal?"
"It's business Mikayla. And from now on, mag-ingat ka sa mga kinikilos mo. It's better to be safe than sorry. Ayokong magka-problema tayo muli."
"I know. Oh nevermind. Bahala kayo sa plano niyong gawin."
Tumalikod na siya bago pa may salitang lumabas na hindi maganda mula sa kaniya.
Kung anuman ang dahilan ng mga ito, she doesn't care. Kasal? It's nothing. Napakarami na sa panahon ngayon ang ikinakasal at pagkatapos ay naghihiwalay din. Marriage is business. And love? Not worth to mention. Naghihiwalay nga ang mga taong inlove kuno, so, why not those people whose pushing them into a married life? Mas may dahilan para kumawala sa salitang kasal ang ganoong tipo ng relasyon. And her? Well, it's nothing but a business. She assured that no feelings involved!