APTR – 16

823 Words
Hindi ko maintindihan. Hindi ko matanggap. It's been three days since that encounter with Kevin Garnett. Nakaalis na ulit ang mag-asawang 'yun kaya sa bahay na ako umuuwi. Halos araw-araw na nga akong sinesermunan ni Clinton pero wala namang pumapasok sa utak ko. Para na nga siyang naka-mute. Sa totoo lang, hindi na ako aware sa mga nangyayari sa paligid ko. Ang paulit-ulit ko lang na naaalala ay ang nakaraan. Wala akong ibang maramdaman kundi ang tila pagpunit sa dibdib ko at ang pagdukot ng kung sinuman sa puso ko. Kasalanan talaga 'to ni Kevin Garnett! "Tine." I stared at him. "Wala ka na naman sa sarili mo." kunot-noong turan nito saka inalis ang hintuturo na nasa noo ko na naging dahilan ng awtomatikong pagtigil ko sa paglalakad.  Teka, saan nga ba ako pupunta? "Ano bang nangyayari sa'yo?" he asked at saka walang babalang yumuko sa harap ko. Akala ko kung ano na namang kalokohan ang gagawin niya, isisintas lang pala niya ang mga sapatos ko. "Hindi ka ba marunong magsintas ng sapatos mo? Madadapa ka niyan e." sermon pa nito bago muling tumayo at hinarap ako. "Nakakapanibago ka. Dinadaan-daanan mo lang ako. Binabati kita, sinusundan kita, kinukulit kita pero dedma ka lang." reklamo nito saka ngumiti. "Nakakamiss din pala ang pagsusungit mo."  I frowned. "Okay." tugon ko at nagsimula na ulit maglakad.  Naalala ko na, pupunta ako sa Library dahil sa report na pinagagawa ni Sir July. Siya ang pumalit kay Sir Tuy.  "Hoy Tine, ano bang meron? May problema ka ba? May nangyari ba? May pinagdadaanan ka ba? May kakaiba kasi talaga sa'yo.. mukha ka ng zombie." pangungulit ni Ginto na wala atang ibang magawa kaya palagi na lang nakabuntot sa'kin. "Tine.. Tine. Tine, Tine de serapen, de kutsilyo de almasen. Pfft.."  Nilingon ko siya, muntik pa nga siyang mabunggo sa'kin dahil busy siya sa pagtawa sa waley niyang joke. Mukhang katol ang tinira ng isang ito. "Natawa ka rin ba Tine?" malawak ang ngiting tanong nito. I stared at him, not knowing the reason why. "Sige, titigan mo pa ako.." tumataas ang mga kilay na wika nito. "..para maging crush mo na rin ako. Tapos magiging M.U. na tayo." muli pa itong ngumiti habang nakikipagtitigan sa'kin. "Ang daldal mo, bakla ka ba?" and his smile faded. Good. -- "Ano na?" I asked him at saka nilaklak ang isang Yakult. "Naka-bente na akong Yakult, wala ka pa ring nakukuhang number. Paano ka pa kaya makakahanap ng kadate?" "Just be patient Tine, wag mong sirain ang diskarte ko. Makakahanap din ako ng babaeng papayag makipagdate sa'kin. Papatunayan ko sa'yong hindi ako bakla!"  Napapailing na lang ako habang pinanonood siyang ngumiwi. Kasalukuyan niyang nilalapatan ng yelo ang pasa sa pisngi. Baliw talaga.  After my accusation, bigla niya akong hinila sa coffee shop sa tapat ng school. Gagawin niya daw ang lahat para lang mapatunayan na hindi siya bakla. Probably because of boredom and since tinamad na rin naman akong magresearch, pinatulan ko na lang ang kalokohan niya. I asked him to ask a random girl to be his date tomorrow since Sabado naman at walang pasok. He agreed, pero dahil malas siya.. unang babae pa lang sablay na. Nasa kalagitnaan siya ng pakikipag-usap dito ng sumulpot bigla ang boyfriend nito na nagkataong seloso. Sinuntok kaagad siya at kung hindi pa ito naawat ng guard, baka nasa pink na kabaong na ngayon ang Ginto na ito. "Bawas pogi points ang pasa na'to.. wala na tuloy nakakapansin sa kagwapuhan ko." angal pa nito bago nagmamadaling tumayo at sinalubong ang padating na babae. "Hi Miss, parang nakita kita last night.." Naguguluhan namang tumingin sa kanya ang babae. "I saw you in my dreams." then he smiled. "Maybe, it's destiny. Sinong mag-aakalang magkikita tayo ngayon?"  Hindi ko na pinakinggan pa ang naging sagot ng babae. Tumayo na lang ako mula sa kinauupuan ko habang bitbit ang mga Yakult na binigay ni Ginto. It's over. "Tine!" humahabol na sigaw ni Ginto, malaki ang ngiti nito at iwinawagayway pa ang hawak na cellphone. "I did it! I got her number, pumayag din siyang makipagdate sa'kin." saglit itong huminto at iniharap sa'kin ang screen ng cellphone niya. "Wag kang magseselos ha." wika pa nito. "Selfie lang naman 'yan for fun." ngumisi pa ito. Sa picture, nakangiti siya habang hinahalikan naman ng nasabing babae ang pisngi niyang may pasa. Muntik na akong mabilaukan sa nakita, pero natawa na lang ako. "W-why are you laughing?" nagtatakang tanong nito. "Wow, you look more beautiful when you laughed." Kaagad naman akong napatigil sa pagtawa at sinamaan siya ng tingin. "Hindi ko lang sigurado kung tanga ka lang talaga.. " panimula ko bago itinuro ang coffee shop na pinanggalingan namin. "Hindi siya babae." Muntik na niyang mabitiwan ang hawak na cellphone when he saw the tarpaulin outside the shop. "Alwin sa umaga, Alwina sa gabi." then there's a picture of his transformation. "Watch Alwina sings for you live every Friday here at Check Box Cafe.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD