"Yung #17 ang bantayan niyo, kung pwede i-double team niyo, siya kasi ang utak ng plays nila." I informed the team after the first quarter. Lamang ang kalaban ng 8 points, kaya kami ang naghahabol ngayon. "Yung #3 magaling siyang mag-three points pero sa two points lagi siyang sumasablay, si #7 ang namamahala sa rebounds. Si #30 magaling magfake ng foul kaya kung pwede wag niyo na siyang pansinin kasi wala naman siyang ibang role. Ang captain naman nila na #4, she can take a shot anywhere. Magaling din siya sa depensa." I stared at their faces na seryosong nakikinig sa'kin. "But, iisa lang talaga ang inaasahan nila sa pagpasa and that's #17. Let's try my theory, higpitan niyo ang depensa kay #17. Being a captain, tiyak na mapapansin ito ni #4 kaya beware of her. Since tayo ang naghahabol, kung may pagkakataon, gamitan ng bilis ang kalaban."
"Gawin natin ang sinabi ni Ren." segunda ni captain. "Lee and Sun, kayo ang bahala sa #17. Wag niyong hayaang makapagpasa siya ng bola. Jas ikaw ang bahala kay #3, Pam kay #7 ka, kunin mo ang rebounds. Ako ang bahala sa captain nila." tumango-tango naman sina Ate. "You. " baling nito sa'kin. "Good job." puri nito bago nagsimulang maglakad pabalik ng court.
Napangisi na lang ako habang isa-isa nilang tinapik ang balikat ko.
"Galingan niyo para sa Yakult!" hirit ko pa.
Matapos ang ilang segundo, pumito na ang referee hudyat ng pagre-resume ng laro. Practice game pa lang ito pero mukhang sineseryoso na nila. Kahit ang kabilang team, masyadong seryoso ang mga mukha.
"Maglalaro ka?" napatingin naman ako sa katabi kong si Mr. Diaper. Bakit ba palagi 'tong sumusulpot?! "Akala ko absent ka. Nag-aalala pa naman ako, akala ko nagkasakit ka na. Dadalawin na nga sana kita sa bahay niyo, kaya lang, hindi ko pa nga pala alam ang address mo." natatawang saad nito. "Ang baliw ko no?"
"Matagal ka ng baliw." tugon ko naman. "At bakit andito ka? Lumayo-layo ka nga at baka mapagkamalan kang water boy."
"Ang hard mo naman Ren! Andito lang naman ako para suportahan ka, #1 fan mo kaya ako!"
"Wala akong pakialam."
Muli ko na lang ibinaling ang atensyon sa game, kasalukuyang na kay #17 ang bola. Ipapasa na sana niya kay #3 pero kaagad siyang naharangan nina Ate Lee and Ate Sun. Maagap sanang lalapit dito si #4 pero mabilis siyang nadepensahan ni captain. Dahil sa higpit ng depensa, naparalisa ang kabilang team at natawagan ng violation. Great!
"Hoy Ren, pansinin mo naman ako!"
Napasimangot ako ng kulbitin ako ng makulit na si Mr. Diaper.
"Lumayas ka na Mr. Diaper, hindi kita kailangan dito." asik ko pa at pinilipit ng bahagya ang daliri niya. "Kung wala kang magawang matino, magwalis ka na lang sa field."
"A-aray naman Ren! Ang sakit mo namang magmahal, damang-dama ko!" hirit nito at binawi ang kamay sa pagkakahawak ko. "Gusto lang naman kasi kitang suportahan." nagpapa-cute pang wika nito.
"Kung gusto mo kong suportahan, dapat nagdala ka man lang ng tarpaulin." saad ko at muling nanood ng laro. "Istorbo ka lang e."
Hindi ko namalayan lamang na pala kami ng 3 points, hindi pa nadadagdagan ang score ng kalaban. Tss, ang kulit naman kasi ng Diaper na ito!
