"Nakakainis. Nakakainis ka. Akala mo kung sino ka, isa ka lang namang hamak na insekto. Ang kapal ng mukha mong gawin sa'kin ito. Kung ayaw mo 'kong pansinin, kung ayaw mo talaga akong kausapin.. fine. Akala mo naman ikinagwapo mo na 'yang pagiging isnobero mo. Magsawa ka sa buhay mo!"
"Hindi mo naman sinabing may past pala kayo ng ipis na 'yan. Sobra ka ba niyang sinaktan? Pinagpalit ka ba niya sa ibang ipis kaya halos durugin mo na siya? Maawa ka naman sa ipis Renaissance Florentine, kanina mo pa 'yan pinupukpok ng martilyo."
Isa pang marahas na pukpok ang pinakawalan ko sa durog-durog na ipis bago ko matalim na tinitigan si Clinton. Pero mukhang hindi naman siya aware dahil nakatutok na ang atensyon nito sa librong binabasa.
"Nakakainis talaga!" sigaw ko bago ibinagsak ang katawan sa malambot na sofa.
"Kanino ka ba naiinis? Insecure ka ba sa kaitiman ng ipis o nainggit ka sa pakpak nito?"
I rolled my eyes at hindi pinansin ang walang kwentang tanong ni Clinton. Magsama sila ng baliw na si Kevin Garnett! Nakapagtataka ngang nasa bahay ito ngayon, napapadalas na kasi ang paggala nito every weekends. Maaga itong umaalis, tapos sobrang late na namang umuuwi.
"Nag-away ba kayo ng girlfriend mo?"
"W-wala akong girlfriend." tugon naman nito.
"Kung wala kang girlfriend, sinong kasama mo last weekends?"
He frowned at umayos sa pagkakaupo, without even looking at me he answered.
"A friend."
"Babae?" pangungulit ko pa.
Saglit naman niyang ibinaba ang librong binabasa at hinarap ako.
"Bakit sa'kin nalipat ang topic? We're talking about your problem with the cockroach, right?"
I pouted at muli na namang napasimangot.
"Nakakainis kasi talaga 'yung ipis." I mumbled at muling naalala ang pagsusuplado ng ipis na 'yun.
"Teka.." habol ko noon kay Ginto na sumusunod sa paglalakad kina Mam Katuturan at sa unknown na babae.
Hindi man lang ito lumingon at nagpatuloy lang sa paglalakad.
"Hoy, sabi ko teka lang." muli ko pang saad pero nabingi na talaga si Ginto. Marami na siguro siyang kayamanan sa tenga.
"Ms. Valdez, sa pagkakatanda ko si Mr. Bautista lang ang isinasama ko papuntang office.. anong ginagawa mo dito?" sita ni Mam Katuturan ng mapansin ang pagsunod ko sa kanila. "Bumalik ka na sa klase mo."
"Saglit Mam, kailangan muna naming mag-usap ng lalaking ito."
Tumaas ang kilay ni Mam Katuturan bago nagpabalik-balik ng tingin sa amin ni Ginto.
"Ms. Valdez, kung may LQ man kayo nitong si Mr. Bautista.. pwede ba mamaya niyo na ayusin?" simangot na wika nito. "Mga kabataan nga naman ngayon.." bulong pa nito.
"Ang judgemental niyo talaga. Ibig sabihin, kapag sinabi niyong kailangan niyong mag-usap ni Kuya guard, may LQ na agad kayo? Hindi ba pwedeng kailangan niyo lang talaga siyang kausapin?"
Bigla namang namula si Mam Katuturan at nanlisik na naman ang mga mata.
"Ms. Valdez, hindi ka talaga---"
Pumagitna sa pagitan namin si Ginto at hinarap ako. He's not smiling.
"Valdez." malamig na tawag nito. "Umalis ka na."
Valdez? Hindi na Tine?
And what's up with that cold stare?
Ugh!
Who cares, anyway?
"Look Ginto, gusto ko lang---"
"Just go." putol nito sa sasabihin ko bago walang-lingon na tumalikod at naglakad.
--
As punishment, pinagsulat si Ginto ng isang daang sorry letter. Hindi rin siya pinapayagang makasali sa remaining games ng basketball team during Elimination round.
"Bakit hindi ko ata kayo nakikitang magkasama ni Bautista this past few days?" tanong ni Kevin Garnett ng makasabay ko siyang kumain.
Awtomatiko akong napasimangot.
"Tinapat mo na bang wala siyang pag-asa sa'yo?" muling tanong nito. "Hindi niya matanggap kaya nagdededmahan kayo?"
Umiling ako at ikinuwento sa kanya ang nangyari about sa nawawalang cellphone na natagpuan sa bag ni Ginto.
"Ibig sabihin, akala niya ikaw ang naglagay sa bag niya nung cellphone.." tumango ako. "..dahil iniisip niyang gumaganti ka sa ginawa niyang confession on-air?" I nodded again. "Bakit hindi mo sabihin ang totoo, na wala kang alam sa sinasabi niya.. na hindi ikaw ang naglagay ng cellphone sa bag niya?"
"Yun na nga ang problema." I sighed, "Iniiwasan na niya ako, hindi niya ako pinapansin. Kahit sulyap man lang wala."
Kevin Garnett shrugged.
"Hindi ba't 'yun naman ang gusto mo, ang iwasan siya at layuan dahil hindi ka na komportable sa kanya after that confession?"
"Yes. Gusto ko lang namang malinis 'yung pangalan ko."
He chuckled.
"Kailan ka pa nagkainteres na linisin 'yang pangalan mo? You're the Prank Queen, right?"
"Pero.. wala nga akong ginawa. Hindi ako 'yung naglagay ng cellphone sa bag niya!" giit ko pa. "Ayaw ko lang na pinagbibintangan niya ako ng ganun. Nakakainis kaya!"
Ngumisi naman si Kevin Garnett.
"Are you sure about that?"
"Syempre."
"Hindi kaya.. namimiss mo lang ang pagsunod-sunod sa'yo ni Bautista?"
"O-Of course not!" I answered abruptly. "Ano ba naman 'yan Kevin Garnett, kung anu-anong sinasabi mo diyan?!"
Ngumiti lang naman ito at saka tumingala sa likod ko.
"Uy Bautis---"
Kaagad akong lumingon pero wala namang tao sa likod ko hanggang sa marinig ko na lang ang halakhak ni Kevin Garnett.
"Hindi pala namimiss ha?!"
Damn!