"The kinetic energy of an object is the energy that it possesses due to its motion. It is defined as the work needed to accelerate a body of a given mass from rest to its stated velocity. Having gained this energy during its acceleration, the body maintains this kinetic energy unless its ----" natigil sa pagrereport sa harapan si Dora ng biglang sumulpot sa may pintuan si Mam Katuturan kasama ang isang di-pamilyar na estudyante.
"Excuse me, Ms. Dhalia.." tawag nito sa teacher na pumalit kay Mam Thess.
Lumabas naman si Mam at sumunod sa mga ito.
"Ikaw na ang titira Ren." turan ni Mr. Diaper na may kasama pang pagkulbit sa'kin. "Okay lang ba talagang maglaro tayo ng chess sa klase?" kunot-noo pang tanong nito sabay kamot sa ulo. "Baka ma-D.O. tayo."
I shrugged at ginalaw ang bishop.
"Ikaw lang ang mapupunta sa D.O., hindi ka kasi makakasagot kapag tinanong ka about sa report ni Dora."
"Hindi mo 'ko tutulungan?" nakangusong tanong nito. Lalo na siyang nagmukhang bibe.
"Bakit naman kita tutulungan, close ba tayo?"
"Oo kaya! Close na tayo Ren. Wag kang ano diyan." nakasimangot pang wika nito. "Tandaan mo, kahit ilang kawali pa ang ipadala mo sa'kin.. gagawin ko. Kahit 2,000 bones pa ang mabali sa'kin, okay lang. Ren, para na akong bubble gum, didikit ako sa'yo forever."
Pinitik ko naman ang noo niya sa sobrang arte niya.
"I-google mo muna kung ilang buto talaga ang meron ka. Abnormal, tss."
"Ang bad." angal pa nito. "Ibig sabihin ba, mas gusto mo talaga si Gold Andrei kesa sa'kin dahil alam niya kung ilan talaga ang buto ng isang tao?"
Napatingin naman ako sa may unahan kung saan nakaupo si Ginto, kaagad itong ngumiti at kumaway ng mapansing nakatingin ako.
I rolled my eyes. Naiinis pa rin ako sa hindi ko malamang dahilan. Mr. Right, Mr. Right pa kasi! Umiiwas na akong mapalapit sa kanya, hindi na kasi ako komportable tulad ng dati. Kaya naman, kay Mr. Diaper tuloy ang bagsak ko. Ito lang kasi ang abnormal na nakakatagal sa'kin.
"Ni-unfriend ko na siya." I answered. "Titira ka pa ba o isasako na kita?"
"T-Teka naman, hindi ba pwedeng mag-isip muna? Uso kasi ang loading sa utak ko."
Sasagutin ko pa sana siya ng biglang magsalita si Mam, nasa unahan na ito, kasama sina Mam Katuturan.
"Class, andito ngayon si Miss Lacsa, from section C. Kasama niyo ang section nila sa film viewing kaninang umaga, right? At kung natatandaan niyo, pinaiwan ang gamit niyo sa may locker area." she paused at inilibot ang paningin sa buong classroom. "Unfortunately, nawawala 'yung cellphone niya when she checked her bag after the film viewing. Na-check na nila ni Mam Katuturan 'yung mga gamit ng kaklase niya.. wala silang nakita. So, bilang mababait na estudyante we're requesting for your cooperation.. pakilagay sa ibabaw ng table ang mga bags niyo."
I groaned at kinuha ang back pack ko. Isa-isa ko namang ibinalik sa lalagyan ang chess pieces at isiniksik sa bag ni Mr. Diaper.
"T-teka Ren.." gulat na bulalas nito. "Anong---baka--"
Natawa lang ako ng hindi na ito nakaangal at namutla na lang.
"I told you, ikaw lang ang ma-di-D.O.." turan ko pa ng magsimula na itong manginig. "Nag-diaper ka ba?" pahabol ko pa ng maalala ang minsang pag-ihi nito sa pantalon.
"R-Ren.. ang ba---"
"Shh.. wag mo akong ilalaglag kundi---"
"Mr. Bautista? Anong ibig sabihin nito?"
Natigil ang pang-aasar ko kay Mr. Diaper ng mapansin ang hawak na cellphone ni Mam Katuturan at ang bag ni Ginto. Nagsimula na ring mag-ingay ang klase.
"Mam, hindi ko po alam kung bakit nasa bag ko 'yan. Hindi ko naman po pag-iinteresan ang pink niyang cellphone." paliwanag ni Ginto.
"Anong ibig mong sabihin, na kusang pumasok sa bag mo ang cellphone na'to?" asik naman ni Mam Katuturan. Umiling pa ito bago muling tinitigan si Ginto. "Sumama ka sa'kin."
"Pero Mam, hindi po talaga---"
"Mr. Bautista, sumunod ka na lang." segunda ni Mam Dhalia.
Sa halip na sumunod, naglakad si Ginto palapit sa'kin.
"Ito ba ang ganti mo?" he whispered bago muling tumalikod at lumabas.