"Hey girls, kita-kits na lang tayo sa canteen, daan lang ako ng CR. Pakidala na rin nitong bag ko."
Napatigil ako sa pagtakbo at saka sinilip ang may-ari ng pamilyar na boses.
"Gets. Magpapaganda ka lang para kay Guzman e! Hay naku, Kailey, don't us."
"Right. Pwede naman kaming sumama sa'yo."
"You mean, magpapaganda rin kayo para kay Garnett?" kunot-noong tanong nito sa dalawang kasama.
"Grabe siya oh! Possessive girlfriend na agad ang peg."
"Para namang si Guzman lang ang member ng basketball team." tumitirik ang mga matang pahayag ng babaeng mukhang bibe. "Kailey, ang puso ko ay naka-reserve na para kay Leon."
"Akala ko kasi dadagdag pa kayo sa listahan ng mga kaagaw ko kay Garnett." umiirap na muling saad ng lider ng mga bibe. "Well, kailangan ko ring magCR dahil kanina pa akong naiihi sa kilig. Bawat shoot ni Garnett ng bola, kinikilig ang lola niyo! My God!"
Tumawa naman ang dalawa pang bibe at naghampasan pa ng mga dalang bag.
Mukhang hindi na rin naman ako aabot sa game, mas mabuti pang maghasik ng lagim. Napangisi na lang ako at nauna ng pumunta sa malapit na CR.
"Hoy, mga bibe, lumabas na kayo at wala namang magbabago kahit kasing kapal pa ng encyclopedia ang make-up na ilagay niyo sa pagmumukha niyo!" turan ko sa dalawang alien na nagpapakapalan ng blush on sa harap ng salamin. "Oh ano, iirapan niyo pa ako? Baka gusto niyong dukutin ko yang mga mata niyo at ipakain ko sa aso?" banta ko pa nang padabog nilang isara ang mga pekeng bag. "Layas na! Ang aarte, para namang mga bagong tuli kung maglakad, bilis!"
Nang maitulak ko sila palabas ay kaagad kong sinilip ang mga cubicle kung may natitira pang mga pakalat-kalat na estudyante. Wala ng sagabal.
Kaagad kong kinuha ang mga tissue paper sa bawat cubicle, binasa ko ito at itinapon sa basurahan. Kinuha ko naman sa secret place ang itinago kong toothpaste noong nakaraang Sabado. Sumisipol pa ako habang nagmamadaling nilagyan ng toothpaste ang bawat gilid ng toilet bowl. Pati ang flush, hindi ko pinalampas.
Maya-maya'y narinig ko na ang mala-palakang boses ng lider ng mga bibe. Kumakanta pa ito, pero wala naman sa tono. Nang maramdamang pumasok ito sa isang cubicle ay nagmamadali akong lumabas na parang walang nangyari.
"Let's see kung makakalabas ka pa ng CR ngayon."
--
"Nice game Kevin Garnett!" malawak ang ngiting umupo ako sa tapat niya at kinuha ang pagkain sa harap nito na hindi pa nagagalaw. "Wala ka pa ring kupas."
"Wag mo na akong bolahin. You didn't make it." nakasimangot nitong saad at inagaw sa'kin ang tinidor at sinimulang sumalo sa pagkaing kinuha ko sa kanya.
"Hindi ako nanood kasi alam ko namang mananalo ka." nakangisi kong tugon. "Cheer up. Best player of the game ka di ba?"
Tinaasan lang ako nito ng kilay at tahimik na sumubo. Tss, kasalanan ko bang nakalimutan kong ngayon ang game nila?
"Hoy. Ang suplado mo na ah!"
"Kumain ka na lang." tugon nito at kaagad umiwas ng tingin sa mga babaeng napadaan malapit sa table namin na halatang kinikilig habang binabati siya.
"Suplado talaga. Ikaw na nga ang nilalapitan, hindi mo pa pinapansin. Kaya hindi ka nagkakagirlfriend e!" sermon ko dito habang kumakain. "Anak ka ba talaga ni Ninong Blake?"
"Hindi ko kailangan ng girlfriend." wika nito at nakipag-agawan sa'kin sa last subo ng chicken fillet na inorder niya. "Give it to me, pagkain ko yan, ako ang umorder."
"No. It's the last piece. Bumili ka na lang ng bago."
"Ikaw ang bumili ng pagkain mo. That's mine."
"Wala akong pera. Mayaman ka naman, kahit isang libong chicken fillet, mabibili mo."
"You owned this school, you can ask for free food Florentine."
Ilang minuto pang naglaban ang hawak naming kutsara't tinidor hanggang sa mapatanga na lang kami ng may mga daliring kumuha nito at dumiretso sa isang nakangiting bibig.
"What?" inosenteng tanong nito bago naupo sa table namin at naglabas ng libro.
"Bakit mo kinain?" I asked at pinalo ko pa ng kutsarang hawak ko ang noo niya. "Hindi mo ba nakitang buong lakas kong pinaglalaban ang chicken fillet na 'yun!"
"It hurts." blank face na wika nito while still reading. "Masamang paglaruan ang pagkain."
"Why you're here dude?" tanong naman ni Kevin Garnett na kasalukuyang binubuksan ang hawak na Gatorade.
"Board meeting." maikling sagot ni Clinton na tutok na tutok sa libro niya.
"Hey, that's mine!" muling angal ni Kevin Garnett nang agawin ko ang Gatorade nito. "The hell, hindi ka na nga nanood ng game, inaagaw mo pa ang pagkain at inumin ko."
"It's your treat." sagot ko matapos ubusin ang Gatorade niya. "Don't worry, next game, iche-cheer kita hanggang mapaos ako!"
"Really?" umaasa namang turan nito.
Masyado bang big deal sa kanya 'yun?
Tumango na lang ako at ngumisi.
"Basta ilibre mo ulit ako! Gutom pa 'ko!" bulalas ko habang pinapalo ang table namin gamit ang empty bottle ng Gatorade. "I want carbonara Kevin Garnett, gusto ko rin ng fried tilapia saka brown rice. For dessert I want----!"
"I want you Ren, can I call you mine?"