"Ms. Valdez." bati ni Mam Katuturan ng pumasok ako sa opisina niya.
Tss. Nakabalik na pala ang matandang 'to.
Humikab pa ako bago tamad na naupo sa upuang itinuro niya.
Nilagyan ko lang naman ng bubble gum ang mga upuan sa room, D.O. agad? Kasalanan ko bang basta na lang umupo ang mga kaklase ko without checking their chairs? Ang aarte. Pwede namang magpainit sila ng suka tapos ilagay sa bubble gum. Isang pitik lang, tanggal na agad 'yun. Tss. Palibhasa mga utak bibe.
Buti pa si Mr. Diaper natuwa pa sa bubble gum na inilagay ko sa upuan niya, pina-frame niya agad. Palibhasa naka-wheelchair pa kaya nakaligtas siya sa bagsik ng aking bubble gum.
"Katatapos lang ng suspension mo, D.O. agad ang bagsak mo." dismayadong pahayag ni Mam Katuturan. "Sana nama'y hindi mo na ako idamay sa kalokohan mo."
Ngumisi naman ako sa kanya.
"May kinatatakutan ka rin pala Mam."
Inayos nito ang suot na salamin saka pinagsalikop ang mga kamay at tumingin sa'kin.
"Lahat ng tao may kinatatakutan Ms. Valdez. Pati ikaw."
Tumaas ang kanang kilay ko sa sinabi niya.
"Pero wag mong isiping natatakot ako sa'yo.. sa mga kalokohan mo." she sighed. "Ang gusto ko lang mapabuti ka. Hindi ka pa ba nagsasawa sa paggawa ng kalokohan? Sa pananakit sa kapwa mo estudyante? Kailan ka pa matututo Ms. Valdez?" umiling ito. "Matalino ka naman, pero.."
Masamang tingin ang ipinukol nito sa'kin ng sipain ko ang table niya. Sinamaan ko rin naman siya ng tingin. Akala niya ha!
"Hindi po ako nainform, nagka-counseling na rin po pala dito?" I yawned. "Amen Mam. Dahil sa mga sinabi mo tiyak na inaabangan ka na ni San Pedro. Kung wala po kayong mga kamag-anak, willing po akong magmana ng inyong mahiwagang stick. Pfft.."
Namula naman ang mukha nito saka pabalang na tumayo at tinuro ang pintuan.
"Get out! Linisin mo ang buong field. Siguraduhin mong walang kahit maliit na candy wrapper akong makikita! Hindi ka uuwi, hangga't hindi ko sinasabi!"
--
"Tine."
I ignored him at nagpatuloy sa pagtusok sa mga pakalat-kalat na tuyong dahon. Dapat kasi pinaputol na lang sa'kin ni Mam Katuturan ang mga pasaway na puno, mas madali sanang gawin 'yun. Hindi ko na sana kailangang isa-isahin ang mga dahon sa buong field. Ang init-init kaya!
"Kakain na nga lang ng Nova, hindi pa kinain pati balat." daing ko pa habang paulit-ulit na tinusok ang balat nito. "Kapag ako sinipag, papakainin ko na talaga ng tinapay ang mga bibeng 'yan.. para matuluyan na sila."
"Tine.. hanggang ngayon ba galit ka pa rin?" I rolled my eyes. Andito pa rin pala ang lalaking ito. "Hindi ko naman intensyong ipahiya ka. Wala akong intensyong masama."
"Hala! May bubuyog ata? May naririnig akong bumubulong.."
"Tine, kahit ilang buto pa ang mabali sa'kin, kahit ilang pasa pa ang matanggap ko, kahit ilang bubble gum pa ang ilagay mo sa upuan ko, kahit na itago mo pa ang mga libro ko, kahit na ilang beses mo pang lagyan ng basura ang bag ko at kahit hindi mo pa ako pansinin.. Tine, hindi magbabago 'yung nararamdaman ko sa'yo. Gusto kita." nilingon ko siya. May ilang pasa siya sa mukha at kasalukuyang naka-arm sling ang kaliwang braso nito. Nakasuot na din ito ng jogging pants, nabiktima kasi siya ng bubble gum attack ko. Mwehehe. "Tine, sinabi ko na sa'yo noong una pa lang hindi ba? Ikaw ang TINEtibok ng puso ko."
Kung pwede lang sumuka ng putik, nagawa ko na. Mukhang hindi pa natututo ang Ginto na ito. Tss.
"Tusukin ko kaya 'yang puso mo, para hindi na tumibok?" banta ko saka dinuro ang dibdib niya gamit ang bakal na pantusok ng basura. "Tigilan mo na ako. Wala kang aasahan sa'kin. Na-unfriend na kita kaya wala na akong pakialam sa'yo. Isa ka na ring bibe sa paningin ko."
He just stared at me. Serious mode-on na ulit siya kaya feeling ko isa siyang serial killer na ang goal ay pugutan ako ng ulo para i-shoot sa basketball ring. Nabitiwan ko tuloy ang bakal na itinapat ko sa dibdib niya.
"Ganyan ka ba talaga?" he asked me coldly. "Ang dali lang talaga sa'yong mang-iwan ng isang kaibigan. Ang dali lang sa'yong tumalikod." puno ng hinanakit ang mga mata niya, parang anytime nga iiyak na siya.
Luminga-linga ako sa paligid, baka mamaya may hidden camera pala tapos pinagtitripan lang ako ng Ginto na ito. Pero wala naman akong napansing kakaiba maliban kay Kailey Monda na nakatayo malapit sa flag pole na parang pinanonod kami. Ano namang trip ng babaeng 'yun?
"Tine." muli akong napaharap kay Ginto, nakangiti na ito at parang baliw na naman. "Ayos ba ang acting ko? Sa tingin mo, papasa na ko sa Drama Club?"