"Gusto mo pala ng tarpaulin, hindi mo naman agad sinabi!" rinig kong muling hirit nito. "Hayaan mo sa first game niyo, maghahanda ako ng tarpaulin with hearts pa!"
Nandidiri ko naman siyang tiningnan saka tinakpan ang mukha niya gamit ang towel na basa ng pawis.
--
"Go Ren! Ipanalo mo ang laban ah! Ilampaso mo ang kalaban, ibangon mo ang dangal ng mga kababaihan!"
Napatakip na lang ako sa tenga habang naglalakad papasok ng court. Bakit ba hindi pa umaalis ang walang hiyang Diaper na 'to?!
"Wow, hindi man lang kami nainform na may boyfriend ka na pala Ren." nakangising tukso ni Ate Lee.
"Infairness ha, cute!" wika naman ni Ate Sun.
"Hindi ko boyfriend 'yan, stalker pwede pa." nakasimangot ko namang saad.
Third quarter na, 47-63 ang score, ang kalaban naman ngayon ang maghahabol. Effective ang naging strategy namin noong second quarter.
"Kung ayaw mo sa kanya, ibigay mo na lang sa'kin." muling hirit ni Ate Sun na nagawa pang kumaway sa nag-iingay na si Mr. Diaper.
"Sayong-sayo na Ate, kung gusto mo ikakahon ko pa with ribbon tapos ipapadeliver ko sa bahay niyo."
Natawa lang naman sila pero nanahimik din agad ng magsalita si captain.
"Don't be too confident. Hindi pa tapos ang laban." paalala nito bago namin narinig ang pagpito ng referee.
Dahil alam na namin ang strategy ng kabilang team, wala kaming ibang ginawa kundi paigtingin ang depensa at pumuntos. Hindi na namin hinayaan pang makahabol ang kabilang team. It's been months noong huli akong maglaro, that's why I enjoyed the game. Hindi ko alintana ang pawis at hingal, kahit na masakit ma-foul, kahit na nagpapagulong-gulong ako makuha lang ang bola. This is my home. Sa court lang talaga ako totoong nagiging masaya. I'am happy to be with them, the basketball team. My second family, no, my real family.
"Nice game Ren! Pang-finals na ang performance mo, girl!" bati sa'kin ni Patty, kabatch ko.
Yes, we won. Final score, 115-66.
"Inspired siguro sa stalker kuno niya." pang-aasar na naman ni Ate Lee.
Napatingin naman kami kay Mr. Diaper na parang tangang nagsasayaw sa gitna ng court. Ano kayang tinira ng lalaking 'to?
"Ate naman." ungot ko at nagpunas ng pawis. "Effective ata ang 50 laps na pinagawa ni captain." bawi ko.
"Alright, 60 laps for you tomorrow Ren." biglang sabat ni captain na nasa likod ko pala.
"Hala captain, nagjo-joke lang naman ako." kaagad kong bwelta. "Inspired lang ako dahil manlilibre ka ng maraming-maraming Yakult."
"Wala ng bawian." maikling turan nito. "Let's go." yaya nito.
"Manlilibre daw si captain!" bulalas ko na ikinatuwa ng team, maliban kay captain na ang sama ng tingin sa'kin.
"Sinabi ko bang lahat kayo ililibre ko?" taas-kilay na wika nito.
"Ay si captain may favoritism." muli ko pang hirit. "Sorry po, ako lang pala ang ililibre ni captain.
"Ganyanan na pala."
"Napagod din naman kami captain."
"Madaya, magwelga tayo!"
"Welga kami! Welga kami!"
"Libre! Libre! Libre!"
Napangisi ako ng sinakyan ng team ang banat ko. Basta talaga kalokohan, maaasahan sila.
"Fine." irita ng wika ni captain. "Plus 10 laps for you."
"No! 60 lang kaya captain. Unfair!"
"Plus 5 laps." pahabol pa nito bago naglakad palabas ng gym.
"Captain! Abuso na 'yan!"
"5 more laps!"
Napapadyak na lang ako, akala ko pa naman nanalo na ako!