"Talo?" maagap kong tanong kay Kevin Garnett ng maupo ito sa tabi ko. It's Friday at kaninang 11 ang laro nila laban sa ABC Academy.
It became his habit na dumiretso dito sa bahay kapag natatalo sila sa game. Hindi ko lang alam kung bakit dito pa niya pinipiling magluksa everytime na natatalo sila. Ang weird lang.
Mula sa anime na pinanonood ay nilingon ko siya. Nakasuot pa ito ng jersey, may puting towel sa kaliwang balikat at basa pa ng pawis ang buhok. Tahimik nitong inilapag sa isang tabi ang dalang gym bag at saka ininom ang kalhating basong juice ko. Kahit kailan talaga.
"Hindi ka na naman nanood." maktol nito habang ang popcorn ko naman ang nilalantakan. "I scanned the crowd, walang malditang nagche-cheer."
I poked his knee but he didn't budge. Mukhang down na down talaga ang loko.
"Tinatamad ako." tugon ko naman at muling nag-focus sa pinanonood. "Don't worry, hindi naman ito ang first time na natalo kayo. And besides, unang talo niyo pa lang naman this season."
"Yeah." maikling tugon nito na ikinakunot ng noo ko.
I stared at him again, since that day in the convenience store ngayon ko lang ulit siya nakausap. Oo, nakikita ko siya sa school pero hanggang tanguan lang naman ang nagagawa namin. He's busy tapos palagi namang nakabuntot sa'kin si Ginto kaya hindi ko na rin siya masyadong nakakausap.
"Why?" he asked ng mapansin ang pagtitig ko sa kanya.
"Ang haggard mo." tugon ko at bahagya pang hinawakan ang baba niya, ibinaling ko pa ang mukha nito pakaliwa at pakanan. "Wala ka ng pag-asa. Kahit si Dra. Vicky Bello, wala ng magagawa." I slapped her face softly. "Nakikiramay ako sa pangit mong mukha."
He just nodded at hindi man lang nagreklamo sa sinabi ko. If it's a normal day, igigiit nito ang pagiging gwapo niya hanggang sa pumayag ako sa kahambugan niya. Tss. Something's wrong.
"Spill." I urged him. Bored naman siyang tumingin sa'kin habang sumusubo ng popcorn. "Masyado mo bang dinidibdib ang pagkatalo niyo? Malaki ba ang lamang ng kalaban? Nilampaso ba kayo?" then I examined her legs and feet. "Injured ka ba? Malulumpo ka na?"
"Florentine." mula sa paa nito sinalubong ako ng seryosong mukha ni Kevin Garnett. "Nililigawan ka ba ni Bautista?"
"Seriously?!" natatawang saad ko na lalo niyang ikinasimangot. "Pacheck-up ka na Kevin Garnett, naalog na yata ang utak mo kakalaro ng basketball." dugtong ko pa bago uminom ng juice na dinala ni Ate Lily. "Ang havey ng joke mo." pahabol ko pa.
"I'm serious Florentine."
I rolled my eyes at inilapag ang basong wala ng laman.
"We all heard it, he confessed on-air." giit pa nito. "Tapos palagi ko pa kayong nakikitang magkasama, sa canteen, sa library, sa field, sa gym.. kahit sa labas ng school." kunot-noong litanya nito. "Siya rin ang nagdadala ng gamit mo, nagsisintas ng sapatos mo, nagbubukas ng Yakult para sa'yo. Kulang na nga lang subuan ka na rin niya."
"Wow." I reacted. "Alam na alam mo ah, pero may kulang." I smiled at him. "Siya rin kaya ang nagpa-flush ng toilet bowl for me."
"What?!" nanlalaki ang mga matang bulalas nito, may ilan pang popcorn ang natapon dahil pabagsak niyang inilapag ang lalagyan nito sa table.
I tapped his head and smirked.
"I'm just kidding Mr. Guzman."
Hinawi naman nito ang kamay ko sa ulo niya at saka ginulo ang sariling buhok.
"You're insane." mahinang saad nito bago bumuntong-hininga. "So, he's not courting you?" umiling ako. "For real?" I glared at him dahil nakukulitan na ako sa kanya. "Binasted mo?"
I shrugged.
"Binugbog ko."
He sighed again at hinilot ang sentido.
"Hindi ko alam kung matutuwa o magagalit ako sa ginawa mo." malumanay na niyang wika. "Hindi siya nakapaglaro dahil sa ginawa mo. Injured 'yung braso niya na I guess pinilipit mo." iiling-iling na turan nito. "Then, that's the reason why you're three days suspended?"
"Sort of." ngumisi ako. "May hinuli kasi akong bibe." he frowned. "The one who hanged up on me on-air." paalala ko dito, when he nodded I continued. "Itinali ko siya sa flag pole at binuhusan ng isang supot na harina, isang timbang putik, isang tabong egg yolk at syempre.. ang secret ingredient. Isang daang langgam."
"That's too much Florentine." angal nito habang nakangiwi.
"That's why I'm suspended." balewala ko namang turan.
Umiling lang ito at ginulo ang buhok ko.
"Pinasakit mo na naman ang ulo ni Tita Charisma."
I pouted.
"It's their fault, pinainit nila ang ulo ko.. lalo na 'yang Ginto na 'yan. Sa dami ng pwedeng pagtripan, ako pa ang napili niya! I thought we can be friends.. pero anong ginawa niya? Pinahiya niya ako sa buong school!"
"He confessed." pagtatama ni Kevin Garnett. "I think he likes you that's why he did it." nakasimangot pa nitong dugtong.
"But we're friends!"
Kevin Garnett frowned.
"Kapag friends, hindi ka na pwedeng magustuhan?"
"Oo!" bulalas ko.
Umiinit na naman ang ulo ko.
Naalala ko na naman ang pagpapahiya sa'kin ng lalaking 'yun. After that call, hindi na ako nilubayan ng mga bibe. Parang mga baliw na titingin sa'kin tapos magbubulungan. Kaya naman after ng ginawa ko sa bastos na bibeng binabaan ako ng telepono, si Ginto naman ang hinanap ko. Malawak pa ang ngiti nito ng lapitan ko. Pero ng pakawalan ko na ang kamao ko.. unti-unti ng nawala ang nakakaasar na ngiti nito. Kung hindi pa nga umawat ang mga tsismosang bibe baka nagkabali-bali na ang buto ng Ginto na 'yun. Baliw e, hindi man lang lumaban.
"Pati ako?"
"Ha?" Ano ngang pinag-uusapan namin? "Ano 'yun?"
Mula sa pagkakatitig nito sa'kin, umiwas ito ng tingin. Namumula ang tenga nito sa di ko malamang dahilan.
"W-wala." tugon nito at kinuha ang baso kong walang laman saka sinubukang uminom. Nagtaka pa ito ng napansing wala itong laman saka lalong namula.
"Para kang tanga, Kevin Garnett."