"Ten more laps Ren! Bilis-bilisan mo naman!"
"Gaano ba kabilis ang gusto mo captain?" nakangisi kong tanong sa kanya ng mapadaan ako sa bench na inuupuan niya. Tss. Ang init-init kaya, hindi man lang niya ako pinahiram ng payong samantalang siya nakasilong sa puno.
Tanghaling tapat pero pinatatakbo niya ako paikot sa field. Ang sama niya po! Wala siyang awa, wala siyang puso, wala siyang kaluluwa, wala siyang kwentang captain! Child abuse ang ginagawa niyang ito! After nito, isusumbong ko talaga siya sa Bantay Bata 163!
"Anong binubulong mo diyan? Gusto mo bang dagdagan ko pa ng twenty laps Ren?!" sigaw ng walang atay naming captain. "Bilisan mo para makasali tayo sa practice game mamaya!"
"Pwede ka namang mauna na sa gym captain! Kaya ko na 'to, hindi mo na ako kailangang bantayan pa." sigaw ko sa kanya. Pumayag ka, please?
"No. I know you, tiyak na tatakasan mo na naman ako. Kung hindi pa kita naabutan sa Library kanina, hindi ka na naman aattend ng practice. It's a crucial time for us Ren, simula na ng Elimination round, kailangan na nating magseryoso kung gusto nating maging champion this year."
"Kayo lang naman ang gustong maging champion." I mumbled. "Oo na captain, the best ka e!" hirit ko pa. "Sana hindi mo ako pinapagod kung gusto mo akong makasali sa practice game mamaya!"
"Kulang ka sa practice, kailangan mo 'yan para mabuhay ang dugo mo!"
"Hala captain, namamatay pala ang dugo?!" I told her, then she glared me in return. "Sabi ko nga po, tatapusin ko na ang pagtakbo!"
--
"Ren! Himala, andito ka ngayon." salubong ni Ate Jas, vice-captain ng girl’s basketball team, paglabas ko mula sa locker room para magbihis ng jersey. "Maglalaro ka?"
"Nahuli ako ni Tanda e." nakanguso kong sumbong habang sinusuot ang sapatos ko.
"Dapat kasi nagtago kang mabuti." turan ni Ate Lee na kasalukuyang pinatatalbog ang bola.
"I tried Ate, minalas lang talaga ngayon."
Natawa naman ito at nagpaalam na para sumali sa pagpapractice shooting ng ibang team members.
"Mainit nga ang ulo niyan nitong nakaraan dahil palagi kang missing in action. Alam mo namang paborito ka niyan, kaya hindi talaga 'yan napapalagay kapag hindi ka niya nakikita."
"Paboritong pahirapan. Alam mo bang pinatakbo niya ako ng 50 laps sa field! Hindi man lang niya ako pinayungan, mabuti na lang immune na sa sunburn ang kutis ko." turan ko na ikinatawa niya.
"Pasaway ka kasing bata ka." saad nito at ginulo ang buhok ko bago ako iniwan dahil paparating na ang walang bitukang si captain.
Halos isang taon na rin ng buuin ni Tita Ninang ang girl's basketball team, suggestion daw kasi ng asawa ni Dad. Siya rin ang nagsali sa'kin sa team. Natutulog ako noon sa opisina niya nang bigla niya akong hilahin at ipakilala sa team. Wala ng try-out na naganap, sinabi lang ni Tita Ninang na anak ako ni Krisz Xander Valdez na kilalang basketball player noon, tinanggap na agad ako. Naalala ko pa nga ang literal na pagkinang ng mga mata nila nang banggitin ni Tita Ninang ang pangalan ni Dad. Tss. At gustuhin ko mang umalis sa team hindi na naman ako pinayagan ni captain. Sa kanya lang talaga ako natatakot dahil na rin siguro sa kabrutalan at kaseryosohan ng mukha niya. No wonder, anak nga siya ng masungit na si Ninang Angela.
"Magpahinga ka muna, sa third quarter kita ipapasok." utos na naman ni captain nang makarating siya sa pwesto ko. "Pero wag mong kalimutang mag-observe."
"Hindi ba pwedeng maglunch muna?" I asked habang tamad na nakaupo sa bench ng team. "Hindi mo na nga ako pinaattend ng klase, pati ba lunch ipagbabawal mo pa?"
"Excuse ang team sa klase, hindi ba sinabi ni Principal?" kunot-noong wika nito habang inaayos ang sintas ng sapatos niya. "Hindi mo naman ikamamatay ang hindi pagkain ng lunch, kumain ka after ng game."
"Libre mo?" I asked na ikinasimangot niya.
"Ikaw ang mayaman, bakit ako ang manlilibre?" nagwa-warm up na tanong nito.
"Kasi wala akong allowance for this month, saka ikaw 'tong kumidnap sa'kin. Kung hindi mo ako kinaladkad dito at pinatakbong mag-isa sa field, e di sana nakapagpalibre ako kay Kevin Garnett."
"Magbait ka na kasi, kaya ka nawawalan ng allowance dahil diyan sa mga kalokohan mo." sermon nito.
Kaya nga ako nawalan ng allowance kasi mabait ako!
"Kapag nanalo tayo dito, saka kita ililibre."
"Talaga? Saka Yakult ha, yung madaming-madami!"
"Yakult na ata ang dumadaloy diyan sa mga ugat mo." iiling-iling na turan nito saka ako tinalikuran.
"Hoy captain, magpromise ka muna!" habol ko pa sa kanya.
Irita naman itong lumingon at saka napakamot sa batok.
"Oo na. Basta manalo tayo."
"Kung gusto mong manalo tayo, ipasok mo na ako agad!" nakangiti kong saad saka iginalaw-galaw ang mga binti. "Tapusin na agad natin ang laban."
Muli naman itong lumapit sa kinauupuan ko at pinitik ang noo ko. Bakit ba palagi nilang pinagtitripan ang maganda kong noo?
"Wag kang masyadong mayabang." wika nito. "Sa third quarter ka papasok, pag-aralan mo muna ang galaw ng kalaban."
"Ano bang pinagkaiba nila sa galaw natin? Tatakbo, magpapasa, magsho-shoot lang naman ang ginagawa sa basketball di ba?" saad ko. "Don't tell me, sasayaw sila tapos gagayahin natin ang step?!"
"Ge, pairalin mo ang pagiging pilosopo mo para hindi ka makakain." turan nito at muling tumalikod para puntahan ang team. "Kapag natalo tayo, ibibitin talaga kita sa flag pole maghapon." banta pa nito.
Kinilabutan naman ako sa narinig. Hindi kasi ito marunong magjoke, last time noong matalo kami, pinatakbo niya kami ng nakapaa habang umaakyat ng bundok. Tapos noong nagpahinga lang ako saglit, hindi niya ako pinakain ng hapunan at almusal!
"Ito namang si captain, hindi na mabiro. Aye, aye, aye captain!"