APTR – 23

906 Words
"...makapaghihintay naman 'yung love, so kung ako ang papipiliin, sa friendship ako. Sa panahon ngayon, mahirap ng makahanap ng totoong kaibigan di ba?" After ng sinabi ng isa kong kaklase ay muli na namang nag-ingay ang dalawang grupo. "Sa panahon ngayon, mahirap na ring makahanap ng true love, di ba guys?" tugon naman ng lalaking member ng kabilang grupo na tinugon ng hiyawan. "Kung ang pipiliin mo ay friendship, ibig sabihin ba niyan Aika, friendzone pa rin ako?" banat pa nito na lalong nagpagulo sa klase. Sa huli, walang nagawa si Mam Daisy kundi tapusin ang pakana niyang debate. "Mam, unfair. Dapat may ideklara kayong panalo, sayang ang effort naming mag-isip." angal ng katabi ni Dora, na sinuportahan ng mga babaeng katabi ko.  Hindi naman nagpatalo ang kabilang grupo na kinabibilangan ng mga lalaki. "Tama Mam, ideklara niyo na kaming panalo para tapos ang usapan." wika ng lalaking katabi ni Mr. Diaper saka nakipag-apir sa mga kasama. "Panalo kaya kami, mas acceptable 'yung mga sagot namin. Wala naman kayong ginawa kundi bumanat at humugot lang." reklamo naman ng kabila. Napailing na lang ako ng muli na naman silang magkagulo. Ayaw patalo ng bawat team. Hindi ko naman alam kung anong pinaglalaban nila dahil kagigising ko lang. May prize ba ang mananalong team at halos magpatayan na sila? "Tahimik!" sigaw ni Mam Daisy, tumalsik pa ang laway nito sa mga kaklase kong nasa unahan. "Walang mangyayari kung sabay-sabay kayong magsasalita, lalo lang tayong hindi magkakaintindihan." saad nito while scanning the class. "Ganito na lang, pumili na lang kayo ng isang representative. Isa sa grupo ng mga lalaki, at isa sa grupo ng mga babae." nagsimula na namang mag-ingay ang klase. "Sinong representative ng mga lalaki?"  Nagtuturuan pa sila ng biglang tumayo si Mr. Diaper. "So, nag-volunteer na si Mr. Dela Cruz.. kayo girls, sinong napili niyo?" "T-teka Mam." tawag ni Mr. Diaper. "M-magpapaalam lang po akong mag-Cr." Nagtawanan naman ang klase lalo na ng kumaripas na ng takbo palabas si Mr. Diaper. Ang stupid talaga. Tumikhim naman si Mam at muling bumaling sa mga lalaki. "Sino na ang napili niyo boys?" kunot-noo ng wika nito. "Yes Mr. Bautista? Naiihi ka rin ba?" irita ng saad ni Mam nang tumayo si Ginto. Umiling ito. "Siya po ang pambato namin Mam!" masayang sagot ng katabi nito saka ito tumayo at minasahe pa ang mga balikat ni Ginto. "Kayo girls?" baling ni Mam sa panig namin. Para namang mga tangang tinuro ako ng mga ito. Tss. "Tumayo ka Ms. Valdez para makapagsimula na tayo." utos ni Mam. Hindi ako kumibo. "Ms. Valdez, kung ayaw mong magparticipate sana'y hindi ka na lang pumasok." sermon ni Mam saka ako matalim na tinitigan. "Lumabas ka na lang kaya."  Ngumisi naman ako at tumayo. Matutulog na lang siguro ako sa Library. "Natatakot ka bang matalo?" Ginto asked bago pa man ako makahakbang. Nakangisi pa ito na akala mo bagay sa kanya. "Tinatamad lang ako." tugon ko dito saka ngumisi rin. "Really? Minamaliit mo yata ako Ms. Valdez. Masyado ba akong boring sa paningin mo at hindi ka ginaganahang makipagdebate sa'kin?"  I just shrugged. "Mas entertaining ba na maframe-up ako?" madiin ng wika nito. "Mas masaya ba para sa'yong magnakaw ako ng pink cellphone?"  I closed my eyes para pigilan ang inis na nararamdaman. He's ignoring me since that incident tapos ngayon.. kainis! Ilang beses ko ng sinabing wala akong kinalaman dun, kulang na nga lang isulat ko sa mukha niyang inosenti ako!  "Fine. Let's do this." I resigned at saka muling nagpakawala ng hininga.   Kapansin-pansin naman ang pagiging tahimik ng klase.  "O-okay. Hindi niyo kailangang magpatayan. Gusto ko after this class, friends pa rin kayong lahat. Maliwanag ba, class?" walang tumugon dahil abala sila sa panonood sa ginagawa naming pagtitigan ni Ginto. "L-let's start then, Mr. Bautista, Ms. Valdez.. kung darating sa point na kailangan niyong mamili between friendship and---" "Pipiliin ko 'yung mahal ko." putol ni Ginto sa sasabihin ni Mam. I frowned. Kailan pa'to naging rude? "Why? Once na niligawan mo ang isang babae, responsibilidad mo na siya. You need to take good care of her, to love her and to protect her. Bakit mo siya liligawan kung hindi mo pala siya kayang ipaglaban? Bakit mo guguluhin 'yung tahimik niyang buhay kung mang-iiwan ka rin lang?" nagpalakpakan ang lahat, pati ang mga kagrupo kong babae. "Kung kaibigan mo talaga ang isang tao, hindi ka niyan pahihirapan. Hindi ka niya sasaksakin patalikod. Hindi ka niya sasaktan at higit sa lahat, hindi ka niya aagawan." he seriously declared while glaring at me. Ano bang problema ng lalaking 'to?! Umiling na lang ako at saka sinimulang magsalita. "It's friendship." panimula ko. "Sino ba ang andiyan---" "If that's the case, bakit wala kang kaibigan Ms. Valdez?" singit ni Ginto. "W-what?" "Friendship." muling turan nito, bago mapait na ngumiti. "Bakit nga ba wala kang kaibigan Ms. Valdez? Sinasabi mong pipiliin mo 'yung friendship, so asan sila? Paano kami maniniwala sa'yo, kung wala ka namang kaibigan?" madiin pang litanya nito. Nagsigawan ang mga lalaki sa tuwa, akala ata nila panalo na sila. Ang mga babae nama'y pasimpleng nagbubulungan. I sighed and smiled. "Si Kevin Garnett, he's my best friend." I told him. "Simula pagkabata, kaibigan ko na siya. Hindi siya nang -iiwan. Hindi makitid ang utak niya at marunong siyang makinig sa paliwanag. Hindi tulad ng iba diyan, gusto ka daw maging kaibigan. Kukulitin ka ng kukulitin, pero kapag napalapit ka na sa kanila.. bigla na lang mang-iiwan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD