APTR – 7

1098 Words
"S-siya po Ms. Principal, siya po ang nagtali ng sintas ng sapatos ko sa rehas ng guard house." parang batang wika ni Kuya guard habang tinuturo ako.       Balak ko sanang bisitahin si Tita Ninang sa opisina niya para humingi ng pasalubong pero mukhang naunahan ako ni Kuya guard. At bakit may malaki siyang bukol sa noo?       "Great timing Ren. Sit down, we have to talk." seryosong saad ni Tita Ninang at itinuro ang upuan sa kanan ng table niya. "Sige na Cesar, ipapahanda ko na ang cash advance na nirerequest mo. Pumunta ka muna sa clinic bago ka bumalik sa pwesto mo. Okay?"       Bubulong-bulong naman na tumalima si Kuya guard habang hawak ang malaking bukol na sumibol sa noo niya.       "Dalawang Linggo lang akong nawala, ang dami na agad reklamo about you." panimula nito habang hinihilot ang sentido. "What's with the prank with Cesar, bakit naman pati sintas niya napagtripan mo? Pamilyadong tao yun. Mabuti na nga lang at bukol lang ang nakuha niya, paano kung nabagok ang ulo nun? Paano ka magpapaliwanag sa pamilya niya? Pananagutan mo ba? Bubuhayin mo ba sila? Pag-aaralin mo ba ang tatlong anak niya?" dire-diretsong saad ni Tita Ninang bago ito bumaling sa teleponong katabi niya. "Ms. Amy? Andiyan na ba si Mrs. Gomez? Gusto ko sana siyang makausap tungkol sa cash advance ni---" tinaasan niya ako ng kilay matapos kong hugutin ang cord ng telepono.       I sighed.       "I will just give him my allowance for this month."       Mariin niya akong tinitigan bago isinantabi ang telepono.       "It's my fault Tita Ninang, wala lang talaga ako sa mood ng araw na 'yun kaya siya ang napagtripan ko. Hindi ko naman gustong saktan siya. I just thought it will be fun."   "For you it's fun, hindi mo alam na nakakasakit ka na ng ibang tao. Don't be that selfish Ren. Sa huli, ikaw lang din ang maiiwang luhaan."       I nodded and sighed. Palagi naman niyang sinasabi 'yun, what's new? Kaya tulad ng dati, pasok sa tenga, labas sa kabila.       "Where's your allowance? Give it to me."       Napanguso naman ako.       "Pwede bang bawiin ko na lang ang sinabi ko?" pinitik naman nito ang noo ko. "Fine." I surrendered at inilabas ang wallet. "Here. Don't tell him it's from me."   "And why?" she asked while counting the money.   "No need to count it, it's 20,000.00." I told her pero pinagpatuloy pa rin nito ang ginagawa. "Just do it Tita Ninang, don't asked me why."   "Alright." turan nito at inilagay sa puting sobre ang pera. "About what happed to Mrs. Katuturan.."       Napairap na lang ako upon hearing it.       "Xander told me that your mom visited her, so it's already settled. But why did you do that? Muntik na siyang mabulag Ren. Hindi tama ang ginawa mo sa kanya. Kung pinalalampas ko noon ang mga pranks na ginagawa mo, ngayon hindi na. It's too much to take. Masyado ng malala ang pinaggagagawa mo. Nakakasakit ka na."   "Kung nangyari man 'yun, I'am willing to donate my eyes." tugon ko na ikinagulat niya. "I'am doing such pranks to have fun, to enjoy life. Kung sakali mang may masaktan o mamatay, I'll take the blame. I'll be responsible for it."   "Are you serious?!" bulalas nito.   "Syempre joke lang Tita Ninang, masyadong maganda ang mga mata ko para sa kanya." hinampas naman ako nito sa braso. "Ouch naman Tita Ninang, wag kang masyadong brutal."   "You're insane Ren. Just stop doing pranks." iiling-iling na pahayag nito. "How about your brother, okay lang ba si Clinton?"   "Yes, he's fine. Pumasok na siya ngayon." tugon ko. "How about Kuya Ace?"   "He's with your Tito Clark, next week pa siya uuwi."   "Then where's my pasalubong?"   "After what you've done, sa tingin mo ba bibigyan pa kita ng pasalubong?" tanong ni Tita Ninang while signing some papers. "You must behave first Ren."   "That's unfair Tita Ninang!" bulalas ko at inilabas ang isang folder. "I did my homework, I deserved a prize."       Tinaasan ako nito ng kilay bago kinuha sa'kin ang folder at binuklat.       "Ninong Jasfer helped me with it." I stated. "My guess was right, halos nagamit na ni Mr. Paliparan ang 16 % ng school fund dahil sa gabi-gabi niyang pagsusugal at sa mga nagiging boyfriend niya. I told you before it was a bad idea na bigyan siya ng access sa pera ng school. You only hired him because he was your elementary teacher, right?"   "Yes. He was a great teacher, actually." pahayag nito. "Si Mrs. Thess Dimatatac ay asawa ng isang fixer? You mean.."   "Yes. Peke lahat ng dokumentong pinasa niya when she applied. Ilang beses na siyang bumagsak sa Licensure Exam hanggang tuluyan na siyang nagsawa at sumuko na. Being a frustrated teacher, kaya siguro naisip niyang magpatulong sa asawa niya. No wonder, wala man lang akong natutunan sa kanya."   "And Mr. Tuy?"   "He's a good teacher but we found out na may kaso siyang kinakaharap. Kabi-kabilang agency, kapit-bahay at bumbay ang pinagkakautangan niya at kasalukuyan na siyang pinaghahanap ng mga ito. Madalas rin siyang mang-blackmail ng estudyante at teacher para magkapera."       Tumango-tango naman si Tita Ninang habang pinapasadahan ng tingin ang bawat pages ng folder na binigay ko.       "I'am impressed. You did a good job Ren."       Napangisi naman ako.       "What's your plan now? You'll fire them?"   "Kailangan ko munang makausap ang board members, I'll set a meeting with them later." napanguso naman ako. "Hindi mo na kailangang umattend since you already did your homework."       Napangiti naman ako sa sinabi niya, I hate attending meetings, inaantok lang kasi ako. And beside, 8 % lang naman ang share ko, same as Clinton.       "What about my prize?" nakangiti ko pa ring turan.   "Pwede kong ibalik ang pera mo, if you want." offer nito. "But first, pakibalik ng telephone cord I need to make a call."   "I don't want that money." nakasimangot kong tugon bago sumunod dito. "I have an idea." nakangisi kong bulalas. "What about a dozen of Yakult from you everyday, sounds great right?"       Napangiwi naman ito sa narinig.       "It's too much for you, baka mahospital ka pa dahil sa'kin. Tapos ipapakulong ako ng Mommy mo.. it's a bad idea Ren."   "It's not that much, dalawang dosena ang nauubos ko everyday Tita Ninang. Hindi pa naman ako nahohospital since then so it's not a big deal."   "You really reminds me of your mother." bulalas nito na ikinasimangot ko. "Fine, it's a deal." Napa-YES naman ako ng wala sa oras. "Hindi ba't ngayon ang first game ni Mr. Guzman, hindi ka ba manonood ng game nila?"       Kaagad naman akong napatayo mula sa pagkakaupo at napatingin sa orasang naka-display sa opisina ni Tita Ninang. Nakalimutan ko!    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD